One

23 0 0
                                    


Having real friends is like having an additional family. Yan ang tingin ko sa mga kaibigan ko. Sabay sabay kaming umuwi galing school. Tawanan at asaran ang ginagawa namin. I guess we won't get tired of each other.



"Bokya ka na naman sa chemistry, Kev." Asar sa kanya ni Julia kaya ayun tinignan siya ng masama ni Kevin pero tinawanan lang siya ni Julia.




"Parang tanga lang si Kev. Hindi gagana yang tingin na yan. Sa iba oo, takbo agad kapag nakita ka. Bully kasi!"




"Wag mo na ngang inisin si Kev, babe. Halikan kita dyan para matigil na ung bibig mo." Sabi ni Justin na ikapula ng mukha ni Julia sabay takip sa bibig. Kaya tawa kami ng tawa.



Justin always got Kev's back. Iinisin din niya si Julia at bibiruin ng ganyan. Well, we know that Julia likes Justin. Pero itong si Justin, parang bulag di lang makita yung obvious na obvious na reaction ni Julia kapag sinasabihan niya ng ganyan. Kev and Justin are already friends before they met us. Kaya ayan, hindi sila mapaghiwalay. Kung hindi lang namin kilala ang dalawang yan, matagal na naming inisip na baka isa sa kanila ang bakla.




"Yun lang pala ang kailangan para mapatahimik mo si Juls." Sabi ni Kev. Inakbayan naman ni Justin si Kev.





"Syempre gustong gusto kita kaya gagawin ko lahat para sayo." Pangagaya ni Justin sa mga babaeng nahuhumaling kay Kev. Ewan ko ba sa mga babaeng mga yun kung bakit patay na patay sila kay Kev. Ordinaryo naman ang mukha ni Kev para sa amin.




"Nakakadiri ka, Justin." Natatawang sabi ko sa kanya. Tawa naman ng tawa sa tabi ko si Mark na komportableng nakaakbay sa akin. Feeling naman niya hindi mabigat ung kamay niya. Nasasanay sa kakaakbay at sobra kung makayakap. Pero syempre childhood friends kami kaya ok lang. I also hug Justin and Kev so nothing is wrong about that. For me, Kev, Justin and Mark are already part of my family. Syempre including Juls.




Kinurot ko sa pisngi si Mark kaya ayun kinurot din ako sa pisngi.




"Bitaw" sabi ni Mark nang hindi niya makayanan yung pagkurot ko sa pisngi. Napabitaw na siya, in short, natalo siya sa kurotan contest namin. Hindi ko pa din siya binitawan kaya ayun kiniliti niya na ako nang kiniliti hanggang sa mabitawan ko ung kamay ko sa pisngi niya.



Tawa naman ng tawa ang mga barkada namin sa amin. Pulang pula na naman ung pisngi niya nang dahil sa akin. I won again.



"Baka magkadevelopan kayo ah." Sabi ni Justin tas kinindatan si Mark.




" That's the funniest joke I've ever heard." Sabi ko sabay tawa. Yinakap ko naman si Mark pero parang nanigas ung katawan niya.



" Inaatake ka naman ba nang hika mo? " bulong ko sa kanya pero umiwas lang siya nang tingin at pagkatapos ng ilang minuto pinisil ulit ang pisngi ko.




"Ito?? Magugustuhan ko?? Aba sobrang swerte naman niya. Sa gwapo kong ito! Ang manhid mo, Ana." Sabi niya pero hindi ko narinig yung huling sinabi niya kasi nakafocus ung tingin ko sa isang babae na nakasuot  ng long sleeve at jogging pants habang dala dala ung maleta.



Isa lang ang nasa isip ko, napaka impossible na bumalik siya. Napaharap siya sa amin at kumpirmado ko na siya nga si Kimberly, ang kaibigan namin na nang iwan. Napalingon na din ung iba kung saan ako nakatingin. Alam ko na hindi lang ako ang nagulat sa pagbabalik niya. Lahat ng tawanan ay nabuo ng katahimikan.

"Kimberly, pumasok ka na para makapagmeryenda ka na. Baka magalit yung tatay mo."



Hindi siya nagsalita at hindi din ngumiti. Parang estranghero lang kami na napadaan kasi wala akong mabasa sa mukha niya. Walang gulat, saya, o lungkot sa mga mata niya. Sobrang blanko.



At saka tatay? Ang pagkakatanda ko namatay ang tatay niya tatlong taon bago sila umalis sa lugar na ito. Siguro nag-asawa ulit ung nanay niya. And why am I acting like this? Like I still care for her. Oo, gaya nila Justin at Mark, kami ang unang nagkakilala at naging maging kaibigan. Kaya nasaktan ako kasi pati sakin wala siyang sinabi.



Masayahin siya at maingay simula bata kami kaya naging komportable agad ako sa kanya at iba pa. Yung tawa niya ay nakakahawa kaya sobrang saya namin tuwing kasama siya noon. Pero iba na ngayon, kahit wala siya masaya pa din kami. At sisiguraduhin ko na hindi na ulit masisira ung pagkakaibigan naming ito kahit dumating pa siya.




Pero alam mo yang kahit umalis siya nang walang pasabi, hanggang ngayon nagtatampo ka pa din sa kanya. Kasi may utang siya sa akin. Kailangan ko nang sagot kung bakit kahit ako hindi niya napagsabihan.




I always tells her everything. When I said everything, even small things of my life. Hanggang ngayon, kahit hindi na kami magkaibigan, hangad ko na sana maging masaya siya ngayon.




I am happy with my friends right now. Siya ang dahilan kaya ako nagkaroon ng mga kaibigan ngayon. And I am still grateful of that. Pero hanggang doon nalang yon. Hindi na mababago na umalis siya nang walang paalam.





I guess, only us who valued that friendship. Kasi siya, sobrang dali naman kaming mapapalitan. She's very friendly at funny, for sure sobrang madami niya nang bagong kaibigan. And we're not part of time. I hope she  already learn what is the meaning of friendship.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Childhood friendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon