Tula #17

244 5 0
                                    

Sa pagmulat ng aking mga mata
Ikaw ang nais kong makita
Sa pagpikit nila
Ikaw ang nais kong maalala

Sa bawat hangin na aking nilalasap
Umaasa akong makikita kita sa harap
Sa bawat pagdilim ng kalangitan
Ngiti mo sana ang aking masilayan

Sa bawat pagsikat ng araw
Sana'y makapiling ko ay ikaw
Sa bawat pagliwanag ng buwan
Umasa kang 'di kita iiwan

Sa bawat musikang aking maririnig
Mas nangingibabaw ang iyong tinig
Sa bawat pag-awit ng mga ibon
Ika'y mananatiling inspirasyon

Sa bawat pagpatak ng ulan
Handa kitang ipaglaban
Sa bawat pagsulat ko ng tula
Pagmamahal ko sayo'y naitala

Unspoken Poetry (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon