A Not So Ordinary Love Story: Unconditionally (Part Tree)

19 0 0
                                    

CHAPTER THREE:

UNCONDITIONALLY

 Hindi madaling mabuhay sa mundo, ngunit mas magiging mas madali ito kung kasama mo ang taong pinili mong ipaglaban sa mundo”.

 

 

 

June 2010

            “Sasha baby! Ready ka na bang pumasok sa school? Tanong ko sa anak ko na halatang kabado dahil grade one na siya ngayong pasukan.

            Parang kailan lang nang naging bunga si Sasha ng isang gabing ligaya namin ni Miguel . Pero wala akong pinagsisihan kahit hindi man ako grumaduate ng college ipinanganak ko naman ang baby ko.  Ibinigay naman sa akin ng diyos ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko at ito anak kong si Sasha Claire.

            “Mama Ali! Pwede dito ka lang po, huwag niyo po akong iwan natatakot po ako”.  Sinabi sa akin ng anak ko na natatakot sa bagong environment niya.

            “Ok baby! Pero hindi kita pwedeng bantayan dito buong araw, ang rami ko pang gagawin sa bahay. Ihahatid nalang kita sa room mo tapos, aalis na ako baby ha! Don’t worry baby nag-usap na kami ng papa mo, after duty niya sa hospital, siya na mismo ang susundo sa iyo after ng class mo. Ok ba iyon sa iyo baby? Pakiusap ko sa anak ko na parang nakikipagtawaran pa sa kanya.

            Pagdating ko ng bahay ay naglaba ako ng mga maruruming damit namin ni Sasha, naghugas ng mga pinagkainan at naglinis ng buong bahay. Ganito ang gawain ko araw- araw. Tuwing gabi hanggang madaling araw  naman ay kumakanta ako sa mga bars sa Tomas Morato, Quezon Ave, at Makati Ave. Kinakailangan kong magtrabaho para mabuhay kami ni Sasha. Nagbibigay naman si Miguel ng sustensto sa bata, pero dahil na rin sa hindi naman kalakihan ang kinikita niya sa pagiging nurse sa isang private hospital ay gumagawa  na rin ako ng paraan para matustusan pa ang pangangailangan namin sa pang araw-araw.

                                                               ................. ††††.....................

December 26,2003 (throwback)

Coffee Shop

            “Miguel sorry! Hindi ko naman planong sirain ang relasyon mo sa kasintahan mo. Pero alam mo namang pareho nating ginawa ito kaya walang tayong pwedeng sisihin dito kung hindi ang mga sarili natin”. Sabi ko kay Miguel na hindi pa rin makapaniwala na nakipaghiwalay na sa kanya ang girlfriend niya dahil sa nanyari.

            “Alam ko yun Al, pero pano? Ano nang gagawin natin ngayon? Tanong ni Miguel sa akin na sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung ang dapat gawin.

               “Panindigan mo ako”. sabi ko sa kanya.

               “Huh! teka teka teka lang, wala naman sa usapan natin ito ha”. Sinabi ni Miguel sa akin

          “Miguel papatayin ako ng magulang ko pag nalaman nila na buntis ako. Tulungan mo naman ako”. Nakikiusap ako kay Miguel na panindigan ako lalo na’t gagaduate na ako this march, at dahil sa nanyari mukhang hindi yata ako makakamarcha pa. Sigurado akong sobrang magagalit ang magulang ko pag nalaman nila na buntis ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Not So Ordinary Love Story: Unconditionally (Part Tree)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon