Sweetest Secret (One Shot)

41 2 0
                                    

"Tania. Wag mong kakalimutan yung party ko next week ha? baka sipain kita jan pag di ka pumunta talaga"  Di ko nalang pinansin si Amy at nagbasa nalang ulit. May exam kami mamaya. Ano ba tong babaeng to, puro party lagi ang nasa isip.

"hey. Tania.."

Dedma. Wala akong panahon makipagusap ngayon please.

"Uy. Tans!" tumango ako para manahimik na sya. Pero wala parin talaga. Tss

"Taaaans. Sumagot ka. Mamaya di ka nanaman sisipot. Ikaw ang bestfriend ko, pero ikaw ang wala dun--"

"Seriously Ams? Tumango na nga ako diba? Pupunta ako. OKAY? so pwede for now, hayaan mo muna akong magreview?" 

ngumiti naman sya ng malapad, "K. Sabi mo na yan ah. No bawian na" 

inirapan ko nalang. Bigla namang pagpasok ng prof namin sa math. Shet! Ambilis naman! parang kakarating ko lang kani-kanina? Aish!

"Let's start the test. Put your bags below your chairs and blah blah blah blah--" di ko na naintindihan pa ang mga sumunod ng sinabi ng prof. Bigla kasi akong napatingin sa pintuan dahil sa ingay ng grupo ng mga lalaking dumaan. 

"Tans! si Nico" pabulong na sabi sakin ni Rona, friend-na-hindi-masyado ko. Katabi ko sya sa kanan, sa kaliwa naman si Amy. 

Kasama nila si Nico. Medyo mabagal ang lakad nya kesa sa mga kasama nya. Tumingin sya sa loob ng room namin na parang may hinahanap. Bigla namang nagkasalubong ang tingin namin. Tumigas naman ang titig nya. Yumuko nalang ako na kunyare may hinahanap ako sa bag ko. 

"Wag kang mag-inarte jan Tans. Crush mo si Nico! alam ko noh. Hahahaha kala mo ah" sabi ni Rona.

Muntik naman akong matawa sa sinabi nya. Crush? Hahaha. Nagkatinginan naman kami ni Amy. Umiling-iling nalang sya habang nakangiti.

--

Hindi ako makapagconcentrate sa test ngayon. Bwisit! halos sumabog na nga utak ko kanina kakabasa- kakareview! Bigla bigla kasing pumapasok sa isip ko yung tingin ni Nico kanina. Bakit ba ganun sya makatingin? Tss. Tapos bakit nya ba ako tinitignan? kakabwisit yun. Pasalamat sya, gwapo sya. Kundi aabangan ko sya sa Backgate mamaya at sisirain ko pagmumuka nya. Kung pwede man, di ko naman kaya. Yun yung muka na gabi gabi ko tinitignan noh :)

hays! oo na oo na oo na. Mahal ko na. Tama na si Rona. Alam ko naman yun.. alam ko namang mahal ko yun. Dati pa.

napasubsob naman ako ng muka sa desk saka lihim na napapangiti nalang. Seryoso Tania? kinikilig ka? sa sitwasyon nyo ngayon na yan?

Napatingin naman ako kay Amy. Whoo! buti nalang busy sya. Siguro pag nakita nya kong nakangiti kanina aasarin nanaman nya ko..

30 minutes na pero wala pa din akong nasusulat sa test paper ko.

Pleaseee! please lang Nico lubayan mo muna ako. Tatapusin ko lang tong test ko tapos mamaya pwede na kita ulit isipin. Wait lang talaga. 

Okay. Umpisahan na!

----

"aaaah! Ang sakit ng likod ko!" sabi ni Amy saka nag-inat inat sa upuan nya.

Ako naman, napahalumbaba nalang.

"teh. Problema mo?" tanong ni Ams.

tumingin naman ako sa kanya saka nagsad face. 

"Ah. Yung kahapon. Ok lang yan teh. Maaayos mo rin yan" sabi ni amy. Napa-shrug nalang ako

Mayamaya, binigyan kami ng tig iisang test paper ni maam. Magchecheck kami ngayon ng inexam namin kanina.

pagtapos ng 20 minutes, natapos din at pinasa na ulit namin sa harap.

Sweetest Secret (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon