Chapter 59

6.3K 202 8
                                    

~*~

Mikay's POV

Halos mapa iyak ako kakatawa dahil sa pagiging sobrang matatakutin ni Zake. Imbis na napapasigaw ako dahil sa gulat sa pinapanuod namin, napapa sigaw ako dahil sa sigaw nya at natatawa sa reaksyon niya pag may lumilitaw na multo sa pinapanuod namin. Pangatlong movie na itong pinapanuod namin at mula pa kanina masakit ang tiyan ko kakatawa.

Di ko alam kung horror ba talaga itong pinapanuod namin dahil sa lahat na kami tawa na ng tawa dahil kay Zake. Comedy na nga yata ito e dahil sa nakaka sakit na ng tiyan kakatawa. Imbis na manuod kami at tumutok sa TV. Hindi na dahil inaantabayanan nalang namin si Zake kung ano magiging reaksyon nya sa muling pag litaw ng multo sa TV.

"WHAAA!! Wha! Wha! Wha! Wow! Wow! Wow!" Halos lahat kami mahiga na kakatawa dahil sa muli niyang pag sigaw at pag tatalon sa takot.

Eh pano ba naman kase. Pag may multo ng magpapakita dun sa bida sa movie bigla nalang syang tatayo at sisigaw ng "Whaa!! Bilisss! Alisss! Yung. Whaaa! Alis!! Whaaaa!!!!"

Gets nyo?

Mas marami pang sigaw ang ginagawa nya at magtatatalon pa. Ikot ng ikot. Lakad ng lakad pag nagugulat. Kung di mo alam na takot sya sa mga ganitong palabas iisipin mo talagang baliw to.

Naabala ang tawanan namin ng biglang nag ring ang cellphone ni Kuya Drake kaya napa tingin kami lahat dito.

"PD- nim" sambit nito at sinagot ang tawag. Niloud speaker nya ito para marinig din nila. At kahit diko alam yun naki usyoso nadin ako.

"Annyeonghaseyo!!" Bati nilang pito.

Okey. Di na natin or di ko na kailangan pang sabihin ang lahat dahil diko naman naiintindihan ang usapan nila. Korean kase yung usapan nila kaya wala. Eto ako tumabi nalang sa gilid at lumamon kasama si Julie. Pero si Mikay andun nakiki usyoso din.

"Ami" napa tingin ako dito na para bang gulat na gulat.

"B-bakit?" Takang tanong ko.

"May dugo" naalarma ako dahil sa sinabi nito.

"Saan? Saan?" Tanong ko. Napa simangot ako ng tinuro nito ang ilong ko.

"Oo na. Nosebleed na. Pati kaya ikaw" sambit ko na ikinatawa nya.

Ilang saglit pa natapos na din ang usapan nila at biglang nag si akyatan yung pito sa taas, samantalang si Mikay at tumabi sa amin at kumain din.

Tinaasan ako ng kilay ni Julie kaya naman sabay naming ginawa yung nasa isip namin.

"Jul. Lanakong dugo." Pakunware akong napapahiga at pahawak hawak sa noo ko na kunwaring nasakit ang ulo ko.

"Ako din. Piling ko hihimatayin na ko" sabi naman ni Julie. At eto si Mikay takang taka sa pinag gagagawa namin.

"Anyare senyo?" Takang tanong nito.

"Naku talagang ansakit na ng ulo ko"

"Hihimatayin na nga yata talaga ako"

"Huy!!" Pareho kaming tinapok ni Mikay sa noo kaya naman napa simangot kami.

"Sabihin nyo na kase. Anong problema nyo" iritadong tanong nya sabay subo ng Nova.

"Eh kase. Nakaka ubos ng dugo yung usapan nyo grabe" sabi ni Julie na ikina tawa ni Mikay.

"Yun ba." natatawang sabi nito.

"Eh ano bang yung Bangtan. Bangtan. na sinasabi nilang yan?" Tanong ni Julie dito. Oo nga diko alam kung ano yung mga pinag sasasabi nila. Ang pumasok lang sa isip ko ay yung Bangtan.

"Ganito kase yan. Yung tumawag kila Kuya si PD- nim yun. At ang sabi nya kailangan na daw nilang pumunta sa studio para mag practice"  sambit nya.

"Studio? Practice?" Takang sabi ko. Ano namang papractice sin nung mga yun?.

"Oo nga pala di nyo pa alam. Kase ganito yun. Sila kuya may gang diba." Napa tango kami ni Julie sa sinabi nito. "At ang gang nila yung pinaka kilala dito sa South Korea."

"Oh anong kinalaman nun sa sinasabing practice nung PD- nim?" Tanong naman dito ni Julie. Oo nga alam ko namang may gang sila pero yung practice?.

"Maraming member ang gang nila and seven of them are the highest or should I say they are the leaders of Dark Wild. At di lang yun. Seven of them are one of the famous Kpop Group here in Korea. Pero di natin alam kung sa buong mundo pa" napa nga nga kami ni Julie sa sinabi nito.

"Oh tapos" boring na sabi ni Julie na kinatawa ko dahilan para mapa simangot si Mikay.

"Kaepal nyo" muryot na sabi nito kaya naman natawa kami ni Julie.

"Pero di nga? Seryoso?"

"Oo nga. Eto yung pic nila sa concert nila oh" pinakita nito sa amin ang picture nila na nasa concert nga.

"Ah. Gets ko na. Kaya sila mag papractice para dun sa~ teka?.. Mag ko concert sila?" Kunot noong tanong ko.

"Yup. And that's the reason kung bakit andito tayo."

"Eh kaya pala kung makapag pilit kayo wagas e dahil lang para dyan" sambit naman ni Julie.

Natigilan kami sa pag uusap ng mag sibabaan yung pito. Aba namen. May lakad sila.

"Sasama ba kayo?" Tanong sa amin ng mga ito, nag katinginan naman kaming tatlo.

"Tara na. Di pwedeng tumanggi" hinila kami ni Mikay kaya naman napasunod kami.

"Bibihis lang kami ha" sabi nito sa mga boys habang hila hila kami.

"Bilis. Ang tagal!!" Sabay sabay nilang sabi. Grabe ha di pa nga kami nakaka akyat at nakaka pasok sa kwarto matagal agad.

"Oo. Saglit lang" agad na kami pumasok sa kwarto at nag bihis. White longsleeve dress ako na hanggang taas ng tuhod ko.

Si Julie naman nag white long sleeve din at saka sya nag suot ng orange blazer at si Mikay naman nag yellow na palda din na mataas pa sa tuhod at nag long sleeve ng stripe yellow, black and white at pinatungan nya ito ng brown blazer.

Matapos ang unting pag aayos ay bumaba na kami at nadatnan namin ang boys na nasa baba.

"Let's go" sambit ni Mikay na mag magandang ngiti sa kanila. Samantalang sila pinankunutan lang kami ng noo.

"Anong let's go? Hindi tayo aalis ng ganyan ang mga suot nyo" nakunot din naman ang noo naming tatlo sa kanila.

"Wae? Okey naman na tong suot namin ah." Alma ni Mikay.

"Anong okey. Hindi pwede yan. Sa tingin nyo ba di kayo mababastos sa ganyang suot nyo?" Sambit naman ni Kuya Drake.

"Pero~"

"No more buts Amira. Just go upstairs and change your clothes. Sige na baka tumawag na si PD- nim" wala na kaming nagawa kundi ang umakyat ulit at mag bihis. Grabe sila. Para namin silang mga tatay.

"Ano bang masama sa suot natin?" Tanong ni Julie.

"I don't know." sagot naman ni Mikay.

"Bebs. Siguro nagiging over protective lang sila" sagot ko naman sa kanila.

"Over protective? Eh pinag babawalan na kaya tayo sa gusto natin" sambit naman ni Mikay

"Bilisan nyo na dyan." Bigla namang kumatok si Kuya Drake kaya natigilan kami. At talagang sumunod sya ha.

Wala na kaming nagawa kundi palitan ng Jeans and mga suot namin at nag long sleeve nalang ako. Sila Julie ganun din.

Lumabas na kami at bumaba kaya naman tuloy na kaming sumakay sa sasakyan at nag tungo kung saan man yang sinasabi nila.

~*~

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon