The Necklace

32 0 0
                                    

Hello guyth :)) this is my 2nd story! Basahin nyo nalang hahaha. Comment nalang kayo kung ano say nyo sa story ko. :DD Thanks

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

BRYAN POV's

Ako si Bryan Muñoz 20 years old Nag aaral ako sa kursong Accountancy sa isang unibersidad ng pilipinas.

Masungit ako pero mabait ako, hindi ako mahilig sa mga Love Life dahil ang tunay na love para sa akin ay ang Pag-Aaral. Highschool pa lang ako marami na ang nagkakagusto sa akin pero ni isa sa kanila ay wala akong nagustuhan feeling ko wala akong pakiramdam pag dating sa pag-ibig! Bansag nga nila sa akin ay MANHID pero wala akong pake basta masaya ako sa buhay aral.

Isang araw papasok ako sa aming paaralan... Habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong isang babae maganda siya pero sa tingin ko ay medyo maedad na siya kesa saakin. Minsan lang ako mag sabi ng maganda sa isang babae kaya simula noon ay hindi ko na siya makalimutan hanggang makapunta ako sa aming paaralan. At kinausap ako ng aking kaklase na si Ran.

Sa School ...

Ran: Pare! Ano kumusta ka? Tulala ka ata? Ngayon lang kita nakita na ganyan ka, oohhh! Ano pare? May pag-ibig na ba diyan? HAHAHA

Ako: Ikaw talaga! Paano ka papasa niyan kung puro pag-ibig iniisip mo? Alam mo naman na wala sa isip ko yan eh.

Ran: HAHAHA. Parreeee?! 20 kana! Alam naman natin na ikaw na ang Cum laude pero baka naman tumandang binata ka? Sayang ka pare! Gwapo at macho ka pa naman! Kung nagging babae lang ako eh. *pabirong sinabe*

Ako: Hagisan kaya kita ng libro ng magising ka diyan? Mag aral ka na lang diyan.

Ran: Haha! Sige na nga pare baka masapak mo pa ako binibiro lang kita! Osya sige. Maya nalang

At ng matapos ang aming usapan ...

Baliw talaga si ran kahit kaylan kaya hindi makapasa pasa puro babae ang inaatupag. Makapunta na nga lang ng Library ..

Habang nag lalakad ako papuntang library ay may humawak sa aking braso at yun si Clarice ang babaeng patay na patay sa akin. Maganda siya, matalino, good looking at mayaman pero ni minsan ay hindi ko siya magustuhan ewan ko ba kung bakit? Siguro nga tama si Ran! Tatanda akong Binata.

Usapan namin ni Clarice ..

Clarice: ano ba bry? Bakit ba hindi mo ako magustuhan ha? Nasa akin naman na ang lahat ha?! Pero bakit?

Ako: Wala ako sa mood makipag usap sa mga ganyang bagay! Kaya bitawan mo ko.

Clarice: Hindi kita bibitawan hanggat hindi mo sinasabi na mahal mo din ako!

Ako: *pasigaw na sinabi* HINDI KITA MAHAL! At ni minsan wala akong minahal na babae bukod sa Mama ko. Kaya tigilan mo ko! Wala akong oras sa Pag-Ibig na yan.

Clarice: *umiiyak* napaka MANHID mo Bryan! Hindi ka tunay na lalaki! Ang sama-sama mo! Hndi ko to palalagpasin bryan! Sa akin ka din mapupunta! Tandaan mo yan!

Ako: Wala akong pakielam sayo! Bahala ka kung anong gawin mo.

At pag tapos ng aming usapan ay pumunta na ako ng library ng parang walang nangyari. Nag basa -basa. Nag aral aral at nag isip isip sa mga bagay bagay. At pag bukas ko ng aking bag ay nakita ko ang necklace na inawan sa akin ng tunay kong mga magulang.Ampon lamang ako kaya ganun na din ang pag papahalaga ko sa aking pag aaral dahil utang na loob ko to sa aking kinikilalang mga magulang dahil kung hindi dahil sa kanila ay siguro wala ako ngayon sa kinaroroonan ko ngayon. Sa una ay hirap akong tanggapin pero sa kinalaunan ay aking din itong natanggap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The NecklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon