Chapter 60

7.3K 180 14
                                    

~*~

Mikay's POV

Pag dating namin sa mall kung saan mag coconcert sila Zorren dumiretso nalang kami sa entrace at pumunta na kung saan kami pupwesto.

Di na namin nakita pa mag hapon sila Zorren dahil maaga silang umalis. Pag gising ko nga kaming tatlo nalang ang nasa bahay. Kaya nagbonding nalang kaming tatlo. Syempre diko din kinakalimutan na kamustahin si Mama sa pinas. Chinachat ko yung tita ko kase always online naman sya kaya walang problema.

"Beb oh" inabot sa akin ni Mikay yung tinatawag nilang ARMY BOMB. Ang taray may ganito talaga ah..

Ilang saglit pa nag simula na ang concert na talagang ikinagulat ko. Lalo na ang paglabas nilang pito sa backstage.

Diko mapigilan ang di mapa ngiti habang nanunuod sa kanila.

"Ang cool"

Sa diko inaasahang dahilan nakikisabay nadin pala ako sa pag kanta. Ang taray marunong ako mag korean. Yeah!.

Matapos silang kumanta saglit silang bumalik sa backstage kaya nag katinginan nalang kami nila Mikay.

Habang nag uusap kami nila Mikay napa tingin ako sa paligid at tinanaw ang kabuo-an ng Mall na ito. Napaka lawak at napaka laki. At dahil sa lawak nito di mo maiisip na kaya pala itong punuin ng napaka daming tao sa isang gabi lang.

"Grabe. Sikat nga talaga sila no" sambit ko habang naka tingin sa mga taong may mga hawak na lightstick o Army Bomb na syang nagbibigay ng maala Christmas light na ilaw sa buong lugar na to.

"Yeah. At ang dami nilang fans" sambit naman ni Julie. Nakakamangha din kase. Pinuno ng napaka daming tao ang lugar na ito na halos kasing laki na ng MOA. At ang mga taong ito ay fans lang nila dito sa Korea.
*

Hunter's POV

"Haist.. Tsk" napa iling nalang ako habang pinapanuod si Zorren at ang girlfriend nya na nasa stage. Nasayang pera ko dahil lang sa pag silip sa kanila, puro kaweirdohan lang naman pinag gagagawa nila.

Go. Enjoy your trifling life guys. Dahil hindi nayan tatagal pa. Lalo kana Zorren. Sisiguraduhin kong hindi kana sisikatan ng araw pa pare kaya sulitin mo na ang araw na kasama mo yang girlfriend mo. Dahil mapapa sakin din yan.

Tumalikod na ako at naglakad na paalis ng may naka salubong akong pamilyar na tao.

"Jessy" medyo mapang asar na sambit ko. Tignan mo nga naman oh pati si Jes narito. Mukhang eto nanga yata ang oras para mapa bagsak silang pareho.

Tinignan ako nito sa mata. Nag aapoy nanaman sya sa galit. Tsk. Ganun naba talaga ako kagaling mag biro para mainis sya ng ganyan?

Napa smirk nalang ako sa inaasta nya.
"Oh easy. Baka mamaya masunog ka sa sarili mong apoy. Easy tol" bahagya itong tumawa sa sinabi ko.

"Wag kang gumawa ng gulo dito Hunter" sambit nito dahilan para mapa ngiti muli ako. Wag gumawa ng gulo? Talaga naman oo. Parehong pareho sila ni Zorren. Ayaw na may madamay sa gulong nasa pagitan namin.

"Bakit? Nababahag naba ang buntot mo?." Mapang asar na tanong ko.

"Maraming inosenteng mga tao ang madadamay dito kung sakali mang may gagawin kang di maganda kaya bago mo simulan yan mag isip isip ka muna" maangas na sagot nito.

"Napaka duwag nyo talaga kapag maraming tao ang pwedeng madamay sa gulo natin Jessy" sambit ko at lumapit sa kanya.

"Dahil di kami gaya mo na kayang pumatay ng mga inosenteng tao" galit na sabi nito.

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon