Chapter Eight - The Destiny of Love.

127 0 1
                                    

Pagkarinig ko nun e, hindi ko alam yung gagawin ko. Pare-pareho ding nagtinginan saakin sila Kane. Kaya naman napatayo ako nun at binitbit ko yung bag ko atsaka ako nagdirediretso kung nasaan sila Travis.

“AYA!” narinig kong tinawag ako nila Kane na mukhang narinig naman ni Travis at napatingin siya saakin habang dire-diretso akong lumakad papunta sakanila.

“Aya?” gulat si Travis nung makita niya ako. Pero dinaanan ko lang siya.

“Woah, who’s that plain-looking girl? Ang kapal ng mukha ha.” Narinig kong sinabi nung isa dun sa dalawang kaibigan nung Reese.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta at kung anong gagawin ko. Ilang oras pa bago yung next subject ko. Kaya naman bahala na kung saan ako dalhin ng paa ko.

Alam kong kailangan niyang itago yung relasyon namin pero ganun pala kasakit yung itanggi ka ng isang tao sa harap ng maraming tao. Tagus-tagusan talaga saakin.

Gusto kong magwala pero hindi ko magawa. Hanggang sa makarating ako sa last room sa 3rd floor kung saan wala masyadong tao. Umupo ako sa sahig at yumuko. Gusto kong umiyak pero dahil sa sobrang sakit hindi ko magawa.

Narinig kong may mga yabag ng sapatos na papalapit saakin pero hindi tumigil at pumasok lang sa pinto nung room sa harap ko.

Invisible na ba ako ngayon? Siguro mas tama ng ganito na walang makakita saakin kahit isang araw lang.

Miss, Okay ka lang ba?” napaangat ako ng mukha ko nun.

“Ayanna Martinez, we meet again.” Nakangiti si Kuya Vince habang nakasilip siya dun sa pintong pinasukan nung tao kanina na si siya pala. Lumabas siya mula dun at inoffer yung kamay niya para itayo ako na tinanggap ko naman.

“Salamat Kuya Vince.” Sabi ko na lang nung makatayo na ako. Mukha ata kasi akong tanga dun nakaupo e.

“Okay ka lang ba? Ang akala ko kasi kanina multo ka diyan sa gilid e, kaya hindi kita pinansin.” Napangiti naman ako nung pagkasabi niya nun.

“See, napangiti kita. Tara, I’ll try to make you feel better kung ano man yung problema mo.” Hindi na ako nakatanggi nun kasi hinila niya na ako papasok dun sa loob nung room na kaninang pinasukan niya. Medyo natakot ako kasi bigla-bigla na lang akong sumasama kung kani-kanino at baka kung ano gagawin niya.

Pero nung makita ko kung ano yung pinasukan naming room e, namangha ako.

“Don’t worry wala akong gagawing masama sa’yo.” Natatawang sabi ni Kuya Vince binitawan niya na din yung braso ko nun at umupo siya sa harap ng isang grand piano.

Inikot ko yung paningin ko dun sa loob ng Music Room mula Grand Piano to Harp at kung anu-ano pang classical instruments eh nandito na ata sa puting-puting kwarto. Napaka-elegante kung tignan na may touch of gold sa lahat ng bagay sa loob nung room mula sa vase ng white roses sa gilid hanggang sa tiles na kulay white and gold.

“Gustong-gusto ko dito magpalipas ng oras. Tahimik nakakatanggal ng stress.” Tinignan ko si Kuya Vince nun. “Pwede bang pakinggan mo akong tumugtog?”

“Oo naman.” Umupo na ako dun sa may white and gold na sofa sa tapat ng grand piano kung san nakaupo si Kuya Vince.

Nginitian niya lang ako at nagsimula na siya tumugtog.

 [ Author's Note: If you want to listen to the piece that Vince is playing, I have posted the link of its youtube video. I don't own the music and the video.]

Familiar yung piece saakin. Mahilig kasi si Mama sa mga Classical Musicals. One of her favorite is Yiruma.

Pinanuod ko si Kuya Vince habang tumutugtog and he’s so graceful like an angel.

Destiny of Love yung title nung piece na tinutugtog niya. Napakacalming but at the same time sad.

Pinikit ko yung mata ko. Ang ganda talaga nung piece na 'to. Lalo na nung sa part na mabagal at sinabayan ni Kuya Vince ng hum.

Gusto kong umiyak dahil sa mga oras na yun naisip ko yung nangyari lahat lahat sa pagitan namin ni Travis.

Pero habang pinapakinggan ko yung pagtugtog ni Kuya Vince ng piano parang lahat ng sakit at sama ng loob ko nawala. Parang lumulutang ako kung saan na walang nakakakita saakin, kung saan ako lang, kung saan wala na akong proproblemahin.

Unti-unting natatapos yung piece hanggang sa huling note kung saan dumilat na ako.

“Okay lang ba?” tanong saakin ng nakangiting si Kuya Vince.

“Ang galing. Ang ganda nga e.” Nakangiting sabi ko din. Totoo naman e, perpekto at pulido yung pagtugtog niya.

“Thank you. Sana nakatulong din yun para matanggal kung ano man yang dinadala mong problema.” Ngumiti lang ako nun hanggang sa marealize kong may klase pa ako at ilang minuto na lang e, magtime na.

Tumayo na ako nun, “Uh, sorry kuya Vince. May klase pa kasi ako e.”

“Okay lang yun. Basta pag may problema ka, pumunta ka lang dito.” Tumayo na din siya nun mula sa pagkakaupo niya sa harap ng Grand Piano.

“Talaga? Asahan ko yan ha. Babalik ako. Tugtugan mo ulit ako.” Pagkasabi ko nun nginitian ko siya.

“Sure. Anytime." 

Palabas na ako ng pinto nun nung may naalala akong tanungin.

“Uh, Kuya Vince nung first time nating magkita kahapon. Paano mo nalaman yung buong pangalan ko?” tanong ko sakanya.

Nagtaka naman ako nung ituro niya yung sa may bandang tiyan ko, pagyuko ko nakita ko yung I.D. ko.

“Oo nga naman.” Natawa na lang kami pareho at nagpaalam na ako sakanya.

Nung time na isasara ko yung pinto ng Music Room eh narinig ko pang tumugtog ulit si Kuya Vince ng piano and this time ‘Love Hurts’ naman yung tinugtog niya.

Why does love makes us happy and hurt at the same time?

Why does love makes me into a fool but still keeps me happy?

I think it really is the magic of love…

The Destiny of Love.

My Secret Relationship with Mr. Popular (MSRw/Mr.P)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon