-1885
Sa mundong ito hindi natin alam kong ano ang mangyayari sa hinaharap walang makakapag sabi kung ano ang magiging kinabukasan ng lahat.
May mga bagay na hindi kayang maipaliwanag ng siyensya at ni sino man dahil ang ating mundo ay puno ng Misteryo.
"Handa na ang lahat binibini." tumango lang ako at sinundan na siya sa isang silid dito sa mansion, nandoon ang aking na imbentong lagusan papunta sa hinaharap balak kung tuklasin kong ano ang magiging mundo sa hinaharap.
"Ikaw na ang bahala dito hindi ko maipapangakong makakabalik ako dito." niyakap ko ang siya at tuluyan ng pinasok ang lagusan papunta sa hinaharap.
-------------------------------------------------------------
Nagising ako sa ingay ng aming kapit bahay, sanay na ako sa bangayan ng mag asawang Raiji at Angel.
Bumangon nalang ako at nag bihis maaga pa kaya pupuntahan ko muna si Kyenn sa Bahay nila.
"Oo anong nangyari at nakabusangot ka diyan?" nakabusangot sa harap ng gate intong si Alexxene may upuan kasi kasama ang aso niya mukang may plano pang kagatin ako, Nako wag naman.
"Wala gutom ako kaya wag kang magulo." nakangusong sabi nito.
"Hay nako ikaw talaga hindi ka nanaman pinakain ni kyenn ano?" tumango lang ito kaya pumasok nalang ako.
"Ace nandito kana pala." sabi ni Kyenn ng makapasok ako sa bahay nila.
"Maaga kasi akong nagising alam mo na nagbabangayan nanaman yung mag asawa kong kapitbahay." umupo ako sa sala.
"Nako hindi kapaba nasanay sa dalawang yun e araw araw yung nagbabangayan."sabi nito inabot ang kape oo araw araw ako dito nag kakape wala eh ingay sa bahay."Salamat Kyenn sa kape."
"So ano nagawa mo na ulit mag travel sa time mo?" tanong nito kasi sinubukan ko ulit bumalik sa panahon ko.
"Hindi ko parin magawa eh."nakapalungbaba kong sabi.
"Okay lang yan may oras kapa!" cheer nito sakin.
"Sana nga may oras pako hindi ko alam ko ano ang katumbas ng oras dito sa panahon namin ,pano di ko maabutan si-"naputol ang aking sasabihin ng lumabas sa kwarto si Rea.
"Ate sino uung aso sa labas tahol ng tahol?" sabi nito na inaanktok pa.
" Rea kay Alexxene yung aso sa labas."
"Ano po kaylangan ni Alexxene dito Ate Ace?"
"Wala ginutom ni kyenn."napatawa ako ng maalala ko ang itsura ni Alexxene kanina sa labas.
"Segi Kyenn Thank you sa coffee babalik muna ako sa bahay tatapusin ko muna yon."
"Segi Ace sana magawa mo na yun."
Third person's POV.
Habang naglalakad si Ace ay nakita niya ang isang bata si Khyun kapit bahay nila may daladala itong bato pero parang mamilyar kay Ace ang batong hawak ni kyunn lalapitan sana nito pero hindi niya nagawa dumating ang Nanay nito at pinatapo ang batong hawak ni Khyun, pagka alis ng magina ay hinanap niya kung saan na punta ang bato hindi nga siya nabigo at nakita ito sa damuhan malapit sa kanal napangiwi pa siya dahil kalapit nito ay dumi ng aso.
Sinuri ni Ace ang bato at napagtanto niya na ito ang susi na nawala niya ng mapunta siya sa panahong ito kaya dali dali niya ibinulsa ang bato at tinawagan lahat ng kaibigan niya.
"Oo nakita ko na."bibanaba niya na ang phone niya.
...
"Babalik kana sa panahon mo Aces?" tanong ni Angel.