Chapter 42:Same Way,Opposite Destination,Different Heartbeat

242 0 0
                                    

Chapter 42:Same Way,Opposite Destination,Different Heartbeat..

Naisip ko nga lang na talaga malayo sa amin ang salitang ITINADHANA..Narealize ko lahat ng yun,after sa lahat ng nangyari,sayang lang na ngayon lang ako naliwanagan sa katangahan.

-Katulad ng una ko siyang makita,parehas kaming nasa isang lugar nang mga panahon nayon,on the gymnasium..parehas kami ng purpose..practicing our dance performance.But ako lang yung napatingin sa kanya,walang mga matang nagtama,at ako lang yung NAHULOG.

-Lagi ko siyang hinihintay na mapadaan man lang.At pagmasdan siya,at maghintay na kahit saglit mapatingin din siya sa akin,at makilala niya din ako.But ako lang yung laging naghihintay lagi para sa kanya.Kaya nga ganon nalang ang tagos sa puso para sa akin ng kantang "Kailan ng MYMP".

Hindi ko akalain na sobra akong mahuhulog sa kanya,na aabot pa pala sa point na mamahalin ko siya,kasi for the first place di ko naman siya lubusang kilala.Ginawa ko lahat malaman lang yung pangalan niya.Nagstalk pa nga ako ng maraming beses at nagshout out na di ko naman kahit kailan pa nagawa.

-But ako lang din ang nagpapakahirap siya.., wala lang ,hindi ko nafeel na sabihin niya ng walang halong pangtritrip na gusto niya din akong makilala.And BOOM!!Sa kalungkutan ,sa saya at sa kilig sa lahat ng mga luha at sakit ako lang ,dahil di niya ako kilala.

Flashback Conversation.

Thursday non,bago magend yung conversation namin may sinabi siya sa akin.

"Bukas pwede ka po bang magpakilala please po"Calvin

"Sige po,hintayin ko nalang kayo sa Learning Tambayan sa Recess"send.

Kasama ko yung tatlo kinabukasan sa Learning Tambayan,wala silang alam sa convo na yun.Akala nila normal lang sa amin yung araw na iyon,yung tatambay lang kami duon habang recess pa at wala pa yung teacher.But inside of me,sa bawat taong lalabas ng section lang nila ako nakatingin buong half hour na nanduon kami sa Learning Tambayan.Seconds,Minutes,Half-Hour was pass,but I can't see the Calvin Dreile Mendoza I wait ..I assume and I expect to go there..

Gusto kong maiyak nun,gusto ko siyang puntahan sa room nila at sabihin na pinagmukha niya lang akong tanga,paano nalang pala kung di ko kasama yung tatlo,baka mas lalo pa akong parang timang na may hinihintay duon.Nang time na iyon binalak ko nadin na iunfriend siya,but yun nga may thing na pumipigil sa akin.

-And madaming pagkakataon na sobrang lapit namin sa isa't -isa right?yung tipo nga na humarap lang siya banda sa akin mas maliit pa yung space sa 12 inches na ruler.Pero nakakatawa lang dahil sa dinami-dami ng pagkakataon na ang lapit namin sa isa't-isa ,which is always akong umaasa na mapapatingin man lang siya,never niyang nalaman niya sigurong nalamang ako yun,yung Jayciel na laging nangungulit sa kanya sa FB at yung taong sobra na palang naging tanga.Sinasabi ng nga friend ko na bakit di ka kasi magpakilala?O bakit di mo kasi kausapin ng personal.?Yan dapat ang mangyayari but siya na mismo ang humadlang para mangyari pa ang bagay na yan.

Ang dami na palang nangyari simula ng araw na makita ko siya,bali four months na din.

BER MONTHS,maraming excited diyan,and I'm one of them.Pero sa BER MONTHS din pala magsisimula ang lahat at dun din magtatapos ng tuluyan.

Yes.We walk on the same way..isang hallway papuntang room namin,isang way paputang classroom.But opposite destination,kahit gaano pa kami kalapit sa isa't-isa,kahit parehas ang ginagalawan namin at the end where not supposed to be meant to be together.And different heartbeat,isa yan sa pinaka-masakit,dahil alam natin na hindi natin hawak ang puso ng isang tao,hindi natin pwedeng kontrolin kung saan ba titibok ang puso nila.That we can volunteer ourselves to love the person we want ,but we can't hold the approval of when their heart is already beat for someone...

"Jayciel.."rinig kong sabi ng tatlo,matagal na pala akong lumutang dito,dahil sa mga pag-alala ng mga bagay na sana noon ko pa naisip,at maging dahilan para ako'y bumitaw.

"Hindi pala talagang madaling lapitan yung taong gusto mo,lalo na kapag hearthrob at isa ka lang INVISBLE sa kanya.."

Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon