Chapter 52: Secrets of the Past ✔

380 14 0
                                    

RHAECA

Tiningnan ako ni Teo. Naibuka niya ang kanyang bibig pero walang salitang lumabas dito. Naipikit niya pa ang kanyang mga mata at saka napabuntong hininga. Nang magmulat siya ng mata ay itinuon agad niya ang tingin niya sa imaheng nasa aming harapan.

The happy family is playing in this one side of the hill. Tumatakbo at naghahabulan. The little kid, who we recognize as the little kid that is responsible of our swap, is laughing so hard. Patuloy niyang tinatawag ang mga magulang at sinasabihan ang mga ito na habulin siya.

“Kailan mo lang nalaman?” Teo asked me. His eyes are still fix on the three people playing around. Napayuko ako.

“A week ago.” Sagot ko. Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

“Ganoon na katagal? Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Nakakunot na ang noo niya but he remained calm. Napabuntong hininga ako. I want to hold his hand but I stopped myself from doing so. I don't think I have the right to do it now.

“I’m confused. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi sayo dahil ang tanging ebidensyang hawak ko noon ay ang picture nila.” Napatingin ako kina mommy at tito Tino na ngayon ay yakap-yakap ang batang si Tam. “Nang makita ko sina mommy at tito na magkasama sa picture ay nagblangko ang utak ko. Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung bakit nasa iisang litrato ang magulang natin. Hindi ko alam ang sagot, until—” I stopped at saka ko siya tiningnan ulit. “—until I connected the dots.”

Noong una kong makita ang litrato, isang tanong lang ang pumasok sa isip ko—Bakit sila magkasama?. Hindi ko naman kasi alam na magkakilala sila.

---

Tiningnan ko ang mga taong nasa litrato. Unang nakaagaw ng atensyon ko ang dalagang nasa gitna. Mayroon siyang mahabang itim na buhok at nakasuot pa ng bistidang asul. Sa isang tingin palang ay nakilala ko na agad siya. Sinong anak ang hindi makakakilala sa nanay niya. YES! That’s my mom.

Sunod kong nakilala ang lalakeng katabi ni mommy. Medyo mahaba ang buhok nito at halos tinatakpan na ang kanyang mga mata. He wears an eyeglasses with black frame and pansin mo ang seryoso nitong mukha kahit na ito’y nakangiti. He reminds me of the man I love, he’s a photocopy of Teo. Alam kong si tito Tino iyon.

Mahahalata mo agad na may relasyon ang dalawa dahil sa sweetness na ipinapakita nito sa litrato. Mom is clinging to tito Tino’s arm habang nakasandal ang kanyang ulo sa balikat nito.

That gesture made me ask questions. ‘Anong relasyon ng dalawa?

Inilibot ko ang tingin ko sa ibang tao sa litrato. Lahat ng nandito ay kilala ko. Sa tabi ni tito ay nakatayo si tito Kenly na daddy ni Jairus at katabi naman niya ang mommy ni Arcel na si tita Amanda. Sa tabi naman ni mommy ay nakatayo si tita Cassandra na mommy ni Jairus, the wife of tito Kenly. Kita ko rin ang daddy ko na katabi ni tita Cass at ang nasa pinakagilid ay si tito John na daddy nina Gelou at Fritz.

They all look happy together—magkakaibigan na masayang nakapose sa harap ng camera. I know they are all friends, pero hindi ko alam na pati si tito Tino ay kaibigan nila, lalong lalo na...hindi ko alam na nagkarelasyon sina mommy at tito Tino.

Simula noong bata pa ako ay kilala ko na ang ibang tao sa litrato. Nakikita ko na sina tita Cass, tito Kenly, tito John, and tita Amanda dati pa man. Kaya nga kami magkakaibigan nina Gelou, Fritz, Arcel at Jairus ay dahil sa magkakaibigan din ang mga parents namin. We are ‘playmates since birth’ sabi pa ng iba.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon