Voice Message
White Shirt sent a voice message.
I tap the screen.
"Hello Cess! Kumusta?"
Napailing ako at nagpatuloy sa pagsusulat. Ayan na naman si White Shirt at nagsesend ng mga voice messages sa facebook. Buti na lang may free WiFi dito sa school namin kaya nakakapag-internet ako sa cellphone.
Sino si White Shirt?
Malay ko. Tanong niyo kay Batman. Dahil kahit ako, hindi ko siya kilala. Basta lagi na lang niya akong kinukulit sa chat. Hmm, mga isang linggo na rin siguro. Tinanong ko siya kung sino siya pero hindi niya naman sinasagot yung tanong ko.
White Shirt (1 Message)Ayan na naman siya. Messenger lang gamit ko.
Pag-pindot ko,
White Shirt: Oy.
Nilagay ko na lang uli sa bulsa yung cellphone ko at sinaksak yung earphones ko sa magkabilang tenga. At kahit maingay ang paligid, naririnig ko pa rin ang halakhak ni Win sa unahan. Unti-unti na akong napapangiti.Ako nga pala si Cess, isang typical highschool girl. At si Win? Siya yung crush ko. First year highschool pa lang kami, crush na crush ko na siya. May matangos siyang ilong, mapupulang labi, bilugang mga mata at may katangkaran din. Maingay yan, sobra. Halos lahat ng mga kaklase ko ka-close niya, maliban na lang siguro sakin.
Tahimik kasi akong babae. Ako yung tipong boring kausap, walang masyadong kaibigan. Kaya siguro hindi ko naging close si Win.
Nagulat naman ako nung mapatingin siya sa direksyon ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Nakakakilig pa kasi pareho kaming nakasuot ng earphone.
Ang hot niya lang tignan sa suot niyang white shirt.
Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan mula dito sa kinauupuan ko. Kung paano siya tumawa, jusko... hindi niya lang alam na may isang tao dito na halos mabaliw sa ginagawa niya. Kanina pa nga sila nagtatawanan ng barkada niya e. Ang gwapo niya talaga.
Inub-ob ko yung sarili ko sa desk para matulog na kaso natigilan ako nung mag vibrate yung cellphone ko. Pagtingin ko,
White Shirt sent a voice message.
Asar to ah."Ang cute mo talaga.." Hindi ko alam pero nag-init na lang bigla yung pisngi ko sa sinabi niya. Napangiti naman ako.
Sa totoo lang, nakakaramdam ako ng kilig 'pag naririnig ko ang boses ni White Shirt. Kahit na hindi ko siya kilala. Kakaiba kasi yung boses niya e. Yung tipong pang-hunk talaga este feeling ko ang gwapo niya. Ang hot kaya ng boses niya.
Ngiti lang ako nang ngiti. Wala naman sigurong makakapansin sakin dito sa classroom. Busy-busyhan kami dito e, wala kasi yung teacher. Pero pag-angat ko ng ulo, sakto ring nagkatinginan kami ni Win pero yumuko rin siya agad at nag-cellphone ulit.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Lunch break at mag-isa lang akong kumakain sa classroom. Nakasaksak pa rin yung earphone sa tenga ko. Habang sumusubo ako ng pagkain, nagfefacebook ako. Pumunta ako sa profile ni Win. Ang gwapo niya talaga. Ang dami niya pang likers sa facebook.
