CHAPTER 23

582 37 2
                                    


Sinusundan pa rin namin ngayon ang mga manika dala si Manong Bangkero. Iniwan muna namin ang aming kaunting nakuhang panggatong kasama na rin ang mga dala ni Manong bago pa man siya kunin ng mga manika.

Nagtatawanan pa sila habang akay-akay nila ang walang malay na katawan ni Manong. Anim silang nagtutulungang buhatin siya.

Makaraan ang ilang paglalakad, ay nakarating kami sa open field. Dito sila nagsasaya at nagsasayaw kahapon.
Ibig sabihin, andito din si Bea. Pero asa'n siya?

"Lawrence, napansin mo ba si Bea?", tanong ko sa kanya. Nasa halamanan kami ngayon. Nagtatago. Nagmamasid kung anong mangyayari. Umiling si Lawrence. Di niya rin nakita.

Maya-maya, inilapag na nila si Manong sa isang malaking malapad na mesa at kanilang pinalibutan. Nagpatugtog ang ilang mga manika. Ano 'to, party?

" Iyang tao na bang yan ang ating tanghalian ngayon?", rinig kong tanong ng isang manika na parang panda. Human-size, mapupula ang mga mata, may mahahabang pangil at claws. Iyong kausap naman niya ay parang masayahin, sumasayaw kasi at ngumingiti-ngiti. Isang barbie ulit. Pero di siya katulad ni Barbara. Maganda 'to, nakakaakit ang kagandahan, sexy pero alam kong mangangain din yan ng tao.

"Di ko alam. Siguro isang magandang palabas 'to para kay Reyna", sagot ng Barbie. Reyna? Sino ba 'yang reyna na kanilang tinutukoy?.
Tuloy pa rin ang kanilang sayawan at tugtugan. Di pa rin nagigising si Manong na patuloy pa ring natutulog. Napalakas ata yung pagtama sa kanya.

Makaraan ang ilang oras, pinatahimik ang lahat. Ipapakilala na ba nila ang kanilang Reyna?
Maya-maya, may dumating na babae. Nasa middle-age na ata. Naka-itim lahat ang kanyang suot: Dress, witch hat, pati din ba lipstick at kuko ?..at katabi niya si Bea na parang wala sa sarili. Tulala.

Madalim ang aura ng babaeng naka-itim. May hawak siyang tungkod na bungo.
" Mabuti nalang at sinabi ng batang ito na may susundo sa kanilang kasamahan. Plano pa sana nilang tumakas ah?.. Alam kong itatakas din nila si Gilberto!", nanggigigil niyang sigaw. Kaharap niya ngayon ang kanyang pinapagalaw na mga manika pati na rin si Bea. Naaawa ako kay Manong, nasali pa siya dito. Naaalala ko tuloy na may pamilyang nag-aantay sa kanya. Patuloy pa rin kaming nakikinig sa mga sigaw ng babaeng nakaitim, parang ito na ata si Malucia.

"Gusto kong ang batang babaeng 'to ang papatay sa lalaking yan! Itatakas nila si Gilberto!", sigaw niya ulit. Naghiyawan naman ang mga manika. Nagagalak sa pagpatay ni Bea kay Manong. Si Manong na wala pa ring malay.

Ibinigay ng isang manika ang matulis na kutsilyo kay Bea. Agad naman niya itong tinanggap. Bea? Mamamatay tao ka na rin ba?. Ngumisi ang babaeng nakaitim at ang mga manika. Nag-aantay ng palabas.

At itinutok na ni Bea ang kutsilyo...

ISLAND OF DOLLS  ✔️ (Now Available in Good Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon