UMUULAN ngayon at kasalukuyang nakauwi na ako ng apartment galing eskuwelahan huling araw na kasi ng eskuwela at ako'y mag gegrade 11 na.
Kakabihis ko lng ng lapitan ako ng pangalawa sa bunso kong kapatid ito ay nasa Grade 9 na isang taon lamang ang tanda ko sa kanya."Uy! Ate may nagpapabigay sayo nito." Aniya sabay bigay ng isang tangkay ng puting rosas.
"Sino naman ang nagbigay nito?" Gulat na tanong ko dahil sa buong buhay ko ay wala pang ng bibigay sakin ng totoong rosas kadalasan kasi ay puro plastik ang natatanggap ko mula sa mga manliligaw ko.
"May nagpabigay daw sabi ng katiwala para sayo daw iyan." Sagot nito
"Sige, bantayan mo muna si Charles, Carly, pupuntahan ko lng ung katiwala." Patukoy ko sa bunso naming kapatid na bantayan dahil pupuntahan ko yung katiwala at itatanong ko kung kanino galing iyon.
"Opo ate"
KINAUSAP ko ang katiwala kung sino ang nagbigay ng rosas sakin. Ansabi nya sakin ay may lalaking nagpapabigay daw nito ngunit Hindi daw ito nag pakilala. Kaya ansabi ko na lamang ay ilarawan ang nagbigay sakin nito.
Matangos daw ito at singkit, may pagkamalaki daw ito ng boses at buo, ang akala nya nga daw nung una ay dayuhan ito na naghahanap ng apartment dahil sa mga singkit nitong mata. Nagpasalamat ako sa katiwala at Umuwi na dahil hindi ko din naman sya makikilala.
"Oh Che andyan ka na pala." Nakuwi na pala si Mommy, nagtatrabaho ang Mommy ko sa Office ng Church namin, sya ang nagaayos ng mga files dun at assistant din sya ng Pastor namin.
"Mommy may nagbigay sakin ng rose." Sinabi ko na kay Mommy kasi alam ko namang uunahan ako ng kapatid ko at aasarin na naman ako
"Yie! Kanino daw galing?" Mukang pabor na pabor naman siya, ganyan talaga si mommy pag may nagbibigay sakin at alam niya na may nanliligaw sakin ay pabor na pabor naman siya. Okay naman sa kanya na may nanliligaw sakin pero bawal parin daw mag boyfriend.
"Di ko nga din po alam 'eh, binigay lng po ng katiwala kay Carly, may nagpapabigay daw po para sakin daw." Sagot ko pero ngunit mukhang di pa sya nakuntento. Hayst sabi na eh kukulitin ako neto eh.
Tanong ng tanong si mommy sakin kung sino daw ba ang alam kong may crush sakin at baka un daw ang nagbigay sakin, ngunit di naman ako mahanging tao, kaya di ako nag assume.
Pero may iisang tao na alam ang paborito kong kulay ng rosas. Pero ayoko naman na umasa ulit na sa kanya iyon galing. Atsaka ang tagal na nang huling paguusap at pagkikita namin. Iyon ay ng Grade 9 ako samantalang siya naman ay nasa Grade 12 ang paguusap na 'yon ang pinaka ayaw kong alaala na balikan muli.
Pinagmasdan ko ang puting rosas. 'Napakaganda talaga' sa isip isip ko, para sakin ay nakakarefresh ng utak ito. Habang tinititigan ko ang rosas ay may napansin akong sulat.
Long time no see, Sweetheart. Always remember I Love You
-R.I.Kinabahan ako sa nabasa ko, first time kong makatanggap neto. At may kutob akong sa kanya ito galing, dahil siya lang naman ang tumatawag sakin neto. Pero— tama baka nga nagkamali lng ng address ang nagbigay neto.
Hayst bukas na nga lang at pagod ako ngayong araw dahil sa dami ng requirements na kinailangan namin kanina.