Chapter 34

4.8K 113 0
                                    

ANGELA'S POV

Napamulat ako, nakaramdam ako nang gutom. Ginala ko sa paligid ang paningin ko pero napakunot noo ko nang makita ang puting pintura nang kinaroroonan ko, tsk. hindi ko gusto ang lugar na ito.

Inalala ko ang nangyari, tss. nahimatay na naman pala ako. Sa mahabang panahon ngayon uli ito umatake.

Dahan dahan akong bumangon, wala na ang pagsakit nang ulo ko at hilo ko. Tsk. Malamang dahil nakapagpahinga ako at nakatulog.

Aist, pasaway, talagang sa harap pa nang mga pangit na 'yon ako nahimatay, ano na lang iisipin nila? Tsk. Baka may mag-aakalang buntis ako, o baka isipin talaga nang tatlo na malala ang sakit ko, at ang iba naman baka sabihing nagutuman ako. Aist, huwag naman sana.

Napatingin ako sa pinto nang magbukas ito, niluwa nito ang Captain Jerk na nakapoker face, kasunod ang tatlo at si Arvin. Napasimangot ako. Anong ginagawa nang mga pangit na 'to dito?

"Kamusta ka?" Ngiting usisa ni Solyie. Hindi ko siya sinagot.

"Buti naman nagising ka na." Anang Bernie. Naparolled eyes lang ako.

"Geeez, kinabahan ako  nang mahimatay ka." Anang Bryan naman, napairap ako.

"Kumain ka na muna." Lumapit si Arvin sa side table at kumuha nang pagkain.

"Ayos na ako." Walang gana kong sabi, kita ko kasi ang simangot sa mukha ni Captain Jerk. Tsk. Bakit pa kasi nandito ang mga 'to? Tsk. Nastestress na naman ako, lalo na sa tatlo, bakit kasi nagpromise pa ako sa kanila? Psh. Okay fine, dahil may sekreto silang nalaman, hindi naman ako natatakot na malaman dahil wala naman akong sakit pero kasi iba pa din baka alisin nila ako sa team.

"Anong ayos? Nahimatay ka kaya. Ikaw huh, sabihin mo nga kung bakit ka nahimatay. Buntis ka ba? Or may cancer? Or may taning na ang buhay? Huwag kang magsisinungaling." Maang akong napatitig sa Jerk. Anong pinagsasabi niya? Letche siya.

Napatingin ako sa tatlo, tsk. seryoso nila akong tinitigan. Psh, malamang alam na alam itong nangyari sa akin pero sana lang ilihim talaga nila dahil sisipain ko talaga sila kapag nagsumbong sila.

"Oh bakit hindi ka makasagot?" Anang Captain Jerk. Binalingan ko siya nang tingin at inirapan.

"Hoy! Wala akong sakit, ni hindi ako buntis. Nakakadiri ka. Huwag mo akong gawan nang kwento. Ang baho niyo lang kaya nahimatay ako, masyado kasi kayong malapit sa akin kanina sa loob nang field." Bulyaw ko sa kanya.

Sinamaan niya ako nang tingin kaya naman inirapan ko uli siya. Mananahi nang kwento. Tsk. Sarap sipain.

"Gel, tama na kumain ka muna." Anang Arvin na susubuan sana ako, iniwas ko mukha ko.

"May kamay ako. Tsk. Akin na nga 'yan. And please magsilayas na kayo, nastestress ako sa inyo at nababahuan." Singhal ko.

Nakakainis talaga ang Captain Jerk na 'to. Ang pangit na nga, walang hiya pa.

Ako? Buntis? Tsk ni kiss nga hindi ko pa naranasan ang ano pa kaya, sarap sipain. Tapos ako may cancer? May taning ang buhay? Kung siya kaya kanseran ko at nang magkataning ang buhay. Arrg. Nakakagigil. Sarap batuhin nang kutsara. Mga walang kwentang konklusyon. Sabi na ehh talagang iisipin nila iyon pero geez, ang Jerk pa talaga nagsabi.

Sinamaan ko na naman siya nang tingin. Bwisit siya.

"Tsk. Kayong tatlo umalis na tayo. Sana hindi niyo na dinala 'yan dito, hinayaan niyo na lang sa taga AEA. Walang utang na loob." I just rolled ny eyes.

"Magsama kayo nang AEA, pareho kayong pangit. Pangit." Bulyaw ko.

Inirapan niya ako bago tinalikuran at naunang lumabas, mabuti pa nga at nang hindi ko na nakikita ang pangit niyang pagmumukha. Nakakasuka.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon