Tatlong Tuldok (One Shot)

742 19 5
                                    

A/N: Bakit nga pala tatlong tuldok to? Haha. Para maiba naman. Tska lagi ko lang napapansin na may tatlong tuldok palagi. Agh basta! Sorry sa typos. Dedicated sa kanya! Ang ganda ng mga one shots niya sana mapansin niya ako. *crossfingers* yay :)

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

"Bes! Samahan mo ako dali! Ibibigay ko lang tong tubig kay Lorenz!"


"Putek. Ano na naman yan? Kita mong nasa pool sila diba? Malamang nakainom na ng tubig yan. Halika na nga! Umalis na tayo!"


"Hindi pwede. Ibibigay ko to!"



Oo. Hindi talaga pwede. Kasi bobosohan ko pa siya kaya ibibigay ko yung tubig! Joke! May hahanapin lang talaga kasi ako sa katawan niya. Si Lola kasi pauso eh! Maya-maya pa ay umahon na si Lorenz. Gulp. Ang macho talaga nakakainis. Lumapit ako sa kanya at inabot yung tubig.


"Hi Lorenz! Tubig oh?"


"Oh Sereen! Ikaw pala. Ah. Salamat!"




Ininom niya yung tubig at ako naman ay pasimple na tumingin sa katawan niya. Teka. May nunal. Isa, dalawa... hanap ako ng hanap sa pangatlo pero wala? Napabuntong hininga na lang ako at ngumuso tska tumalikod para umalis.



"Teka, Sereen!"


"Bakit?"


"Online ka mamaya?"


"Ah. Bakit?"


"Basta. Mag-online ka ha?"


"Sige."




Pinuntahan ko na si Miles na naktaas ang kilay. Talaga tong bestfriend ko, minsan abno eh.




"Hoy Sereen Faith Saavedra! Anong ginawa mo ha?"


"Ah. Sinunod yung sinabi ni Lola?"


"Tsk. Alam mo namang biro lang yung sinabi ng lola mo. Hindi totoo yun. Umaasa ka na naman."



Napa-nguso na lang ako. Hindi naman kasi masamang umasa diba? Si Lola kasi. Sabi niya yung taong magmamahal sa akin may simbolo na tatlong tuldok. Nung una nga ayaw ko maniwala, anong kinalaman ng tatlong tuldok sa lovelife ko? Tatlong tuldok? Saan naman ako makakakita nun? Ang powerpuff girls binubuo ng tatlong babae, ang watawat ng Pilipinas may tatlong bituin, ang traffic lights may tatlong ilaw, ang primary colors binubuo ng tatlong kulay tapos ang Pilipinas binubuo ng tatlong malalaking pulo ang Luzon, Visayas at Mindanao at isama nadin natin yung katawan ng kaklase kong tatlo ang bilbil. Yung tatlong tuldok? Mahirap hanapin yun. Putek lahat na nga ng bilog ginawa ko ng tuldok eh. Di ko talaga magets. Mahirap i-explain.



"Aray naman Milesilot!"


"Tunganga ka na naman dyan teh! Mukha ka talagang timang. Umuwi na nga tayo."


"Sige na nga. Bwiset ka talaga!"


"Mas lalo ka!"




Umuwi narin naman agad kami. Pumasok narin namn ako ng bahay pagkadating ko. 




"Oy Faith ang pangit mo talaga!"



"Mas pangit ka kuya! Ang bantot nga ng pangalan mo eh! Selo Francisco! :p"



"Pangalan lang naman pero bawing bawi sa mukha!"



"Weh? Utut mu mabaho."



Tatlong Tuldok (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon