002.

17 0 0
                                    

002. swing

Look, kapag sinabihan kayo ng maganda ng isang Rose Valiente, tanggapin naman ninyo at isang himala iyon okay? Dahil minsan lang naman siya magsabi ng ganyan, lubus-lubusin mo na. Wag mong tatarayan.

Kasi eto yung nangyari...

[ Flashback ]

Naglalakad kami sa corridor. Malawak siya, sa sobrang lawak madaming magsyota din ang naglalandian dito. Eww...

Pero may isang babae ang umagaw ng pansin namin. Nakatayo lang siya doon, at wala, nakatayo nga lang.

Nilapitan namin siya. Si Rose ang unang nagsalita, "Miss, ang ganda mo kamo. No joke, maganda ka talaga."

Tapos tinaasan siya ng kilay. Omg, girl mali 'yang ginagawa mo. "I know right. Huh." Tas nag-flip siya ng hair.

Shet girl. Tinaasan lang siya ng kilay ni Rose. Hala sige magtaasan na lang kayo ng kilay hanggang matanggal yan.

"Pero syempre..." tinignan siya ni Rose mula ulo hanggang paa at pabalik, "mas maganda pa rin ako." Nag-hairflip din siya at umalis na kami.

[ Flashback end ]

Tawa kami ng tawa ni Sydney nung tinignan ulit namin yung babae. Ganda ng reaction eh, parang nakatikim ng ilang kalamansi.

Labag man sa loob ko, eh kailangan kong pumasok ng Math. Numbers numbers nanaman. Tapos malalaman mo merong imaginary number na i. Ano naman bukas? May papasok na imaginary unicorn at siya naman ang magtuturo? Litchi chinensis ah.

KRING KRING

"Goodbye class."

"Goodbye Miss Cham!"

Hay salamat! Akala ko hindi na matatapos ang Mathematics. Kinuha ko na bag at gamit ko at lumabas na ng classroom. Chineck ko yung phone ko at nakitang may text si Sydney.

Fr: Sydney

Uy Inidgo! Punta ka sa may playground. Doon na lang daw magkita-kita sabi ni Frank. See ya bb. :*

Eh? Ma-replayan na nga lang

To: Sydney

Sure. Anong bb ka dyan? :P

Send

Message Sent

Ganito kasi yun, wala akong kaklase sa kanila sa Math, sakit no? Mga mang-iiwan! Lol jk. Walang hiya yung class generator machine, nilagay ako mag-isa sa Mathematics. Huhu T__T

Nagtungo muna ako sa may locker area at nilagay yung libro ko sa hardbound ng Mathematics ((oh diba, pati libro pasakit!)).

Pumunta ko sa may playground at nakitang ako na lan pala yung hinihintay.

"Hoy Indigo! Katagal mo naman!" Sigaw sakin ni Sydney na nakahiga sa slide, kumakain nanaman. -__-"

"No she's not. Natagalan ka lang siguro kasi kanina ka pa kain ng kain diyan." Haha bleh Sydney, pinagtanggol ako ni Dawn.

Speaking of Dawn, nakabaligtad siya sa may monkey bars at nagbabasa. 'Di ba siya nahihilo sa ginagawa niya?

Pumwesto ako sa may rocking dolphin. Wala na akong ibang maupuan, si Frank nasa may tree stump walang ginagawa, si Athena sa may spider pangiti ngiti habang nakatingin ulit sa cellphone niya, si Rose naman nandoon sa may swing, malaman nag-sswing.

Nakita ko namang biglang ngumiti si Frank at tumayo sa kinauupuan niya. Pumunta siya sa likod ni Rose at tinulak niya ng malakas.

"AHHHHH! Frank! Stop it! Hoy Frank! Waaaaaag!" Sigaw ni Rose. Ang saya niyang panoorin. Haha

"Ako na lang Frank! Ayaw naman ni Rose eh! Ako na laaaaang!" Kung hindi mo sila pinapanood,parang double meaning yung sinasabi ni Sydney.

"Hoy Indigo. 'Yang mukha mo, alam ko kung anong iniisip mo," at hinigit niya yung swing para huminto. Umalis si Rose at pumalit naman si Sydney.

"HAHAHAHA ANG SAYAAAA!" Hala sige sigaw pa Sydney.

Umupo si Rose sa may stump. "Kahilo no?" Tanong ko sabay tawa.

"Manahimik ka nga. Di kaya nakakatuwa." Hm? Umaatake nanaman ata ang pagka-bipolar neto.

"YAAAAHHH! STOP IT ATHENA AYOKO NAAAA!!! HAHAHAHA! WAG WAG KASI!" Tas nagninja pose ako nang nakaharap na ako kay Athena. Si Rose naman ang biniktima niya.

"HAHAHA ATHENA HUHU TIGIL NA! STOP PLEASE HUHU!"

Grabe, nahiya naman yung mga batang preschool na padating dito sa sobrang kulit namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twisted HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon