Hindi lahat ng tao sa mundo, sumasaya dahil sa pagkakaroon ng asawa o syota. Yung iba, naiiyamot, nasusura dahil nagkaroon sila ng anak ng wala sa oras. Minsan, pumapasok sila sa mga KOMPLIKADONG sitwasyon na hindi nila kayang panghawakan. Kaya minsan, maraming mga nasasaktang babae. Kaya sa mga nagbabalak diyan, pagisipan niyo muna yang gagawin niyo. Ayaw niyo ba munang magsaya? Maglibang? Icocommitt niyo ba kaagad ang sarili niyo sa isang tao? Hindi ko sinasabing HUWAG, Kayo bahala, buhay niyo yan. Pero sinasabi ko na ngayon pa lang.. mahirap ang buhay pagibig. Lalo na sa mga PumeePEE BEE BEE TEENS diyan. Oo, It's part of growing up na mainlove, but don't you think? It's a bit EARLY for you to have that kind of relationship. Naging kaugalian na kasi na kapag nadiyan na ang pagkakataon, SUNGGAB AGAD! Mga Pilipino nga naman. Ang kaunting pagmamahal, Hindi kinakailangan ang PUSO o PAKIRAMDAM na FULL FUNCTION! Kailangan, May mag-GuGuide lagi diyan. UTAK. Maaring hindi ako perpekto, pero sinasabi ko lang ang punto ko. Lahat tayo humahanga, lahat tayo tinatamaan. Pero hindi niyo ba kayang magsaya at sulitin ang pagiging binata at dalaga? Narealize ko rin, Seryoso kasi akong tao, Magsasaya ako kapag nasa oras, binabagay ko ang sarili ko kung iyon ang tama. Wala namang masama kung magkamali, walang masama ang masaktan.... Narealize ko, Na hindi pala, LAGI, kailangan laging tama. Kailangan mo rin magkamali para ka matuto. Nagkamali na ako noon, kaya ngayon ko narealize, Na masarap pala maging BATA sa isip at sa gawa. Hindi ko sinasabing, naglalaro ako ng G.I Joe Figurines o Power Rangers Action Figure, ang ibig kong sabihin, Gawin niyo ang gusto niyo, Play, Have Fun, Be with friends, Love your Parents. San kayo makakaramdam ng ganitong pakiramdam kapag may asawa na kayo? Wala. Kapag may asawa na kayo, LAHAT ng gagawin mo, ay RESPONSIBILIDAD mo. Nagkamali ka? ITAMA mo. Nakasakit ka? HUMINGI KA NG TAWAD. Naisip isip ko rin na masarap talagang magkaroon ng crush. Kahit pinapangarap mo lang, tinitingnan tingnan, nananaginip. Masarap sa pakiramdam, kasi kahit na ang init init.. nakakabadtrip na tao...Nakukuha mo paring ngumiti o maging masaya inside. Nadoon kasi yung feeling na kailangan mo talagang mabuhay kasi kailangan mong makita itong tao na itong mabuhay. Try niyo, Kapag nakita niyo yung crush niyo, wag niyong seseryosohin, parang, isipin niyo na, Puppy love lang ito, tapos, wala kang pakialam kung magka girl/boyfriend siya. Basta ang mahalaga makita mo yung mga mata niya na masaya, mga labi na nakangiti. Masaya diba? Kung hindi niyo seseryosohin MASYADO, masaya. Promise. Tapos, Sabihin niyo sa sarili niyo na, " Kailangan kong magimprove para mapansin ako ng taong to." Hayaan mong siya ang makapansin, hindi yung magpapansin ka. Maging maayos ka, Magayos ka sa school, Do what you love, be socialized, maging presentable. Hindi mo kailangan ng mamahaling Make-Up para mapansin o mamahaling Leather jacket, sapatos o ano man yan. Be who you are. Masaya para sakin, yung makikita ko siya, yung mapupungay niyang mga mata, ang kanyang labing nakangiti, ang kanyang buhok na kahit haggard na, nadoon parin yung pagiging SIYA. Hindi niya ako pinapansin pero Okay lang. Mapapansin niya rin ako at ALAM KO YUN. Hindi ko iniisip na manligaw kasi alam ko na hindi siya nagpapaligaw na OKAY LANG. Masaya. Masarap sa pakiramdam. WAG KAYONG MAGPAKABITTER KUNG HINDI KAYO PINANSIN! Wag kayong O.A OKAY?! Wag kayong gagaya sakin. XD Kung hindi kayo pinansin, Don't give up! Hindi pa katapusan ng mundo, Oo, Nakakadisapoint, Pero, Is that a reason for you to kill yourself?! F*ck you kung ganun. Sorry. I just need to write this kasi hindi ko kayang makalimutan ko na naman ang experience na ito. Ang experience na ito, ang nagdala sa akin sa kattohanan na hindi lahat ng BASIC ay boring. Sa sarili lang naguumpisa ang THRILL. Sa mga naglalaro ng Video Games lalo na kung Guitar Hero oh kung ano man na may Difficulty na BASIC, ADVANCE, EXTREME? Try niyo magBASIC tapos kayo ang gumawa ng trip. Maaring mabagal.. kakaunti ang notes, pero kung gagawa kayo ng trip na ikasasaya niyo, GO! MagHeadBang kayo kung gusto niyo, Tryo niyo mag tricks habang naglalaro. O kaya naman ee kung nagDuDrums kayo, at sobrang sobrang sobrang dali ng kanta, Why not play some TRICKS then? Paliparin niyo ang Drumsticks, kumain habang nagdudrums, magtext, magdrums gamit ang iba't ibang sticks. KAYO ANG BAHALA. Kung may mga CRUSH kayo, Try niyong wag seryosohin, Yung happy happy lang...Yung kahit alam niyong may nililigawan na, Crush niyo parin, Yung kahit napahiya siya, Crush niyo parin, Yung kahit.. AALA! BASTA! Put your own toppings sa icecream ng buhay, baka ito ang magpapasarap dito. ;)