Chapter 15: Untold

52 0 0
                                    

Chapter 15: Untold

Nakauwi ako sa bahay pagkatapos kong makasama si Kuya ng mahigit sa apat na oras. Dumiretso agad ako sa kwarto dahil pagod na pagod na talaga ako at marami pa akong gagawin bukas. Sisimulan ko na ang training ko dahil konti nalang lilipad na ako ng China para sa competition.

- Ayi Consunji -

Nakapag-bihis na ako ng makita ko ang itim na folder sa study table ko. Lumapit ako doon at umupo. Binuksan ko ang folder.

The Blue Shadow Hotel

'Huh? Ano 'to?'

Binasa ko ang nilalaman ng The Blue Shadow Hotel. Kanino bang hotel 'to?

The Blue Shadow Hotel is located in Paris,France. This hotel is a part of The Consunji Hotel,but originally the BSH is owned by Mrs. Monique Jane Consunji,in the Consunji Hotel Empire,the Blue Shadow Hotel is the widest and the largest hotel chain unlike The Consunji Hotel,there's a big difference. The Consunji Hotel have  375 branches. The Blue Shadow Hotel have 450 branches in 50 countries and still counting. In fact,the Consunji Hotel is owned by her husband Mr. George Francis Consunji,there is always a competition. Because,the Blue Shadow Hotel have the largest chains,30% of the tourist people checked in there,so that,the fact that they are having a large customer is the best way to explain why they have a lot of money in their hotel bank account.

Hinagilap ko agad ang cellphone ko at dinial ang number ni Kuya. Bakit hindi ko alam ito? Ba't nakahiwalay ang punyetang hotel na 'to sa Consunji Empire!

"Bakit,Princess?" Kuya

"Kuya,umuwi ka dito. Bilis!" Ako

Lumabas ako ng kwarto dala-dala ang folder. May isa pa kaming hotel chain?! Kay Daddy lang ang TCH?! What the hell is going on!

"Why?" Kuya

"Basta,Kuya please. Umuwi ka muna,please." Ako

Ibinaba na ni Kuya yung tawag. Nasaan ba si Auntie Amelia?!

"Auntie Amelia?! Where are you?!" Ako

Sa lakas ng sigaw ko,nag-echo ang boses ko sa buong salla. Siguro naman,naririnig nila ang sigaw ko. Napalingon ako sa kaliwa ko ng marinig ko ang tungkod ni Auntie Amelia.

"Bakit po,Young lady? May problema po ba?" Auntie

Lumapit ako sa kanya.

"Simula bata pa lang si Mommy,kayo na ang nag-alaga sa kanya,hindi po ba? Noong ipinanganak kami ni Kuya sa France,kasama na namin kayo hanggang sa umuwi kami dito. Now,I want to ask you something." Ako

"Ano po iyon?" Auntie

Ipinakita ko sa kanya ang folder.

"Ang hotel na nakabase sa France. Hindi ba,ang Consunji Hotel lang ang pagmamay-ari namin? Paanong kay Mom nakapangalan ang 'Blue Shadow Hotel'?" Ako

Halata ang gulat sa kanyang mukha. Ibig sabihin alam niya na may isa pa kaming hotel chain?

"Ang Blue Shadow Hotel ay pagmamay-ari ng pamilya Wu at Enriquez." Auntie

Wu at Enriquez? Iyon ang pamilya ni Lolo. ((ref: Ayi's grandfather; Monique's Chinese-Filipino Father.)). Ibig sabihin,kay Mommy lamang ipinamana ang hotel? Pero,paanong stockholder din siya sa Consunji Hotel?

Umupo kami ni Auntie sa sofa. Kailangan niyang ikwento ang buong detalye.

"Sobrang yaman ng pamilya ni Bernard,ang iyong lolo. Marami silang negosyo,marami rin silang mansion at mga lupain. Ang iyong mommy lamang ang naging anak nila. Ang hotel ang isa sa mga pinaka-main business ng Wu-Enriquez Empire. Noong una,tutol ang mga kamag-anak ng iyong lolo tungkol sa pagpapa-mana ng hotel sa iyong mommy. Bata pa kasi si Monique noon,kaya naman marami ang tumutol." Auntie

He Is A Former Nerd [ Discontinued ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon