Escaping Hell (SPIRIT SERIES II)

101 10 142
                                    


"No one wants...

No one wants to be get killed.

No one wants to die.

No one wants to be in hell.

No one wants to stay there forever and yell.

No one wants pain.

No one wants injustice death.

No one wants a soul to be delivered in hell.

Everyone wants to Escape Hell.

Satan wants to play.

Let's play?

Who remains, on

Escaping Hell."

***

Nagising si Galaxies_Angel na init na init, parang nalalapnos ang kanyang balat at parang pinapaso siya ng walang hanggan.

Agad siyang tumayo sa gulat ng mapag tanto na nasusunog ang kanyang sahig na pinag kakahigaan, akala niya pag tayo niya ay hindi na siya mapapaso. Pero isa lang 'iyong akala, dahil tila parang nasusunog parin siya sa init.

"H-hello?" Takot na takot niyang sabi sa paligid na nasusunog. Wala 'kang ibang makikita 'kundi nagsisilakihang apoy na pumapaligid sayo.

Nasusunog parin ba kami ni raijinru sa loob ng paaralan? Sa isip-isip niya.

Ang tangi niya lamang naaalala ay ang salitang binitawan ni raijinru na may aaminin ito. 'Yon ang huli nitong sinabi habang pumapatak ang kanilang mga luha, hanggang sa niyakap nalang siya ni raijinru. At namalayan niyang sigaw na siya ng sigaw sa sakit dahil sa apoy n'on sa paaralang pilit silang nilalamon.

Hanggang sa sila'y nadala sa kamatayan.

"Ang tagal 'mong natulog, mahal na prinsesa." Nakakatakot na boses, na parang nagmula pa sa ilalim ng lupa. At ito ay boses demonyo.

Agad niyang hinanap ang pinagmulan ng boses, kahit na sobrang hirap na hirap sa init at pawis na tumatagaktak sakanya. Ng makita niya 'kung sino ang nagsalita, hindi na siya nasindak 'pang makita ito muli.

"Alexxenne..." Bulong ni Galaxies_Angel. Ngumisi si Alexxenne sakanya ng nakakakilabot.

"Welcome to my home, sweet home! Galaxies_ANGEL, welcome to HELL!" Sabi nito na may pag didiinan pa sa salitang 'angel' at 'hell'.

"Impiyerno???" Gulat na tanong ni Galaxies_Angel. Humalakhak si Alexxenne sakanya at sa isang iglap ay nasa harapan na siya nito. Bigla siyang sinampal ni Alexxenne at itinulak.

"Gaga! Anong inaasahan mo? Sa langit ka mapupunta?" Nanggagalaiti nitong sabi. Nag ngitngit naman ang ngipin ni Galaxies_Angel sa inis.

'Hanggang sa impiyerno ba naman, ganyan ugali mo. Talagang nababagay ka dito.' Wika ni Galaxies_Angel sa isipan.

"Sinabing wala nga akong kasalanan!" Sigaw sakanya pabalik ni Galaxies_Angel.

Escaping Hell (SPIRIT SERIES II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon