Nancy's POV
Ilang araw narin ang nakalipas. Ngayon gaganapin ang reunion ng batch namin at night swimming ang mangyayare. Marami ang pumunta at nang makita ko si Tracy ay bigla ko nalang naalala ang mga pangyayare ng ipakilala kami bilang magkapatid.
Hindi ko gusto ang nalaman ko hindi ko gusto ang mga pangyayareng nagaganap ngayon sa buhay ko. Bakit kailangan pang idawit niya ako sa problema ng pamilya niya.
"Ladies and gentlemen, hopefully nagustuhan niyo ang venue ng reunion natin. Gusto kong magpasalamat kay Nancy na siyang gumawa ng Invitation Card at kay Bien na nagsponsor at kay tracy na nagpadeliver ng invitation cards. Alam ko guys outsider kayo pero nandito yung mga mahal niyo kaya enjoy this night nalang"sabi ni melanie.
Oo nga outsider kami. Hindi bat 2 years ang bata namin sa mga nandito. Dahil malapit lang kami kay Melanie kaya kami napasama dito.
"France." tawag ko kay France pero di niya ako pinansin marahil dahil hindi niya narinig sa lakas ng tugtog.
Nakita ko namang nilapitan nito si Tracy. Argh.
***
Tracy's Pov"France?"nasabi ko ng nasa gilid na siya.
"Pwede ba kitang makausap?" tanong nito
"Pare, ano pa bang pag uusapan niyo?" sabi naman ni Panget
Ops. Magkasundo na uli kami balik na uli ang buhay ko sa dati.
"Okay lang naman." sabi ko at di pinansin ang sinabi ni Panget.
"Oy wait baboy ikaw talaga!" sabi nito pero hinarang ko lang yung kamay ko.
"Kaya ko na ito" sabi ko.
Lumayo na nga kami ni France. Gusto ko narin kasing magkaroon ng closure. Mayroon na nga siyang pakakasalanan at kapatid ko pa ayoko namang magkasira kaming dalawa.
"France tapos na tayo. Magpapakasal ka na at si Panget lang ang minahal ko. Pasensya na kung nasaktan kita sa mahabang panahon pero siguro hindi lang talaga tayo ang para sa isa't isa" sabi ko.
"Hanggang ngayon pala busted parin ako. Ikaw na nga mismo ang nagsabing masama ang maging unfair diba?" sabi naman nito.
"Di naman masama ang maging unfair minsan France. Subukan mo lang, kilalanin mo lang siya mahal na mahal ka niya at darating ang panahon na hindi mo na masasabing nagiging unfair ka sa nararamdaman mo. France, nadapa ka man kailangan mo paring harapin ang bukas para hanapin ang tunay na nakatadhana para sayo." sabi ko at umalis na nga sa harap niya.
Pinuntantahan ko si Gio.
"Malaya na ako Panget ko. Ansarap sa pakiramdam na pinalaya ko na ang matagal ng nangungulila sa pagmamahal ko. Panget, alam mo ba na ganun din dapat ang gagawin ko sayo dati. Papalayain na rin kita." sabi ko
"Kaso mahal din pala kita kaya wag mo na ituloy."
-----
"Isang car accident ang nangyare ngayon lang mula sa trafalgar avenue at kasalukuyan paring kinikilala ang lalaking sakay ng kotse"
BINABASA MO ANG
Destiny:Tracy Walter(COMPLETED)
Romance#28 seohyun #1 Greece Minsan ang mga bagay bagay ay talagang tinadhana ng mangyare. Kung magkakalayo man ang mga bagay na ito ay gagawa ang tadhana ng paraan upang muling pagtagpuin ang mga landas nila. Pero paano kung sa pagkikita nila ay hindi na...