Lalong napataas ang kilay ko, "Hindi ba't sabi ko sa susunod magbibigay ka ng clue sa mga sinasabi mo?" hindi ko mapigilang maitanong.
Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ako, "We'll talk about it later, kumatok ka sa kwarto ko pag tapos ka na." wala na namang emosyong sabi niya. Hindi na ako nagsalita kaya malayang nagtuloy tuloy na siya sa kwarto.
Hindi ko na talaga siya maiintindihan kahit na kailan. Napailing ang aking ulo.
Mabilis na naligo ako. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi niya. Hindi ako safe sa kanya? What's the exact meaning of it? Bakit ba niya pinatatagal pa ang tungkol sa utang ko? Kung sana'y hinayaan na lang niya akong maghanap ng trabaho ngayon, masaya pa.
Pumunta na ako sa bedroom at namangha ako sa King size bed na nasa loob. Katulad ng lahat ng nasa bahay, puti ang bedsheet nito at itim naman ang kulay ng mismong kama. Hindi rin nakatakas sa mata ko ang isang makinang na chandelier dito. Ibang klase!
"Aksayado sa pera ang lahat ng gamit niya," nabigkas ko.
Inikot ko pa ang buong silid, may malaking striped black and white curtain na tumatakip sa malaking bintana. Hinawi ko ang kurtina at bahagyang binuksan ang kaliwang bahagi ng bintana.
Lumitaw ang kagandahan buong lugar. Woah... Wala akong ideya kung nasaan kami ngayon ni Alexander, pero gustong gusto ko na ito. Hinaplos ng hangin ang mga balat ko. Napikit ako habang dinadamdam ang mga hangin sa mukha ko. Napaka bango ng hangin dahil sa mapunong lugar na ito. I can live her forever, kung puwede lang.
Isinarado ko na ang bintana nang mapagtanto kong hindi pa pala ako nakakapagbihis.
Kumuha na rin ako ng mga nagustuhan kong damit sa itim na cabinet. Halatang bago ang mga damit at sukat na sukat sa akin. Binili niya kaya sa akin ito? Paano niya nalaman ang size ko?
Namula ako sa isiping iyon pero mas namula ako nang maging ang panty at bra ay sukat na sukat sa akin. Shocks! Isa itong kahihiyan!
Mabilis na lumabas ako ng kwarto matapos makapagbihis. Tinungo ko ang itim na pinto ng kwarto ni Alexander at kumatok dito. "Tapos na ako, p'wede na ba nating pag-usapan ang utang?" sigaw ko sa pagitan ng malalakas na pagkatok.
Sawakas, lumabas na rin siya. Naamoy ko agad ang pabango niya at napansin kong basa ulit ang buhok niya. "Naligo ka ulit?" natanong ko.
"Oo, mainit kasi. Lalo na't nandito ka, lalong umiinit." nakangising sabi niya. Nang-aasar siya!
Hindi ko maiwasang mamula sa sinabi niya. It shuts me up, nakakainis. Gusto ko siyang angalan at sampalin pero hindi ko alam kung saan ako pupulutin matapos niyon!
May dinukot siya sa bulsa, at inabot sa akin 'yon. Isang itim na blindfold ba ito? Shit!
"A-ano to?" nangangatal na sabi ko. Anong gagawin ko sa blindfold na ito? Ihe-hazing niya ba ako?
"Isang blindfold iyan, Ms. Beatrice." sarkastik ang tono niya at nag-forward bago tuluyang sinarado ang pintuan ng kwarto niya. Pilosopo!
"Oo, alam kong blindfold ito Mr. Smith!" Napataas ang tono ng pananalita ko, "Ang ibig kong sabihin ay kung ano ang gagawin ko dito!" Naiinis, nagagalit at natatakot ako at the same time.
Nagulat akonang biglang pitikin niya ang noo ko.
Napahawak ako sa noo ko dahil sa sakit, "Think positive, Beatrice.." bulong niya sa akin. Naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. Ang lamig, ang bango. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa kung anong naiisip ko. Anong nangyayari sa akin? Galit ako 'di ba?