Prolouge

1 1 0
                                    

DISCLAIMER:This story is written by a begineer. Kaya pagpasensiyahan niyo na po ang mga typo at kung ano ano pang mga errors. Any Names of the characters and oraganizations does not reflect reality.

Nagsimula sa isang roleplay

Nagtapos sa kamatayan

Ikaw ang pipili ng karakter mo

Siya ang papatay sayo

Kung sinoman ang karakter mo

Ganon rin ang ikakamatay mo

Maghanda kana ikaw ang isusunod ko

2 Days Ago

Masayang naghahanda ang mga magaaral ng Section Hell ng Darkness University sa kanilang roleplay na gagawin nila sa susunod na linggo. Lahat sila ay may kanya kanyang ginawa sa pagbabasakaling magiging masaya ang roleplay nila.

Ang roleplay ng Section Hell ay hindi lang basta roleplay dahil may twist silang dinagdag dito at dahil narin babagohin nila ang mga role ng karakter na iroroleplay nila. Ang halimbawa nalang ay si Alice na iroroleplay si Snow White imbis na apple ang kakainin nito ay ginawa niyang ubas dahil sa kanyang roleplay si Snow White ay allergic sa apple.

"Huy babae sinong iroroleplay mo?" tanong ni jill kay alice na busy kaka memorise ng script niya para sa kanilang roleplay sa susunod na linggo.

"Si Snow White kasi you know maganda ako tulad niya." Sabi ng dalaga na ikinatawa naman ni jill.Sa di kalayuan may matang nakatingin kanila jill at alice at tiyak na may binabalak na masama.

???

Snow white pala ang iroroleplay mo. Humanda ka sa kin mamaya papakainin kita ng mansanas na magpapabago ng buhay mo....mansanas na papatay sayo.

Lunch time na nila kaya agad na lumabas si alice kasama si jill upang bumili ng pagkain sa cafeteria ng school nila. Kahit mahaba ang pila nakisiksik parin sila makabili lang ng makakain at magpapawala ng gutom nila. Pagkatapos bumili umakyat na sina Jill at Alice papunta sa room nila.

"Alice,gusto mo ba na tikman tong apple na baon ko?" tanong ni Jill sa kaibigan na agad namang tumango sakanya. Kinuha ni Alice ang mansanas at agad na kinagatan. Pagkakagat nito ay agad itong ngumiti at nagpasalamat sa kaibigan. Sa di inaasahang pangyayari agad na nasuka si Alice ng dugo at dahil sa sobrang takot lumabas si Jill upang humingi ng tulong. Biglang pumasok ang isang tao at nilagyan ng pitong maliliit na figurang duwende ang upuan ni alice.

"Paalam Snow White...Georgie your next." Sabi nito bago lumisan ng kwarto. Dumating naman si Jill na aligaga kasama ang nurse sa clinic. Napansin niya ang pitong figura ng duwende sa upuan ni Alice.

"Patay na siya." Sabi ni sam sa kaklase at agad na lumabas ng room nila. Hindi mapigilang umiyak ni Jill sa sinapit ng matalik niyang kaibigan. Sa pagiyak niya hindi niya maitago ang ngiti sa kanyang labi.

???

29 To Go

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RoleplayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon