Athena's Pov
"Tinay!" Mung ewan talaga tong si Mark. Alam naman nyang na katabi nya ako, bakit kailangan bang sumigaw pa? Parang nasa bundok yung kausap
"Ano?!" Naiinis kong sagot. Alam na alam naman nya na ayaw kong mag pa istorbo tuwing na nonoud ako ng kdrama o kaya kpop
"Wala lang.. hihihi" Dahil sa inis ko binatukan ko nalang, aba! Tumawa pa ang loko. Hindi ko na tuloy tinapos yung pinapa noud ko dahil wala na ako sa mood. Litsi kang Mark ka!!
Dahil wala naman kaming teacher ngayon, makatulog nalang.
"Bigyan nyo kami ng isang daan ni Mark, kakanta kami" boses ni Dwayne. Umayos nalang ako ng upo, hindi rin naman ako makatulog gawa ng dalawang to.
Aba, hindi ko yata naririnig boses ng isa dyan, Baka tulog.
Tinignan ko naman yung kaliwa ko. Wala naman
"ARAY!" Ang sakit! Bwisit kang Justin ka. Kung hindi ka nga naman maingay nananakit ka naman. Hinipo ko naman yung pisngi ko kung okay pa. Okay pa naman pero masakit!
Umupo na si Justin habang natawa. Bwisit. Bigla naman kumuwa ng isang daan si justin sa wallet nya at binigay kay Dwayne
"Yown. Anong gusto nyong kanta?" Sabi nya habang nilalaro yung pera sa kamay si Mark naman natawa mag isa. Ngayon ko lang nalaman na may kaibigan pala akong baliw
"Here I Am" ang bagal ni Justin mag isip, kaya ako na ang sumagot.
"One, two, three... go!!" Mark at Dwayne
"Here i am the one that you love asking for another..." Dwayne
"Undertoods" Mark. hindi ko mapigilan tumawa. Sila Dwayne rin.
"Gago! Understand yun" Dwayne
"Understand ba yun? Kala ko understoods" napakamot naman si Mark.
Nag ring na yung bell ibig sabihin, uwian na. Ang bilis nang oras.