Prologue

6.6K 105 74
                                    

Prologue

-----

"Yes, mom. I love you. Please tell dad I want pasalubong." I told my Mom on the other line.

After exchanging more 'I love you's' ay pinutol na ni Mommy ang tawag.

I sighed. I'm miss my parents so much.

Hindi kami gaanong mayaman but my parents were doing their best to provide my every needs. Kahit pa maisakripisyo ang family bonding namin ay hindi pa rin sila tumitigil sa pagta-travel para humanap ng mga cuisines pwedeng idagdag sa menu ng binabalak nilang ipatayo na restaurant.

My Dad's a chef and my Mom's a nutritionist. Kaya nagkakasundo rin talaga sila sa mga gusto nilang gawin.

All were fine to me, though. Kahit parati silang umaalis ay never ko naman na-feel na neglected child ako.

Tuluyan na akong pumasok sa gate ng school. Dahil first week of classes pa lang ay sa main gate pa kami lahat dumadaan, lahat being all the students of Empire University. Mapa-elementary, high school, señior high or college pa 'yan.

Marami ang bumati sa akin, karamihan sa kanila ay mga grade twelve rin na kagaya ko. Hindi naman nakakapagtaka na kilala nila ako kasi elementary pa lang naman ay schoolmates na kami.

Iyong iba naman, hindi ko masyadong kilala. Siguro kilala nila ako dahil ako ang muse ng SLC.

"Miggy! Good morning!" Malaki ang ngiti na bati ko sa best friend ko pagkapasok ko sa classroom namin. Nag-angat lang ng tingin si Miggy sa akin at bahagyang tumango bago niya ibinalik ang atensyon sa binabasa niyang libro.

I pouted. May problema na naman ba sa bahay nila?

Mabilis na naupo ako sa tabi ni Miggy, inalis ko iyong pagkakasuot niya ng earphones bago ko hinablot paalis sa kamay niya iyong librong binabasa niya. She grunted pero halatang wala pa ring pakialam sa ginawa ko. Imbis na sungitan ako ay tunalikuran niya ako at humarap siya doon sa bintana.

Napabuntong hininga na lang ako. Mamaya ko na lang siya kakausapin.

"Ivana..." Tawag sa akin ng classmate namin, si Julianne.

"Hi." Nakangiti na ulit na bati ko. "Good morning. May kailangan ka?"

Ngumiti rin si Julianne.

"Pinapatawag ka ni President sa office."

"Oh, ganon ba. Sige pupunta na ako." Tumayo ako at tinapik si Miggy sa balikat. Alam ko naman na narinig niyang ang pinaguusapan namin ni Julianne. Walang pakialam 'yan si Miggy sa paligid niya pero pagdating sa akin, alam ko attentive 'yan. She's the best best friend I could have and I'm just so glad that I had her in my life.

Lumabas ako ulit ng classroom para pumunta sa SLC room. I checked the time on my wrist watch. Meron pa akong one hour bago magsimula ang next class.

Nginitian ko lahat ng mga bumabati sa akin ng 'good morning'. Kahit pa hindi ko kilala basta makasalubong ko ang tingin ay nginingitian ko.

Sabi ni Mommy, dapat daw lagi akong ready na ngitian iyong mga tao na nakakasalamuha ko kasi hindi ko naman daw alam kung anong pinagdadaanan nila. A simple smile could help lift one person's mood up. Kaya imbis na magtaray ay tina-try ko talaga na maging pleasant as much as I could.

Pagdating ko sa Student Leaders Council office, kumatok ako nang marahan bago ko binuksan iyong pinto. Sa lahat ng offices ng mga student leaders, itong sa SLC ang pinakamalaki dahil kaming mga overall officers ang gumagamit nito. Mas mataas kasi ang SLC sa SSC. Iyong SSC ang namumuno sa buong school pero ang SLC naman ang namumuno sa lahat ng mga officers ng mga school. I was the P.R.O of the grade twelve organization at muse naman ng SLC.

"Ivana, halika." Utos sa akin ni Angelyn, iyong president namin sa SLC. Lumapit ako sa kanya.

"Good morning Angelyn." I greeted her. Tumango lang si Angelyn.May kinuha siyang stack ng mga maliliit na envelope sa mesa niya at iniabot ang mga iyon sa akin.

"These are invitations for the upcoming acquaintance ball. Naipamigay na iyong sa high school at sa senior high school department, para 'yan sa faculty ng college department. Ikaw na ang magdala sa faculty room nila doon sa kabilang bakod." Utos sa akin ni Angelyn. SLC ang naka-assign sa acquaintance ball kasi kasama namin doon ang college department.

Natatawang nagpaalam ako sa kanya at umalis.

Hindi ko talaga ever maiintindihan iyong sinasabi nilang 'gap' between the seniors high at college departments nitong EU. Ayaw na ayaw talaga ng mga schoolmates ko ang makipag-usap doon sa mga nasa college department. Di ko alam kung anong sense e magiging college students din naman kami next year.

Mabilis lang ako na nakarating doon sa gate papunta sa college dept. As usual, iyong mabait na guard ang nagbabantay kaya madali lang ako na nakapasok. May masungit na guard kasi rito, feeling niya siguro siya ang may ari ng school.

Nilakad ko kaagad papunta sa building ng mga office. Dumiretso ako sa opisina ng college mayor nila.

Mas maarte ang sistema ng school politics dito sa college dept. Imbis na president ay mayor ang meron sila. Imbis na mga representatives ay mga councilors ang tawag sa mga officers dito per room.

Iniwan ko na lang doon sa mesa ng mayor iyong mga invitation dahil wala pa raw doon ang mayor sabi ni ate Loiuse, iyong secretary ng SLC nila. Hindi ko pa alam ang itsura ng mayor dito pero alam ko naman ang pangalan niya. He was a certain Kal Verano.

Nginitian ko si ate Louise bago ako lumabas pagkatapos kong gawin ang ipinunta ko rito.

Paglabas ko ng opisina ay dumiretso na ako pababa ng building. Buti pa dito, may elevator. Ginamit ko iyon kaya hindi na ako masyadong nahirapan.

Pagkalabas ko ng building, halos mapatalon ako sa gulat dahil may naririnig akong humahagulhol. Parang tunog ng umiiyak.

Somebody must be having a bad day.

Mabilis na hinanap ko iyong tao na umiiyak para sana lapitan pero nang makita ko siya ay may nauna na sa akin na kausapin ito.

"Why are you crying?" The tall guy asked in concern.

Mas lumakas iyong iyak ng babae, she was almost hiccuping. Mabilis na naglabas ng panyo iyong lalake at ibinigay iyon sa babae na umiiyak. If I'm guessing it right, first year pa lang iyong babae. She was familiar, grade twelve iyan sa senior department last year.

"You want ice cream?" Narinig kong tanong noong lalake. "Come on, I'll buy us both ice creams then you can tell me why you're crying. Trust me, ice cream helps."

Ngumiti iyong lalake at hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti rin. His smile was just so contagious. Heart shaped iyon at pati ang kanyang mga mata ay kumukurba rin nang kaunti. May maliit na dimple rin na lumabas sa gilid ng kanyang labi.

"'Wag ka matakot sa akin! Mabait ako!" Natatawang sabi nito nang tanungin siya noong babae kung sino ba siya. "I'm Hope Tuason and today, I'm your guardian angel!"

Ngumiti na iyong babae at tumayo. Pinanood ko silang dalawa na lumakad paalis. The guy, Hope Tuason, even offered to carry the girl's books for her.

Tumalikod ako at lumakad na rin pabalik sa department namin, malaki pa rin ang ngiti at magaan ang pakiramdam.

Wow. My faith in humanity just got restored. May mga tao pa pala na ganoon, sobrang bait.

I wonder how it felt to be friends with him?

*****

EZH #5: Hope 'the angel' Tuason

EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon