Wanted: Cinderella

638 10 11
                                    

Once upon a time, there lived a beautiful maiden named Cinderella. She was orphaned at a very early age. Her step sisters and step mother took advantage of her goodness and made her do whatever they tell them to..... But alas, the truth is better not known.

No, not at all......

"TANG NA GATAAAASSSS!!! bakit ang dami kong lalabhan?! wala ba kayong mga kamay?! Baliin ko na lang kaya para kasing wala nang kwenta eh!!"

Ehem. Ehem. Excuse me. Mukhang mali ang pagkaka describe ni Ms. Otor sa akin ah. AKO?! MABAIT?! pssh! Umitim man ang kilikili ng demonyitang step mader ko; kahit na hindi na ito iitim, tss, sure ako no, kulang nalang mag swimming sa gluta yun. no nuh uh. Never ever akong babait no matter what forever!!

Bakit? Kailangan ba mabait ang bida ng isang istorya? Sinong may sabi niyan? Priprituhin ko! Every maiden deserves a fairy tale. Kaya, nope, I don't think so.

Sa mga hindi nakakakilala sa akin, ako lang naman ang Pinakamagandang si CINDERELLA!!! Sorry to ruin your fairy tale ah. This is the real me. Eh inedit lang naman yun nung gag*ng director na yun ang buhay ko para daw drama. Psssh!

"Cinderella!! Bilisan mo diyan!! Lilinisin mo pa ang buong bahay!"

sigaw ng isang malahiganteng palaka ay este-- sigaw ng napakagandang step mother ko.

"Hello?! Hindi po ako super hero na pwede hatiin ang katawan. Kitang may ginagawa pa ako eh!" bingi ba siya kakasabi ko lang na marami akong lalabhan.

"Ah, ate Cindy, ako nalang po diyan" haaay. mabuti na nga lang may kakampi ako dito sa mala impyernong bahay na ito. Siya pala ang the one and only Anastasia. Gulat kayo? haha!

" Ah salamat Anastasia ah." sa kanya lang ako mabait. Eh siya lang naman kasi ang tao sa kanila.

"Hoy babae! Anong pinapagawa mo sa kapatid ko?! " Tae. Nag grand entrance na ang Godzillang si Grizella. Haha! Bagay noh? Ang genius ko talaga! Yeah men!

"Ay hindi, hindi siya naglalaba, nag be-break dance siya. Gusto mo rin? Aishh! Ang talino mo noh? Kitang-kita nang naglalakihan mong mga mata na naglalaba siya, nagtatanong ka pa." Tsss. Best award goes to her!

"Ikaw babae ka!!"

" Duh! No need to point that out Grizella, sa ganda kong ito, babae talaga ako. Eh hindi lang nga ako sure kung babae ka ba or...... " di ko na lang tinapos ang sasabihin ko, gets naman ata niya. Eh nag uusok na nga. Inirapan ko nalang ang bruha at with a victorious smirk, nag walk out ako.

"CINDERELLA!!!!!!!!!!"pikon, talo. Heh.

I am the champion my friends

No time for losers

'Coz I am the champion

Of the world!

Mas makakabuti sigurong dito muna ako sa kwarto tumambay. Baka mabawasan ang mga magaganda sa mundo ng di oras.

"Oh Cinderella~ dahil ikaw ang pinakamabait na nilalang dito sa mundo, dito ka nalang ha. Pupunta kami sa grand ball ng kastilyo." Ew. Nakakasuka ang matamis na boses ni step mom. Parang ahas. Sarap putulin ng dila.

"Oh edi mabuti! Go! Shuupe na kayo! Iwan niyo ako dito. Alis! " akala nila maiingit ako? Not, in this world.

"Okay Sis! Be jealous of us! Bye~" at kinandado ng Godzilla ang pinto ko. I don't really care. Duh.

Wala naman kasi akong pake sa prinsipe eh. FYI, man hater ako. Loko talaga yung director na yun. Pinalandi pa ako?!

Bakit niyo ba kasi kami ishini-ship?

Wanted: CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon