Chapter 8
Carl Nail Teves
Gaya nga napag-usapan namin ni Iyang, naghanda nga rin kami para sa bagong raket namin ngayon.
Hindi ko nga lang alam ko ano ang dalhin at ang hindi. Ano bang susuotin. Wala naman akong masyadong magandang damit.
"Ano dapat dalhin ko Iyang?" inosenteng tanong ko sakanya.
"Damit lang at pumps," sabi niya sakin.
Namutla ako sa sinabi niya. Kailangan ba talaga niyan? Paano kung wala akong pumps? Hindi pwede?
"Huwag mo sabihin sakin wala kang pumps?" tanong niya sakin.
"Wala nga sabi ko. Kung wala ka ba non, hindi pwede?" tanong ko sakanya.
"Hindi pwede kasi, pero 'wag kang mag-alala. Meron pa akong extra diyan. Papahiramin kita," sabi niya naman sakin.
"Ano pa ba dapat dalhin?" tanong ko ulit sakanya.
"Make-up pa pala pero sa tingin ko polbo na lang at lipstick maganda na sa'yo," saad niya naman sakin.
"At don na pala ang damit natin, bale huhubarin rin natin ang damit natin suot ngayon at palitan kung anong damit doon ni Madam," sabi niya sakin. Ay may madam pala kahit ganitong trabaho lang?
"Ano nga pala trabaho natin?" tanong ko sakanya.
"Magbebenta ng sigarilyo," saad niya naman at muntik na akong matawa sa sinabi niya.
"Seriously?" tanong ko sakanya.
"Oo pero sa bar tayo magbebenta para may malaking tip," saad niya naman.
"Ano sa bar? Hindi ba tayo pokpok diyan?" tanong ko sakanya.
"Pokpok ba tingin mo sakin?" tanong niya naman.
"Hindi. Pero desinting trabaho ba talaga to?," deritsong sagot ko.
"Desinti to. Magbebenta ka lang naman ng sigarilyo. Wang hipo-hipo to. At bantay sarado rin tayo kay madam," saad niya.
Maya-maya, nagtungo na kami sa pupuntahan namin ni Iyang. Pumasok kami sa isamg silid kung saan marami ring babae na nagpapalit ng kanilang damit.
"Madam, may kasama po akong kaibigan ko," pakilala ni Iyang sakin kay Madam.
Akala ko madam, babae. Pero bakit bakla to? At madami rin tumatawag sakanyang Madam, ibig sabihin ba madam rin itatawag ko sakanya?
"O sige siguruduhin mo lang na hindi sakit sa ulo yan Rhea ah? Sige magbihis na kayo," utos niya samin sabay lahad ng maiikling damit.
"Bakit ganito kaiikli mga damit niyo? Kulang ba ito sa tela o ganito siya talaga?" bulong ko kay Iyang.
"Huwag ka nang magreklamo, magbihis kana. Mamaya pupunta na tayo sa mga bar kaya magbihis kana," sabi niya sakin.
Pansin ko lang na hindi na sila nahihiyang magbihis. Pagbigay sakanila ng damit, bihis agad. Yung iba nga nakabra at panty lang pero hindi naman nahihiya dahil si Madam lang dito ang lalaki pero nasanay na rin sila. Nagbibihis na man ako dahil wala naman tumitingin sakin. Yung iba nga parang walang pakialam sa mundo. Nakatuon lang ang atensyon nila sa pag-ayos ng mga kilay, pilikmata at bibig nila.
Matapos ang ilang minuto napagdesisyonan namin lahat ng maghahanda na kami paalis at pumasok sa van ni Madam. Madami kami sa loob ng van. Panay naman hila ko saking short paibaba para hindi masyado makita ang maputi kong hita kaya naman panay tampal rin ni Iyang ang kamay ko.
"Huwag ka ngang magpahalatang bago ka lang dito. Ikaw lang ang gumagawa niyan kaya tigilan mo yan baka nga makita ka pa ni Madam, malalagot ka," bulong ni Iyang sakin.
Pansin ko nga na ako lang ang baguhan dito.
Nang makarating kami sa bar, paika-ika akong lumalakad dahil sa pumps. Hindi kasi akong sanay may takon ang aking sandal. Madalas kasing flat gamit ko. Pero nang kalaunay ay nasanay rin ako.
Labas pa lang ng bar maririnig mo na ang tugtuging maingay sa loob.
Halatang pang mayaman ang bar na ito. Kung wala kang pera, hindi ka makakapasok agad dito unless kung konektado ka sa mga kilalang personalidad.
Nang makapasok kami sa loob, maririnig mo agad ang tawanan, asaran at kwentuhan. Maamoy mo pa ang amoy usok ng sigarilyo.
Kanya-kanya kami punta sa mga customer na amin at nag-alok ng sigarilyo.
Lumapit ako sa isang matanda, may kasama siyang dalawang babae na halata namang dancer sa bar na ito.
Ang kamay ng matanda ay nakaakbay sa dalawang babae. Halatang manyakis ito. Tingin pa lang niya'y alam mo na may gagawin itong masama.
"Miss, isang kaha akin. Ito 5000," utos niya sakin.
"Sir, 270 lang po ang isang kaha," sagot ko naman sakanya.
"Huwag kang mag-alala miss. Keep the change," saad nito sakin.
Binigay ko man agad sakanya ang isang kaha ng sigarilyo. Binigay niya sakin ang pera ng nang-aakit. Hinawakan niya puwet ko na ikinagulat ko. Hindi ko magawang sumigaw dahil alam kong ako lang ang mapapahiya dito. Napagdesisyonan ko na lang umalis doon.
Maraming tumitingin sakin habang nagbebenta ako ng sigarilyo. Nginingitian ko naman sila para bumili sila sakin.
"Miss, I case of Marlboro," utos ng lalaki sakin.
Dali-dali ko naman pumunta sakanya at binigyan kung ano ang hinihingi niya.
"Ano pangalan mo, Miss?" tanong niya sakin.
"Mary po," sagot ko.
Hindi ko binigay ang totoo kong pangalan dahil nasabihan na rin ako ni Iyang na hindi ko dapat ibigay basta-basta ang pangalan ko. Hindi daw mapagkatiwalaan ang mga tao dito basta ngumiti ka lang sakanila.
"Are you sure?" May halong malisyang tanong niya sakin.
Teka kilala ko ba ito? May matangos siyang ilong, moreno, may makisig na katawan at may peklat siya sa kilay. Teka?
"Carl? Ikaw na ba yan?" gulat na tanong niya sakin.
"Yup. Ako nga si Carl. Carl Nail Teves."
BINABASA MO ANG
Marriage Benefits
RomanceMatagal ng hinahangad ni Kia Ysabelle Malo ang lalaking si Allen Taleon. Simula pa lang highschool sila, 'di na maalis ang paningin ni Kia kay Allen. Pero sa paghihintay niya ng matagal parang susuko na si Kia dahil ni kahit isang tingin lang ni All...