To: Kia Malo
” Just one look was enough to know that you were the perfect girl for me, I love you completely and by your side I feel completely happy , so I want you to be my girlfriend and make you happy every day of our lives.”
Love,
Your MonsterAdmirer
Kilig naman ako sa sulat na ito, kung sino talaga ito, magpapasalamat ako dito kahit 'di ko kilala.
"Kanino galing yan?" sulpot na tanong ni Sir sakin.
"Hindi ko nga alam Sir," inosenteng sabi ko sakanya.
"Basta! Huwag dito saking kompanya. Ayokong naglalandi kayo dito sa halip na magtrabaho kayo ng maayos," maawtoridad na sabi ni Sir Allen.
"Sige Sir," nanlulumong sabi ko.
Ang bitter niya naman. Maganda sana kung siya ang binibigyan. Pero hindi e. Insecure ka lang ata dahil sakin may nagbibigay sa'yo, Wala.
Pinagpatuloy ko na lang aking trabaho at kalaunay naging maingay na rin ang kompanya hudyat na nagsidatingan na ang mga empleyado.
Nakaadvance ako na ako ng dalawang buwang bayad sa upa kay Madam G. kaya'y tuwang-tuwa ito.
Dalawang buwan na rin ang lumipas simula nang nagtrabaho ako dito. Kahit na secretary lang ako ni Allen, pinagbubutihan ko rin ang aking trabaho.
Pinaghahandaan ko ngayon ang aking pera sa mga pangangailangan ko at para na rin mahanap ko ang totoo kong magulang.
Kahit na pinabayaan ko nila kahit balik-baliktarin ko man mundo, magulang ko pa rin sila. Magkadugo pa rin kami kaya nararapat lang na hanapin ko sila. Kahit na malaki pa rin ang sahod ko, hindi pa rin sapat ang pera ko.
Ngayon, kunti na lang ang natitirang trabaho ko ngayon kaya't pinabayaan ko muna.
Nanood muna ako ako ng mga patok na movies. Yung a letters to Juliet.
Totoo lang ang ganda ng love story nila nakakainggit. Sana ganyan rin lovelife ko pero nganga ako ngayon.
Sunod ko naman pinanood yung Bad Genius, hindi talaga selfish ang babae. Hindi lang sarili niya ang iniisip niya pati na rin mga kaibigan niya at para na rin sa lahat.
Nang maumay ako sa kakapanood, nagbasa naman ako ng mga novels katulad ng Don't Tell by Queen Elly ang The Best Selling Author of Vince and Kath and The Wrong Message.
Ang ganda ng kwento, nakakasuspense at the same time nakakakaba lalo na sinabi pa lang ng Warning ng author na 'First few days ng pagsusulat, okay pa ako. Hanggang sa nag-umpisa na akong magising ng madaling araw.' At lalo na sa sinabi niyang 'So to whoever is brave enough to read this story, please pray before you dare flip another page. A prayer won't hurt.'
Tungkol pala ang storyang ito sa demons. On how to attract demons lalo na sa mga demons. Nagtataasan mga balahibo ko habang binabasa ko ito.
Matapos magbasa, kumain muna ako ng aking mga meryenda. Mga Sandwiches at mansanas ang aking meryenda habang nanonood naman Kdrama.
Nang alas-onse na, tinapos ko na ang trabaho at naghanda para sa tanghalian. Kay Iyang cubicle agad ang tungo ko para makipagchikahan.
"Bes? Ano ulam mo ngayon?" tanong niya sakin.
"Tinolang manok," sagot ko naman.
"Ah akin Fried Chicken. Share tayo ah. May carbonara akong dala," sabi niya.
"Walang problema," sagot ko naman.
Kain, tawanan at chikahan ang nagawa namin.
"Oy! Bes, gusto mo nang pera may trabaho akong alam," sabi niya sakin.
"Totoo? Sana nga e. Ngayon pa naman nagpaplano ako saking pera. May pinag-iipunan kasi ako," sagot ko sakanya.
"Tamang-tama. May alam ako. Kung gusto mo lang," pag-aalangang sabi niya sakin.
"Basta marangal na trabaho, kung meron. Why not?" sagot ko naman sakanya.
"Ano ba yang trabaho?" tanong ko sakanya.
"Basta! Maghanda ka mamaya,"sabi niya sakin.

BINABASA MO ANG
Marriage Benefits
RomanceMatagal ng hinahangad ni Kia Ysabelle Malo ang lalaking si Allen Taleon. Simula pa lang highschool sila, 'di na maalis ang paningin ni Kia kay Allen. Pero sa paghihintay niya ng matagal parang susuko na si Kia dahil ni kahit isang tingin lang ni All...