Kabanata 5

4.6K 44 0
                                    


Nakatitig ako kay Thalia habang nag-iisip ng iba pang paraan para magising ito. Isang linggo na ako rito, kapag umabot na sa dalawang linggo ay malaalgot na ako kay Klien. Hindi naman niya ako tinatanong kung bakit hindi pa nagigising si Thalia, pero alam kong alam naman niya ang palugit na binigay niya sa akin. Alam kong hindi niya iyon nalilimutan.

"Hayy! Thalia gumising ka na," pakiusap ko rito at sinundot-sundot ang pisngi nito.

Nasa ganoong ayos ako nang mapansin kong gumalaw ang kan'yang daliri.

"Waaahhh!!! Gumalaw ka!" masayang sigaw ko at tumakbo palabas para hanapin si Klien.

Nagmamadali akong tumakbo pababa ng hagdan habnag sumisigaw.

"Klien! Klien!" sigaw ko.

Malapit na ako sa baba nang sumala ang tapak ko sa hagdan.

"Ahh!" napasigaw ako at pinikit na ang mata. Hinitay ko ang sarili ko na bumagsak sa sahig pero wala. Isang matipunong katawan ang sumalo sa akin upang 'wag akong bumagsak.

"Vas," rinig kong wika ni Klien.

Lumapit ito sa amin at kinuha ako sa bisig ng kaibigan niya. Umayos ako ng tayo at ngumiti kay Klien.

"Masayang balita!"

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.

"Gumalaw ang daliri ni Thalia!" Sambit ko at pumalakpak pa.

"Her rituals is really working huh?" sambit ng lalaking sumalo sa akin.

Tumango si Klien at kinuha ang kan'yang telepono. Madalas kong nakikita niyang gamitin iyon. Kahit nga ang mga tagapagsilbi niya ay may mga gamit ding ganoon. Gusto ko rin sana, natatakot lang ako na baka masira ko dahil hindi naman ako marunong.

May kausap siya sa telepono niya nang hindi lumalayo. Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko nilingon ko iyon. Nilingon ko rin ang kaibigan niya na nakangisi habang nakatingin sa kamay ni Klien sa bewang ko. Nang mapansin nito na nakatingin ako sa kan'ya ay humalakhak siya. Napanguso ako at tumingala kay Klien, gusto ko sanang itanong kung bakita natawa ang kaibigan niya pero may kausap pa ito sa telepono.

Nang matapos na ito sa kausap niya ay lumingon siya sa akin.

"Bakit?" tanong niya nang mapansin na may gusto akong sabihin.

"Bakit tumatawa ang kaibigan mo?" tanong ko sa kan'ya at tinuro ang kaibigan nito na nakaupo nang nakangisi habang nakatingin sa amin.

"'Wag mong pansinin, malapit na 'yang mabaliw," sagot niya sa akin. Lalo namang humalakhak ang kaibigan niya.

Mukhang malapit na nga itong mabaliw dahil sa inaasta niya.

"Mababaliw na nga ako! Ohh diyosa gamutin mo ako!" sambit nito at akmang lalapit sa akin nang nakabuka ang mga kamay.

"Vasier John Ricardo!" Tila kulog ang boses ni Klien.

Sa halip na matakot ay mas lalo lang natawa ang baliw na kaibigan ni Klien.

"Pagagalingin ko rin ba siya?" inosenting tanong ko kay Klien.

"No! Hayaan mo siyang mabaliw," matigas na sagot niya sa akin at hinigit na ako patungo sa itaas.

"This is a good sign, there's a high chance that soon she'll wake up," paliwanag ng doktor habang tinitignan si Thalia.

Tumango-tango si Klien. Nang makaalis na ang doktor ay saka ako nagtanong kay Klien.

"Anong sabi?"

Nakatitig siya kay Thalia bago bumaling sa akin. Bakit pakiramdam ko ay hindi maganda ang sinabi ng doktor, dahil parang hindi naman niya iyon nagustuhan.

"May posibilidad na magigising na siya," sambit niya.

Kumunot ang noo ko. Kung ganoon ay mabuting balita naman pero bakit hindi siya masaya? Hindi ko na siya tinanong at baka may iba naman siyang problema. Hindi lang naman kay Thalia umiikot ang mundo niya.

Nang sumapit ang hapon ay payapa akaming kumakain na dalawa nang may mga taong dumating.

"Is it true?!" Humahangos na lumapit ang isang babae kay Klien.

"Yes," simpling tugon ni Klien.

Pumasok din ang isang lalaki na siguro ay kasama ng ginang. Matapos sagutin ni Klien ang ginang ay mabilis itong tumakbo patungo sa itaas ng bahay, marahil ay kay Thalia ang tungo. Ang lalaki naman ay napakamot sa kan'yang batok bago sumunod sa nagmamadaling ginang.

"Sino sila?" Tanong ko kay Klien.

"Kamag-anak ni Thalia."

Natahimik ako at tinuloy na lang ang pagkain. Mabuti pa si Thalia, kahit mahimbing na natutulog ay may pamilyang handa siyang puntahan. Samantalang ako, hindi naman tulog pero hindi manlang hinahanap ng pamilya ko. Magkapangalan lang kami pero magkaibang-magkaiba ang buhay.

Matapos kong kumain ay tahimik lang ako na umakyat sa taas. Nasa kalagitnaan ako ng hagdan nang makasalubong ko ang babaeng kamag-anak ni Thalia.

Nanlaki ang mata nito nang makita niya ako. Nagtataka naman ako sa reaksyon niya, bakit gulat na gulat siya?

"Who are you?" Tanong niya.

Hindi ako makasagot dahil hindi ko naman naiintindihan ang sinasabi niya. Nakatitig lang din ako sa kan'ya. Lumagpas nag tingin niya sa likod ko.

"Klien," tawag niya kay Klien.

"Who is she?" sambit niya.

"She's the Goddess of Santora," sagot ni Klien.

Santora lang ang naintindihan ko. Siguro ay tinatanong niya kung sino ako.

"S-Santora?"

Kumunot ang noo ko kung paano kumunot ang noo niya nang marinig ang Santora. Sikat ba ang Santora sa mga tao? Tinignan ako ng ginang mula ulo hanggang paa. Nagtagal ang tingin niya sa buhok ko. Mabilis niyang iniwas ang tingin niya sa akin at nilingon si Klien.

"Anong ginagawa niya rito sa bahay mo?" Mahihimigan ang pagkadisgusto niya sa presensya ko.

"Kinuha ko siya para mapagaling si Thalia."

"Ha! Are you seriously believing those kind of stuffs? Witchery really?" Di makapaniwalang sambit ng ginang.

"She's not a witch, she's a goddess."

"Umakyat ka na," utos sa'kin ni Klien.

Tumango naman ako at umakyat na. Siguro ay mag-uusap pa sila. Tumuloy na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Pakiramdam ko ay nalungkot ako, gusto ko ring maranasan ang may pamilya. Nagtataka lang ako sa kinikilos noong babae. Bakit parang gulat na gulat siya. Ang pinagtataka ko pa ay ang uri ng pagtingin niya sa buhok ko. Baka naman nagtataka lang siya at hindi pangkaraniwan ang kulay ng buhok ko. Sa mga tagapagsilbi rito ay wala pa akong nakikitang kasing kulay ng buhok ko. Kaya siguro sila naniniwala na diyosa nga ako, dahil naiiba ako sa kanila.

Hindi ko naman nais maging iba, gustong-gusto kong maging normal kagaya ng iba. Gusto kong mabuhay kagaya ng mga normal na tao, iyong may pamilya, iyong may minamahal

The Goddess HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon