Chapter 11.1: Ang Modnoc (Mundo ni Drake Winchester)

891 4 0
                                    


Matapos kong makipag-usap kay ama, bago ako umalis sa harap niya ay sandali akong napatitig sa kaniyang mukha. Sadyang kay kinis at kay bata pa rin ng mukha ni ama, hindi nagbabago ang haba ng kaniyang buhok na kulay pula, ang matipuno niyang katawan at ganoon pa rin ang tindig, ngunit unti-unti ng naglalagas ang mga ginto niyang balahibo sa kaniyang mahaba at malaking pakpak at mapula pa rin ang kaniyang labi't may malaking ngiti, ngunit ang tatlong sandata (ari o penis) niya sa ulo na may habang limang dangkal na siyang nagsisilbing korona na nakakabit sa kaniyang dugo't laman ay hindi na ganoon katigas at nanglulupaypay na. Ito marahil sa kaniyang katandaan dahil mahigit isang daan taon na siyang nabubuhay at tumatayo bilang God of Sex. Malilipat lamang sa akin ang koroma sa oras na pumanaw si ama.
Sa 78 na kaniyang mga anak, isama pa si Kisha na nag-iisang babae, ako ang napili niyang tagapagmana, hindi dahil ako ang panganay. Ito ay dahil ako ang natatanging anak niyang lalaki na may anim na dangkal na haba ng sandata (ari o penis) . Iba sa aking mga kapatid na lalaki na mayroon lamang dalawang dangkal na haba.
Hindi ako maaaring makipagtalik sa kahit na sinong babae dahil may isang babae lamang na itinakda para sa akin na kakayanin ang anim na dangkal kong sandata at aking magiging asawa at tatayong Sex Goddess.
Isang malaking dahilan ito para hadlangan ang pag-ibig na nararamdaman ko kay Franchesca, dahil isa siyang mortal at hindi kami nararapat sa isa't-isa.

Nagising ako mula sa pagtitig sa aking ama nang bigla niyang hipoin ang aking mga pakpak.

"Napakaganda ng iyong mga balahibo, anak. Ikaw ay magiging mabuting God of Sex," mahinahon na sambit ng ama kong si Salka.

"Bakit hindi ka muna maglibot, maraming nagbago simula nang mawala ka rito," dugtong pa niya at agad na lumipad papataas at nagtungo sa palasyo.

"Hindi kita bibigoin, ama."

Tulad ng sinabi niya, nag ikot-ikot ako sa modnoc; modnoc ang tawag sa aming mundo kung saan namumuhay ang mga tulad naming nilalang.

Malaki ang pupolasyon ng modnoc na mayroong mahigit apat na milyong gobilam; gobilam ang tawag sa mga nilalang na naninirahan sa modnoc.
Ngunit sa tuwing sasapit ang isang dekada sa buhay ng mga gobilam ay may namamatay, at nababawasan ang kanilang pamilya. Namamatay sila sa pamamagitan ng pag-inom ng sdia (es-de-ya); isang lason na mabilis kumakalat sa katawan ng sino mang makakainom nito at unti-unting liliit ang ulo ng sandata na magiging sanhi ng pagkamatay ng isang gobilam. Ang mga gobilam na nakipagtalik sa iba ay ang tanging mapaparusahan at paiinomin ng sdai.

Sa pamamalakad ni ama, isang patas na batas lamang ito para mapanatili ang pagiging tapat ng isang gobilam sa kanilang mga kapareho.

Nagtungo ako sa jakolsi kung saan naliligo ang mga gobilam; swimming pool ang katumbas nito sa mundo ng mga mortal.
Nakita kong hindi na tulad ng dati, malabnaw na kulay pula na ang tubig at hindi na kasinglapot noon.
Ang mga halaman at bulaklak sa paligid ay kakaunti na lang rin, ngunit ang mga puno ay nananatili pa ring matayog.

Ibinuka ko ang aking pakpak, dinama ko ang lakas at lamig ng hangin.
"Nakaka-miss din pala," iyan lamang ang lumabas sa aking mga labi.

Inihakbang ko ang aking mga paa at lumapit sa jakolsi, roon, nakita ko ang repleksyon ng aking sarili.

"Ang gwapo ko pala... haha," mahinang bulong ko sa aking sarili at palihim na tumawa.

Nananatili ang laki ng aking katawan kahit na bihira lang ako kumain sa mundo mga mortal, ang mata kong pula, ang mahaba kong mga tenga at mahabang buhok na hanggang bewang... kung ganito ba ang itsura nang makilala ko si Franchesca ay lalapitan pa kaya niya ako o matatakot sa tunay kong katauhan... sana hindi at sana hindi ako tuloyang mahulog sa kaniya.

Sa pagtitig ko sa aking repleksyon sa tubig ay may biglang tumawag sa akin...

"Drake! Drake, ikaw ba iyan?" tinig mula sa king likuran.
Agad ko naman siyang nilingon.
"O, Unak ikaw pala... kamusta?" tugon ko nang makita ko si Unak, ang kababata kong lalaki na nagbibihis babae o mas magandang sabihin ko na lamang na isa siyang bakla.
Hindi ipinagbabawal dito sa modnoc ang mga bakla at tomboy—third sex. Ngunit may isang patakaran na dapat nilang sundin, dapat ay magkaanak muna sila ng tatlong lalaki o babae bago nila ilabas ang totoo nilang mga kulay. At kung hindi, sila ay parurusahan din gamit ang sdai.
Si Unak ay may apat na anak kaya nama'y hindi siya pinarusahan ni ama.
Matalik ko siyang kaibigan simula pa noong bata.

"Ayos naman... hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita si Kisha—ang nag-iisa kong kapatid na babae," malungkot na balita ko sa kaniya.

"Sabi sa iyo, e. Ako na lang, magpapanggap na lamang ako bilang si Kisha. Tutal, magkasing diyosa naman kami. Hahaha," pagbibirosaakin ni Unak.

Lumapit siya sa akin at tinapik ang aking balikat, senyales para umupo kami. Umupo kami sa gilid ng jakolsi habang na sa pulang tubig nakalublub ang aming mga paa.

Bigla siyang nagsalita ng seryoso...

"Buti narito ka na ulit, matagal din kitang hinintay... nabalitaan ko, sa matandang si Eplos na ang nawawala mong kapatid ay binago ang anyo't ginawang isang mortal ng iyong tiyo, pinutol din nila ang mahabang buhok nito at kinulayan ng itim, bali-balita iyan dito sa modnoc," kuwento sa akin ni Unak.

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya at nabuhayan din ng loob.

"Sino iyang sinasabi mong matandang Eplos? Saan ko siya matatagpuan? Malaki ang maitutulong niya sa paghahanap kay Kisha," natatarantang tugon ko sa kaniya at bigla kong inahon ang aking mga paa na nakalublun sa tubig at agad na tumayo.

Marahan din siyang tumayo at tumingin sa akin.

"Wala na, pumanaw na ang matandang Eplos matapos niyang magkasala at siya'y naparusahan sa pamamagitan ng pag-inom ng sdai. Inihabilin lamang niya sa akin iyon," pagpapaliwanag sa akin ni Unak.

Labis nq pagkadismaya ang naramdaman ko, sa kabilang banda, nabuhay ako ng pag-asa na muli kong makikita ang aking kapatid na si Kisha. Siya lamang ang nag-iisang babae sa aming magkakapatid at siya lamang ang tanging susi para magkaroon muli ng buhay ang modnoc. Upang matapos na kuwento sa libro na kaniyang sinulat.

Sex ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon