paglisan
Mahal, nalalapit na ang iyong paglisan,
Nalalapit na ang bagay na susubok sating katatagan
Hawak mo ang kamay ko at hawak ko ang kamay mo
Sa iyong paglisan, pangako ang kapit koy aking hihigpitanIlang buwan na lang at ikaw ay mag papaalam,
Aalis ka sa aking tabi para tuparin ang iyong inaasam
Nangangamba, nanlulumo, at natatakot man ang puso
Sa iyong paglisan ako ay hindi susukoIlang milyang distansya man ang nakapagitan sa atin
Mahal, pakiusap, tiwala ay wag sanang wasakin
Sa bawat pagsubok na ating malalampasan
Pinapatatag nito ang ating samahanPabaon ko sayong pag alis ay ang aking puso
Sana ay ingatan mo ito at wag isusuko
Sa tawag ng tamis ng kamunduhan,
Mahal, wag mo sana akong kalilimutanPikit mata lahat ng temptasyon aking lalabanan
Dahil alam ko nangako ako noong ikaw ay lumisan
Kaya mahal, sa nalalapit mong pag alis
Huwag sanang kalimutan ang ating ala-alang matatamis.