Jags' POV
Tinignan ko na lang si Kerk nung maglakad siya paalis sa kinaroroonan namin hanggang sa siya ay maglaho ng tuluyan.
Heto na. Tuluyan na kaming nabawasan. Umalis na si Kerk at hindi namin mahagilap si Hyrant.
Best friend ko si Kerk simula nung mag-aral ako dito sa BSA. Siya yung palaging nandiyan kapag may pinoproblema ako, kapag kailangan ko ng makakausap, at kapag kailangan ko ng kaibigang tutulungan ako.
Pero sila ni Hyrant? Iba yung samahan nila dati eh. Parang magkapatid na sila kung magturingan.
"Brothers fight. But they are still brothers."
Yan palagi yung salitang binibitawan nila dati kapag nag-aaway sila.
Pero ngayon, wala na. Kasabay nilang naglaho yung mga salitang iyon.
May magagawa pa ba kami para mabuo ulit ang grupo naming sina Kerk at Hyrant mismo ang bumuo?
"Hoy, kayong natitira." sabi bigla ni Phia at pinunasan niya yung mga luha sa mukha niya.
Nagsitinginan naman kaming lahat sa kanya. Lahat nagtataka.
"Huwag kayong tumayo lang diyan at magkimkim ng lungkot. May magagawa pa kayo para maibalik yung dalawang kumag na yun." sabi niya ulit.
Ano na naman kaya ang nasa kokote nito?
"Magagawa? Eh wala nga kaming maisip na iba kaya susuko na lang kami." sabi naman ni Jerick.
"Meron kayong magagawa. Lumapit kayo."
Nagsilapitan kami sa kanya. Lahat nagtataka kung anong binabalak niya.
Binulong niya sa amin lahat ng plano niya.
"Hmm. Bakit hindi ko yan naisip? Pero mukhang gagana ang plano mong iyan Phia." sabi ni Yupio.
"So, kailan tayo magsisimula?" tanong ko naman.
"Bukas na bukas din." -Phia.
Pumunta kami sa canteen para mag-usap-usap kung anu-ano yung mga gagawin namin kapag sinimulan na yung plano.
Nagpaalam naman kami sa mga prof namin kaya ayos na kung magplano na kami.
Ako, si Krest, si Verter, at si Weigh ang naka-assign sa mga kakailanganing props. Oo, props nga. Malalapit lang namin kasi yung mga bahay namin.
Sina Yupio, Freth, Jerick, at Keigi naman ang magsisilbing look-out at magsasabi kung kailan gagamitin yung mga props. Yung gumawa ng plano na si Phia ang magiging bida sa palabas namin.
Agad naman kaming nagsitayuan ng dumating ang Dean ng eskwelahan namin.
"Phia, hinahanap kita sa Music Room ngunit wala ka. Ang sabi ng prof mo eh may gagawin ka daw. Hindi ko alam na ito lang pala ang gagawin mo. Ang kumain dito sa canteen." sabi ng Dean kay Phia at lahat kami ay nagsipagtayuan.
"Sorry po Daddy, ay este, Dean." sabi ni Phia habang lumapit siya ng mabilisan sa Dean, ay este, sa Daddy niya. "Bakit niyo po ba ako hinahanap?" tanong niya.
"Basahin mo ito. Sinulat yan ni Kerk at iniwan sa pintuan ng opisina ko." sabi nung Dean.
Binasa ito ni Phia at napahawak na lang siya sa bibig niya.
Humarap siya samin at nagsabing:
"Aalis si Kerk sa BSA bago ang Acquaintance Party." sabi niya at napayakap sa kanyang tatay.
Nagkatinginan naman kaming mga lalaki at mas lalong napipilitang sumuko na lang na ayusin pa at ibalik sa dati ang lahat.
Atsaka, 48 hours na lang bago ang Acquaintance Party. Paano namin magagawa ang lahat ng plano namin?
"Sige po Daddy. Mamaya na lang po tayo mag-usap. Kakausapin ko po muna sila." sabi ni Phia.
"O, sige anak." Sabi ni Dean sabay tingin sa amin. Nagsipagtayuan naman kami ng maayos. "Hoy. Kayo..." sabay turo samin, "I'll be watching you guys."
"Daaaaaaaaad! Wala naman silang gagawing masama. May pag-uusapan lang kami."
Huminga ng malalim yung Dean namin bago siya umalis.
"Kinabahan ako dun ah." Sabi ni Weigh na napahawak pa sa dibdib niya.
"Akala ko nga kung ano eh." Sabi naman ni Jerick.
Napangiti na lang si Phia.
"Alam kong limitado lang ang oras natin kaya dapat lahat ng kilos na gagawin natin ay mas mabilis pa sa limang segundo." sabi niya pagka upo namin ulit. "Dapat sa loob lang ng isang araw natin magawa lahat ng mga plinano natin para yung natitirang isang araw, dun silang dalawa makakapag isip-isip."
Nagkaroon ng maikling katahimikan sa paligid bago siya magsalita ulit.
"Teka, bago ako umalis, magpakilala nga kayo. Hindi ko pa kasi kilala yung iba sa inyo eh. Kilalang-kilala ninyo ako tapos ako naman 'tong walang kaalam-alam sa mga pangalan niyo." Sabi niya at nagsipagtawanan naman kami.
Nagpakilala nga ang isa't isa. Kahit ako at si Krest na kilala na niya.
"Siya nga pala Jags. Kakailanganin ko ang kapatid mo. Saglit lang." sabi ulit ni Phia sa akin sabay takbo.
Lagot na. Nalaman niya palang may kapatid ako dahil kay Krest. Letse.
"Kapatid mo Jags? MAY KAPATID KA?!" gulat na sabi ni Yupio.
Tumango na lang ako.
Papatayin ako ng kapatid ko.
"Huwag na lang kayong maingay." sabi naman ni Krest.
"Bakit, alam mo rin?" tanong naman ni Verter.
Yumuko na lang si Krest at tumango na lang.
"Sa ngayon, hindi importante kung may kapatid man ako. Tsaka na lang natin yun pag-usapan. Sa ngayon, kailangan natin gawin ang plano." sabi ko.
Sana nga magawa namin lahat. Hindi kasi namin alam kung kakayanin ba sa loob lang isang araw.
Bahala na.
��
BINABASA MO ANG
He's a DANCER,She's a SINGER
Любовные романыALL RIGHTS RESERVED.Places,incidents,and the names of each of the characters in this story are products of the author's imagination.Any resemblance to the story is highly coincidental.I apologize if it did so. [author]