Chapter 12

214 6 0
                                    

MEETING A TSUNDERE GIRL
CHAPTER 12
                  STEFFIE POV
Grabe na talaga. Nabwebwesit na ako sa kanya ng sobra. Bakit ba ayaw niya akong tantanan? Unang subject pa lang sa umaga ay napalabas na ako. Sanay naman ako na di pumapasok ngunit kagustuhan ko naman iyon at desisyon ko, pero ang ganito- HINDI. Pinalabas ako ng dahil sa kanya.

"Pusa!"

"Pusa!"

"Pusa"tatlong beses niyang tawag sa akin kaya nilingon ko na siya at tinignan ng masama.

Wala naman tao sa corridor kasi may klase sila habang kami pinalabas. Ugh! Kingina!

"Diputa! Stop calling me Pusa! Dahil hindi ako pusa."singhal ko sa pagmumukha niya.

"Haha sorry. But i do love cats and you don't like them. Para ka kasing pusa kapag galit. "Tawang sabi niya.

"Tumahimik ka kung ayaw mong dalhan kita ulit ng Octopus.! Nababakla ka pa naman pagdating sa Octopus. Nagtataka ako kung bakit ka natatakot sa kanila eh kamukha mo naman ang mga iyon"sabi ko.

"Ikaw nga eh. Takot ka sa Pusa. Haha"tawang sabi niya.

"Hindi ako takot, ayaw ko lang sa kanila at magkaiba iyon!"inis kong sabi.

"Hahaha. Huwag ka ng magalit. Sorry na Pusa."sabi niya.

"Pasensya na okay. Gusto ko talaga ang mga Pusa. Ibig sabihin non--gu-gusto kita---- "Siya

"Ha?"kunot noo kong sabi

"Dahil Pusa ka! Hehehe."sabi niya sabay kamot sa batok and I- I find it cute. Haha.

"Eeeh! Bwesit ka!"sabi ko at naglakad ulit. Nakasunod lang siya sa akin.

"Hey! Can we just get along? Ang init naman palagi ng ulo mo"sabi niya.

"Impossible iyan! Siguro guguho muna ang mundo bago tayo magkasundo. Kulong-kulo ang dugo ko sayo kung alam mo lang"inis kong sabi na di man lang siya nililingon

"Eh kabog ng kabog naman ang puso ko dahil sayo. Kailangan ko rin bang magalit sayo"sabi niya kung kaya't napahinto ako.

"Hahaha joke lang. Di ako magkakagusto sa Pusa no. Baka kalmutin pa ako. Hahaha sayang lang mukha kong gwapo"tawang sabi niya.

---

Sa pagbabangayan namin ay napunta ako sa Library. Doon ako dumiretso sa may dulo. Umupo ako sa sahig at sumandal sa pader kaharap ang mga nakahelerang mga lalagyan ng mga libro. Kumuha ako ng isa at nagbasa ng Hardy Boys-mga young sleuths.

Umupo siya sa tabi ko at nagbasa din. Maya-maya ay sinarado na niya ang libro at tumingin sa akin.

"May dumi ba ako sa mukha?"tanong ko

"Hmm--Pangit mo naman"bigla niyang sabi at napantig naman tenga ko sa sinabi niya. Ako? Pangit? Baka siya.

"Lumayas ka dito"pigil galit kong sabi at nag-pout lang siya. Ang pink pa naman ng lips niya. What! Aaahh! Bakit ko nasabi iyon.?

"Ang sama mo sa akin."sabi niya.

"Because you are so annoying"sagot ko.

"Sus. Kung mawala ako sa tabi mo mamimiss mo ko. Ako lang kaya ang nag-aasar at nagpapagalit sayo. "Sabi niya.

Tiniklop ko na iyong libro dahil hindi rin naman ako makakabasa ng maayos dahil nyeta ang ingay niya.

"Asa ka pa!"sagot ko.

"Why are you like that.? You are acting strong and tough but I know deep inside you are still weak."sabi niya.

"Kailangan ko bang sagutin iyan.?"pabalik kong tanong.
Narinig ko lang siyang tumawa.

Meeting A Tsundere GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon