Dedicated to etskcyieee. Sana magustuhan mo. Harhar! Powerhug~ Sabihin mo lang kung nagustuhan mo or hindi. Haha~
---
Ako si Kcyla, for short. Pero kung masipag ka naman, pwede ring Krishney Cyara Laine ang itawag mo sa akin. Hindi naman sa pagyayabang pero ako talaga ang pinakamaganda sa klase namin. Ako ang muse at kapag may mga pageants inside or outside the school, isa ako sa mga nagiging contestants. Maputi ako at makinis. Mahaba ang buhok at medyo wavy sa ends. Natural waves 'yun. May dimples ako sa magkabilang pisngi at wala akong eyelids, dahil medyo singkit ang mata ko. Friendly akong tao at natagurian na ring campus sweetheart ng school namin. Kung may popularity contest lang sa school namin, malamang, isa na ako sa mananalo. Kaibigan ko ang lahat. Well, except sa isa.
Vaine Avery Gutierrez. Siya ang president ng Art club at Math club. Parang dinaanan ng isang tropa ng manok ang buhok niya. Para siyang bagong gising kapag pumapasok sa school. Matangkad siya. Medyo tan ang kulay ng balat. Expressive na mata. Gwapo siya. Ang mature tignan at authoritative ang boses at tindig. Masungit. Nakasalamin siya, at masasabi kong isa siyang malaking geek sa Science, Math at English. Pero in fairness, hindi nababawasan ng pagka-studious niya ang kanyang kagwapuhan.
Well, active rin naman siya sa extra-curricular activities. Naglalaro siya ng chess, badminton, tennis at paminsan-minsan, nagba-basketball rin siya. Sikat din siya sa school lalo't running for valedictorian siya sa batch namin, at recently, nakapasa siya sa UPCAT. Edi nasa kanya na ang lahat.
Mabait naman ako sa kanya at madalas ko siyang batiin nang good morning, pero ang bad-bad niya sa akin. Ewan ko nga kung bakit ang init-init ng ulo niya kapag nakikipag-usap ako sa kanya o kaya sa mga kaibigan niya. Eh sa friendly akong tao eh.
Tulad na lang ngayon. Trigo ang next class namin at busy ako sa pagmi-memorize ng formulas ng sine, cosine, at tangent, dahil may long test kami. Nakalimutan ko ngang may quiz pala kami ngayon sa Trigo eh, kaya todo ako sa pagre-review ngayon.
"Hoy Lawrence, ano na ulit 'yung fomula sa pagkuha ng sine?" tanong ko doon sa seatmate kong si Lawrence, habang nagkakamot ng ulo. Matalino rin kasi siya, at sigurado akong nakapag-review siya. This is one of the perks of cramming. Hay naku. Bakit ba napakamakalimutin ko na? Baka nawili lang ako sa panonood ng Adventure Time kagabi. Ang cute kasi nina Finn at Jake eh. Haha.
"Hay naku Kcyla, hindi ka na naman nag-review," aniya habang umiiling pa at nakakunot ang noo. Napanguso tuloy ako. Nakalimutan ko nga na may quiz ngayon eh. Huhubells.
"Sige na, please. Nalimutan kong mag-review kagabi eh," ani ko habang naka-puppy eyes pa sa kanya. Magaling akong magpa-cute kaya madalas napagbibiyan ang mga requests ko. Nagbuntong-hininga siya at iniabot sa akin 'yung notebook niya, habang kumakain siya ng brownies.
"Thankies forever and ever, Lawrence," ani ko habang nakangiti. "Labyu."
"Nakakainis."
Bigla akong napatingin sa likuran ng upuan ko nang biglang magsalita ang pinakanakakakilabot na boses na narinig ko sa tanang buhay ko. Nakatingin siya nang masama sa akin habang nakasandal doon sa armchair niya. Napalunok ako nang wala sa oras. Umirap siya kaya agad akong napayuko. Hindi ko ba nasabing seatmate ko rin si Ave? Nasa likuran ko siya at hindi ako nagpapasalamat doon. Kapag nagtatanong ako kay Lawrence, sinisita niya ako, kaya madalas akong napapahiya sa klase. Ewan ko. May grudge yata sa akin 'tong Avery na 'to. Sumimangot na lang ako at humarap kay Lawrence na nagpipigil nang tawa.
BINABASA MO ANG
Nakakainis Kasi... (One-Shot)
Teen Fiction❝ Naiinis siya dahil gusto niya akong halikan?! ❞