LD 1

49 0 0
                                    

"Heiden, I'm courting you for about 5 months 'till now. But..." hindi nya natuloy ang sasabihin nya ng niyakap ko sya ng mahigpit.





"Shh. sorry Laveign, I'm just... I'm not still ready. Sinabi ko naman diba sayong di pa pwede, simula palang. Sinabi kong kung nahihirapan ka na, okay just stop. Ayaw kong umasa ka sakin, but you always decline."




"Heiden..." tawag nya sakin sabay hiwalay ng pagkakayakap.





"Kung kaya ko lang talaga maghintay pa, maghihintay ako kasi mahal na mahal kita, but for now I will stop" di ko alam kung bakit bigla nalang may kumirot sa puso ko ng marinig ko ang sinabi nyang iyon.





"Laveign, Kung pwede lang kasi talaga---"




"Alam ko...alam kong sinusunod mo lang ang gusto ng magulang mo. Ayaw pa nilang magkaroon ka ng karelasyon." he chuckles. hinawakan nya ang pisngi ko.





"Naaalala ko pa nong isang beses akong pumunta sa inyo. alam kong pinarinig talaga sakin ng papa mo na 'study first anak, wala munang boyfriend-boyfriend ha." tumawa sya ng kaunti. "Kaya mula non, di na ako nagdalaw ulit sa bahay nyo"





"Laveign, pwede namang maging magkaibi---"





"Magkaibigan naman na tayo simula palang nong ligawan kita. I'm just wondering, What if Tayo na? gusto kong maramdaman yun bago man lang ako umalis---"





"Teka! Veign, aalis ka!?" biglang nanlaki ang mga mata ko.




"Look Den, Oo pero hindi aalis na pupunta sa ibang lugar---"








"Gusto mong sagutin kita kasi aalis ka na? tapos ano? maiiwan ako dito? 'Tayo!' pero wala ka dito!?" napasigaw nalang ako bigla sa sobrang gulat at disappointment. "Gusto mong suwayin ko ang magulang ko pero iiwan mo din ako!?" nagulat ako ng biglang tumulo ang mga luha nya.







"Heiden...Di kita pinipilit, Kaya nga titigil na ako kasi ayaw kong masuway mo na ang magulang mo." di ko alam kung bat bigla ko nalang siyang niyakap. Ayaw ko syang tumigil pero ayaw ko din naman ng umasa pa sya.








"You're now free from me Den. I will not Chase you again. Sundin mo palagi ang magulang mo ha. Promise mo yan sakin." hinawakan nyang muli ang pisngi ko at ngumiti. Di ko namalayang kanina pa pala tumutulo ang luha ko. "Shh. Heiden kahit naman mawala ako, babantayan parin kita" Babantayan parin? ibigsabihin di parin sya mawawala sa tabi ko.








"Thank you Laveign, You are always be my only one Bestfriend. Mahal na mahal din kita." nagitla ako ng kusang gumalaw ako at hinalikan sya sa labi. Bigla syang tumawa kaya't napahiwalay ako bigla.







"Heiden, haha di ko naman iisiping magiging tayo na dahil lang sa hinalikan mo ako. okay lang pwedeng goodbye kiss yan. haha I love you too." sabay halik nya rin ng mabilisan sakin sabay yakap ng mahigpit.









"Laveign, di ka naman mawawala sa tabi ko diba? palagi mo parin akong sasamahan at babantayan?" naramdaman kong napahiwalay sya ng konti at tumingin sakin. kumunot ang noo nya. "Veign! Sabi mo yun kanina e! babantayan mo parin ako!" sabay hampas sa dibdib nya at nagpapadyak sa lupa.








"ouch! ouch! Oo! oo nga, babantayan pa rin kita" sabi nya sabay tawa. napangiti ako ng makita ko ulit yung tawa nyang ganon. yung totoong tawa nya. hayy.








 
"Thankyou!" sabi ko sabay halik sa pisngi nya haha.









"oh! chumachansing ka na dyan. Tama na baka iuwi na kita." sabi nya sabay yakap sakin. hinampas ko naman sya sa braso. "Biro lang ano ka ba. haha di na nga ako magpipilit diba? Ayaw ko namang magiging tayo nga tapos aalis naman ako, sabi mo nga kanina ayaw mo ng ganon. kaya Bestfriend nalang tayo kahit ang sakit" sabi nya sabay pout.








"Nakakainis ka baga! may pagpout ka pa dyan! iuwu kita dyan! hahaha charot lang" Sabi ko sabay tawa.










"Di na pwede. baka pag inuwi mo ako mahirapan ka lang." seryoso nyang sabi pero maya maya tumawa din agad.






"Hahaha Loko ka talaga! Pero pansin ko bat palagi ka ng nakabonet? nagpapapogi ka sakin no? hahaha" Nanlaki ang mata nya ng bigla kong pinansin yung bonet nya.









"A-ah haha Oo nagpapapogi ako sayo. ano pogi ba?" sabay papogi nya at kindat. Yabang talaga nito!







"Hahaha Ewan ko sayo. ang yabang mo talaga!" sabi ko ng may pag irap-irap pa hahaha.











"Heiden Star De Santos." napatingin ako sakanya ng bigkasin nya ang buong pangalan ko.








"Oh bakit?" nagtataka kong tanong.






"I will love you Forever." Seryoso nyang sambit kaya't napatawa ako bigla.






"wahhhh ang corny mo Hahahaha"





"Tss. Panira ka naman ng moment e." pagtatampo nya sabay pout.








"Hilig mo na magpout! Haha---" napatigil ako sa pagtawa ng hawakan nya ako sa magkabilang balikat.





"Seryoso kasi ako don Den. Magpapakabait ka palagi ha. Hanap ka ng lalaking katulad ko pero syempre wala ng katulad ko sa ngayon haha hanap ka nalang ng Katulad kong Humble, mabait at syempre gwapo---"







"Teka bat ganyan ka magsalita? haha para kang nagpapaalam. pero syempre wala na akong mamahaling iba Veign. ikaw lang hintayin mo ako ha!" Sabi ko sabay akbay sakanya at pisil sa pisngi nya.






"awww ang sweet naman ng Den ko. haha pero syempre sa tagal-tagal makakakilala ka rin ng lalaking mas lalamang sakin." sabay gulo nya sa buhok ko. "Kaso wala ng lalamang sakin kaya sorry sayo pinakawalan mo ako e." sabi nya sabay tawa. Loko talaga.






"FYI, di kita pinakawalan. ikaw ang kumawala haha pero syempre wala ng lalamang pa sayo. I love you!"







"Hahahaha Ikaw ha! I love you ka na ng I love you. napapansin ko na yan kanina pa!" sabi nya sabay tusok tusok sa tagiliran ko.






"Hoy! Fyi again, pangalawa ko palang yun. masyado kang assuming ha!" sabi ko sabay layo sa kanya at pinanlakihan sya ng mata.






"okay okay suko na ako hahaha Pero I love you too. sige hatid na kita masyado ng madilim baka pagalitan na ako ng magulang mo."






"Nagpaalam naman ako. pero sige uwi na ako. tara!" sabay hila sa kanya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love's DebacleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon