"AAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!"
"A-Ano yun?"
"Kaninong sigaw yun?"
"May nangyayari ba sa palasyo?"
"Aaahhh! Gumuguho yung tore!!!"
"M-Ma-ma!!!"
"Dito ka lang!""Anong nangyayari?!" Tanong ng isang lalaking may balbas at nakasuot sa buong katawan ang damit na gawa pa sa pinakamamahaling tela at balot na balot ang ulo, kamay, at dibdib ng mga alahas na mula pa sa pinakailalim ng kinatatayuan niya.
"Mahal na hari, nagwawala po ang kapangyarihan ng senkensha," tugon ng isa pang lalaking natatabunan sa metal ang katawan, mula ulo hanggang paa, at may dalang sandatang nakasabit sa bewang.
"Asan siya ngayon?" Sabay tayo ng 'hari'. Kinuha niya ang espada sa tabi ng kinauupuan niya at naglakad papalapit sa pintuan.
"Nasa silid niya po siya ngunit mapanganib kung inyo siyang pupuntahan, mahal na hari," pigil sa kanya ng kausap niya sa kanya mula sa pag-alis.
"At bakit naman?!"
"Nagwawala ang kapangyarihan ng senkensha sa paligid niya at hindi pa napapaamo hanggang ngayon. Nasira na nito ang pasilyo sa labas ng silid at ang mismong silid at sa kasalukuyan ay wala pang nakakalapit sa tore dahil sa bumagsak na ito," paliwanag nito gamit ang seryosong mukha.
Ngunit hindi nagpatinag ang 'hari'. Nagpatuloy siya sa kanyang paglabas at mabilis na tinahak ang daan patungo sa toreng sinasabi ng kausap niya kanina.
"Mahal na hari," bati ng mga nadadaanan niya pagkakita sa kanya na papalapit sa mga naglalaglagang mga bato.
"Ano na ang sitwasyon?" Tanong nito sa isa pang lalaking may suot na metal sa buong katawan.
"Naroon po ang sentensha sa pinakagitna nitong mga bato. Kanina pa po namin sinusubukang lumapit ngunit maliban sa mga bato ay pinapahina rin ng kapangyarihan ng sentensha ang mga kawal," ulat nito na nagpakunot ng noo ng kausap.
"Hindi niyo pa ba tinawag ang yunit ng mga salamangkero?"
"Nagawa na po namin iyan ngunit mukang kinukuhanan ng kapangyarihan ng senskensha ang mga salamangkero ng kapangyarihan kaya, sa kasalukuyan, ay nasa hokenshitsu po sila at hindi makagalaw."
Sa sinabi ng lalaki ay nag-igting ang panga ng 'hari' at napakuyom ito sa dalawang kamay.
"Kung ganoon ay--"
"Kung ganoon ay lumayo na lang kayo sa senkensha, mahal na hari," putol ng isang bagong dating sa sasabihin ng 'hari'.
"P-Planetium Circle! A-Anong ginagawa niyo dito?!" Tukoy ng 'hari' sa anim na bagong dating na purong matatanda.
"Nagkusa na kaming magtungo dito dahil batid naming matagal pa bago mo maisipang ipatawag kami."
"Sa mga ganitong pangyayari ay wala na kayong magagawa, mahal na hari. Hindi na ito sakop ng tungkulin mo."
"Hayaan mong kami na ang gumawa ng solusyon sa problemang ito."
"Marahil ay hindi mo alam ngunit ang pangyayaring ito ay natural lamang at noon pa'y hinihintay na nami't inaasahan."
"Kung kaya't mas mainam pang iwanan mo na ang bagay na ito sa aming mga kamay."
Walang nagawa ang 'hari' kung hindi ang umalis at iurong ang kanyang mga sundalo habang ang anim na matatandang ito naman ay nagtapon ng mga salita sa ere, na hindi mawari kung ano ng sinuman, at nagtungo sa kinaroroonan ng senkensha.
"Aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!" Rinig na rinig na ng anim ang sigaw ng tinatawag nilang 'senkensha' ngayon na nasa harapan na nila ito.
"Nagsisimula na."
"Nagsisimula na."
"Nagsisimula na."
"Nagsisimula na."
"Nagsisimula na."
Lumapit ang isa na hindi na nagsalita sa babae hanggang sa nasa mismong harapan na siya nito. Itinutok niya ang kanyang baston sa ulo ng kaharap at muling nagsalita sa hindi matukoy na lenggwahe na sanhi ng mas paglakas pa ng sigaw ng babae, "aaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!"
Ganoon lamang ang pangyangyari sa gitna ng mga sirang bato na noo'y toreng kinalalagyan ng silid ng 'senkensha'; ang lima na patuloy sa pagsasabi ng "nagsisimula na," ang parang pinuno ng mga matatanda na nakatutok ang baston sa babae habang may kung anong sinasabi at ang babae na sumisigaw nang malakas hanggang sa pahina na ito nang pahina na para bang inuubos ng baston sa ulo niya ang enerhiya sa katawan niya.
Nang tuluyan nang mawala ang sigaw ng babae, natigil din ang pagbabagsakan ng mga debris, ang kaninang hindi mapakaling daloy ng hangin ay kumalma, at ang kapangyarihan ng babae na nagwawala ay parang bulang nawala. Hindi gumalaw ang anim at ang babae ay nakayuko lamang...
Hanggang sa bigla na lamang nitong itaas ang ulo nito at kitang-kita ang purong puting mata nito at ang mga letrang nakaukit sa buong katawan niya ay nagliliwanag. Nagkaroon ng parang isang malaking pwersa na dumaan sa buong mundong kinagagalawan nila at para bang ramdam na ramdam at alam na alam ng mga mamamayan, ay napapalingon sila sa direksyong kinaroroonan ng 'senkensha'.
Sinakop ng ilaw mula sa mga letra ang katawan nang, tamang-tama lang na napupuna pa rin ang hugis ng katawan niya na parang hinubaran ng damit ng liwanag.
"The choosing has ended, the chosen rejoices," sambit ng babae sa malamig na boses.
"Peace has been retained, fear was diminished."
"Each pawn is in a journey, all pawn is away on a trip."
"The day of promise was forgotten, only ignorance took over."
"The oath lives on forever, 'til the keeper has it fulfilled."
"Rejoice, rejoice, the chosen one. Be happy, be joyful."
"Prideful, they were. Doom is the price."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
PROLOGUE done.
Yay 🎉🎉Hai pala BlackStyx kung nababasa mo to .. Di ko alam magdedicate eh ✌.. Di rin ako makapagmessage kasi need verification ng email ko .. kawawa talaga ako 😂
BINABASA MO ANG
Majest Academy: Cards of S
FantasyMajest Academy, School of the Elite, Place for the Strong. An educational institution under the direct control of the Planetium Circle, a group of six old, yet wise and strong ability-users. Jest, the kingdom under the monarchy rule of, well, the ro...