[14]

53 4 0
                                    

[14]

Nathan's

3 words, 9 letters but it really hurts that bad. Damn it! Kasalanan ko naman eh. Tama naman sya. Pero kahit naman ganoon, I will fight for her. Hindi na ako magiging tanga. Sya, inintindi nya ako, hindi nya ako iniwan kahit na masyado akong sira nung mga panahong iyon. Pero si Cath, tsk. Nilayasan ako. Bullshit. Bahala sya!

"Goodmorning, Janine." Right now, andito ako sa bar nila Sky and Rain. Hell yeah, meron sila. Agang aga andito agad si Janine. Waiting for Sky. Good thing. Kanina ko pa tinatawagan si Elena pero di siya sumasagot. Nagaalala na ako. Wala din siya sa bahay nila.

"Goodmorning, Nathan." Then she smiled sweetly. Hindi maikakailang maganda talaga si Janine. No wonder kung bakit baliw na baliw si Sky sakanya. "Agang aga, parang ginasumot na papel 'yang mukha mo. Anyare?" Paguusisa naman nya.

"Ah..eh.. Si Elena kasi, hindi ko mahanap. Hindi din sya sumasagot sa tawag ko."

"Akala ko ba sa iisang condo lang kayo?" Usisa naman nya. Hindi ako sumagot. Napansin naman ata ni Sky ang pagnguso ko kayac inagapan na nya agad ang tanong ni Janine.

"Akala ko ba ay tinawagan ka ni Elena kanina?" Sky asked her. Siniko naman sya nito kaya napa-aww siya. Tsk.

"Ah. Yeah. Nasa cemetery sya. Kung saan inilibing ang baby nya, I mean nyo at ang mama nya." Inis na sabi ni Janine at inirapan si Sky. Bahala kayo dyan.

Umalis na ako para puntahan si Elena. Nasa may pintuan ako nung may narinig ako.

"Antanga mo, Sky! Iniiwasan nga nung tao si Nathan eh! Tsk." 

Now, I know.

-

Nakita ko na sya. Nakatalikod sya sa kinatatayuan ko. Pero rinig na rinig ko ang mga paghikbi nya.

"Mommy, bakit ang sakit? Wala naman akong kasalanan ah? Bakit ako pinaparusahan ng ganito?" Humahagulgol na sabi nya. "Baby, I'm so sorry. Kung alam ko lang.... sana ay nagingat pa ako." Tuluyan na nyang sinapo ng kamay nya ang mukha nya at humagulgol na ng tuluyan. Oo, fetus palang ang anak namin, pero napagdesisyunan namin na ipalagay sa tabi ng puntod ni Mama, ibig kong sabihin ay mama nya ito.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumuhod na ako sa likuran nya at niyapos sya. Alam kong galit sya saakin. Pero eto lang ang alam kong paraan para mapakalma sya.

"Hush now."

Napatingin naman sya saakin at halatang nagulat sya. Itinulak nya ako ng bahagya pero madyado akong malakas kaya hindi nya nagawa.

"Anong ginagawa mo dito?" Mariin na tanong nya. Mugto ang mata nya. Namumula ang ilong nya.

"Pinuntahan ka. Dapat ay nagpapahinga ka. Baka makasama sa iyo ang pagpapagod. Kailangan na nating umuwi."

"Wow. Concerned? Just go." Pagmamatigas nya.

"No. Hindi ako alis hanggat hindi ka umuuwi." Makulit ka? Mas makulit ako.

"Whatever." Itinulak na nya ako ng tuluyan at tsaka umirap saakin.

"Aaahhh! Let me go!" Sigaw nya. Paano ba naman ay binuhat ko sya na para sako ng bigas.

Pinagsususuntok nya naman ag likod ko. Masakit. "Wag kang malikot! Baka mahulog ka!" Singhal ko naman sakanya. Natakot naman ata kaya tumigil na sya.

Makalipas ang ilang sandali, naisakay ko na sya sa sasakyan ko. Wala syang kibo.

"Elena." Pambasag ko sa katahimikan.

"Nathan, If you're going to ask for one more chance. You know my answer. Let's just stop this shit." Malamig na sabi nya. Ayoko. Ayokong itigil ito. Siguro ay may pagkakamali ako. Pero papatunayan ko ang sarili ko. Mamatay man ako.

"Just please, Elena. Let me love you. Allow me to prove myself. Please." Kumawala na ang luha ko. Damn it! Ayokong magmukhang mahina, hindi ako ito. Pero langhiya! Napana nga ata ako ni kupido.

Nakita ko ang paglipat nya ng tingin sa akin. I looked straight into her eyes and pleaded. "Please, Elena. Iloveyou. Let me prove myself. Mahal na mahal kita." She smiled, teary eyed and nodded. "Basta..wag mong sisirain ang pangalawang pagkakataon na ibibigay ko." And with that, I hugged her.

"Thank you." I whispered and kissed her forehead.

-

Badtrip! Iniwan ba naman ako ni Elena. Siguro ay nagseselos. Ambilisbnya maglakad. Lintek namang mga babae'to.

"Hey. Bitaw, Alyanna." Iritadong sabe ko dito sa nakapulupot sa braso. Darn. Bangasan ko ito e. Kung hindi lang ito babae.

"Alyanna?! It's Aleena! Aaahhhh!" Ouch. That hurts. Nagulat naman ang iba pa sa pagsampal saakin nung Aleena.

Ginamit ko na ang oportunidad para makalayo at mahabol ang mahal ko. May mga sumunod padin naman.

Hinapit ko kaagad ang bewang ni Elena, at hinalikan ang kanyang pisnge. At nagsign ako ng 'Stop' para sa mga sumunod sa akin. Tumigil naman sila.

"Starting today, this girl is mine. I am officially courting her."

Revenge of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon