"TRIIIIIIIIIIIIIX!!" sigaw ni mama mula sa baba kaya napabangon na ko sa kama ko. "Trix bilisan mo jan dahil may pasok ka na!" Waaaahhhh ayoko pang bumangon! Pag tingin ko sa orasan 5:30 palang.. Teka? 5:30?! Niloloko ba ko ki mama eh 7:00 pa ang pasok ko ah. Hayss wala naman na kong magagawa gising na ko eh hirap pa naman akong matulog kapag nagising na.
"Saglit lang po mama!" Sagot ko kay mama hanggang sa tuluyan na kong tumayo at nag punta sa banyo.
Wala kaming uniform sa C.A. kaya nagsuot lang ako ng plain white shirt, skinny jeans, camoflauge jacket at black timberland shoes. Bumaba na ko ng 6:05 at naabutan kong kumakain sina mama at kuya. Wala si papa kasi nandun siya sa Korea inaasikaso yung buisness namin dun.
Infairness ah ang gwapo ni kuya ngayon. NGAYON LANG! Hahahja de joke gwapo naman talaga yun eh. Sa C.A. din si kuya mag aaral kasi may college din dun eh
"Morning mama! Morning kuya!" Sigaw ko breaking the silence they're having. Siyempre kumakain eh haha.
"Morning nak/aso" Aba sabay pa talaga sila ah teka parang may mali.. Aso?!
"Hoy kuya bat naman aso ha?!" Mataray kong tanong kay kuya
"Bat naman hindi eh mukha ka naman talagang aso eh" Hayss kuya ang aga aga ah
"Edi kung aso ako cute ako sayang sabihin ko sanang gwapo mo eh wag nalang pala." Babawiin rin yan ni kuya in 3.. 2.. 1..
"May sinabi ba kong aso? Sabi ko paabot ng baso bingi ka na talaga" Oh diba sabi ko sainyo eh
"Hay nako kayong dalawa tumigil na nga kayo at kumain na kayo 6:20 na oh" Pag sasaway samin ni mama
"Sige/ok po" Anong meron? Puro sabay nalang lagi sagot namin ah haha
Mmmmm sarap ng luto ni mama ah. Pagkatpos namin kumain nag punta na kami ni kuya ng school. Sumabay nalang ako kay kuya kasi ayoko maglakad at di pa ko marunong mag drive. Then out of the blue nagsalita si kuya " Saph sa C.A. dapat lagi ka mag iingat kasi you never know kung kelan ka pwedeng ma-prank" Ano daw?
"P-prank kuya?" Sagot ko kay kuya kahit hindi siya nagtanong
"Oo prank lalo na ngayon magiging kaklase mo pa ang 4 na master prankers sa campus" Sabi ni kuya kaya tumango tango nalang ako
Prankers ano ba yung C.A. school o circus? Teka ano connect ng pranksters sa circus? Nevermind haahahah
______________________________________
Kakabitin ba? Haha ok lang yan. At least aabangan diba hahah de jk lang.Vote and comment what you think sa story tas recomend niyo rin sa mga friends niyo ha? Thank you sa mga nagbasa 😁
YOU ARE READING
"Here We Go Again"
Novela JuvenilFind out what will happen to Saphire Beatrix Mendoza when she enrolls to Celestial Academy and says "Here We Go Again" Credits to the owners of the pictures and videos I'm using