Napapansin mo ba
Kaya ang tulad ko
Kahit nasa sulok lang ng iyong mga mata
"Si cruuuuuush!"
Napasigaw ako pagkakita ko sa aking pinakamamahal na Anthony na pumapasok sa gate ng aming university at kung sinuswerte ka nga naman, papunta pa sa aming direksyon.
Wala pa ring makakatalo sa kanyang kagwapuhan sa buong campus at siguro kahit sa'n mang sulok ng Pilipinas. Makinis na balat, matangos na ilong, solid sa gel na buhok, at ang pinaka-bet kong parte ng kanyang mukha, ay ang kanyang mga mata. Chinito kase.
Kumaway ako. Wala akong pakialam sa kanyang mga barkadang humagikgik ng tawa nang makita ako. Nakapalda ako ng maitim. Abot hanggang binti ang haba at nakablouse ng puti. Yin at yang ata ang concept ko. Nakaeye glasses pa ako at nakabraid ng buhok. Manang na manang ang peg sa araw na 'yon. Pero I don't care. I love it! Sabi pa ng isang kanta. Sa doon ako komportable eh.
Nabitawan ko ang mga libro, photocopied fact sheets, projects, resibo ng mga binayaran ko, mga groceries, at iba pa. Nasa gilid kami ng daan palabas ng gate upang kumain. Nang bigla kong naalala, marami pala akong bitbit.
"Hoy Cherry, ano ba. Kaway ka ng kaway dyan kay Anthony eh as if naman, nakikita ka nyan. Maghunus-dili ka nga. Lahat ng gamit mo nahulog na." Si Annie, bestfriend ko. Roommate ko sya at kaklase ko simula nung high school. Mahilig manira ng araw pero love na love ko pa rin.
Pinulot ko na lang ang mga paraphernalia ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nakatitig pa rin ako kay Anthony.
Mahuli mo kaya ang pagsulyap sa'yo
Kahit hindi naman ako ang iyong kaharap
Oh chinito
Busy sa kanyang iPhone si crush. Sino kayang katext niya? O baka nagke-candy crush lang.
"Best, sa tingin mo, nakakakita pa yan nga maayos si Anthony my love? Sa sobrang cute kasi ng mga mata niya eh nagdadalawang-isip na ako." Tanong ko kay Annie na busy rin kakapindot ng Samsung niya. Labanan ata eto ng brand ng phones.
"Aba syempre naman Cherry. Mag-isip ka nga. Hindi naman siguro porke't chinito, cannot see clearly na. Ayaw mo nun, dagdag points ang kanyang mga mata."