Chapter 2: The Honor Students

143 2 0
                                    



Nang maka-alis na kaming dalawa ni Nathan sa paaralan ay hinatid n'ya na ako sa bahay para kami ay makauwi na.

"Oh andito na agad kayo?" si Nanay habang nag luluto para sa hapunan.

"Oo nga po eh" ani Nathaniel.

"Ahh nga po pala 'Nay kailangan mo daw pong mag punta ng paaralan para mapag usapan ang tungkol sa paparating na Graduation Day. Dahil 4th Honor ako sa School,"

"Ay wow anak, nakaka-proud!"

"At si Nathaniel naman ay ang 1st Honor ng school,"

"Wow, Do! Antalino mo talaga Do! Sigurado akong proud na proud sa iyo ang 'yong mamang mo kapag nalaman ang iyong makukuha. Ang galing n'yong dalawa!" Pasigaw na sabi ni Inay.

"Salamat po!" sabay naming sabat ni Nathan.

Pag tapos namin kumain ay umuwi narin naman agad si Nathan para masabi na agad ang balita sakanyang kamag-anak.

Message Received
From: Nathan BF(Bestfriend)
"Heyyy! Natuwa si Mamang sa natanggap na Balita!"

Kinuha ko ang Nokia ko at nakita ko ang message ni Nathaniel.

Sending Message
To: Nathan BF(Bestfriend)
"Malamang! Ofcourse! Syempre matutuwa 'yan alangan namang lumungkot payan e wala ng mas tataas pa sayo! Duhh."

messaging...

*toot toot*

Message Received
From: Nathan BF(Bestfriend)
"Hays! Kahit kailan wala ka
talagang kwentang kausap! Psh.
Paano nga ba kita naging kaibigan?
Hahaha!"

Buwisit 'to.



Nathaniel's point of view.


Sending Message
To: Arminda Cute <3
"Hays! Kahit kailan wala ka
talagang kwetang kausap! Psh.
Paano nga ba kita naging kaibigan?
Hahaha!"

Nakakainis talaga 'to kahit kailan. Psh.

"Anak sino 'yang kausap mo? Girlfriend mo 'yan ano? Yieeee!"

"Ano kaba 'nay? Si Minda lang 'to. Hehe."

"Ahh si Minda. Alam mo? Matagal ko ng nakikita yan si Minda, s'ya ba ang girlfriend mo? Para bang kaibigan to forever? Ay!" malakas talaga mang asar itong si Mamang psh. Pero minsan nakakatuwa rin ang asar n'ya.

"Hehe! Hindi po Mamang. Kaibigan ko lang talaga s'ya bata palang. At tsaka paano ako mag kakagusto sa babaeng 'to e parang s'ya pa nga ang gugulo ng buhay ko, parang kaibigan to enemy ba!"

"We? Totoo ba? Siguraduhin mong mapapanintigan mo 'yan anak ha. Baka hanggang sabi kalang. Mahirap 'yan."

Hays. Badrip lahat nalang sila asar ng asar. Simula kaklase ko hanggang kay Manang mapangasar sakin na gusto ko raw si Arminda? Hindi ba nila iniisip na swerte s'ya kapag naging kami.

Si Arminda ay kaibigan ko. Closest friend kumbaga.

At wala ng iba pa. Masyado lang talaga silang over acting.

Message Received
From: Arminda Cute <3
"Huwaw! At parang ang lumabas pa rito ay mas swerte kapa sakin? Sino kaya ang unang nakipag kaibigan diba? DuhHhHhH!!!!!!!!!"

'Di iyan galit. Promise! OA lang din talaga 'yan.

Gabing gabi na at inaantok na ako, tinabi ko na ang cellphone ko sa cabinet para makatulog na. Maaga pa kasi ako gigising bukas dahil Sabado na.

zZz...

*triririring...* *triririring...*

Time Check: 4:52 A.M.

Hayyyy! Umunat muna ako ng katawan ko at naghanap ng idadamit sa cabinet, nang makahanap na ako ng isusuot ay agad ko itong inilagay sa kama at inistand by lamang.

Bumaba na ako at dumiretso sa hapagkainan dahil gising na si Mamang kaninang alas 4, ayon sa kanyang sinabi.

Inaantok antok pa ako dahil andami ko nga namang ginawa kahapon. Kapagod!

"Kain na Iho" sambit saakin ni manang na animoy kukuhaan ng plato't kutsara at tinidor.

"Sige mo Mang!", masigla't masaya kong sigaw sakanya.

Ansaya lang!

Pag katapos ko kumain ay umakyat na ako sa kwarto at ni-lock ito.

Maliligo na ako ag mag sisipilyo para mas madali at mas oonti ang aking gagawin. At ng matapos naman ako maligo at dumiretso na ako sa kama at itinerno muli ang mga dami na dapat kong susuotin sa araw na 'to.

Pagbaba.

"Nathan!", may masayang babaeng sumigaw sa aking ibaba, kahit anong singhal at sigaw n'ya riyan ay kilala ko parin naman s'ya.

Si Arminda.

"Oy Minda.", pag tawag ko sakanyang pangalan at lumingon ako ako sakanya.

"Hehe. Ano na? Yung usapan?", pag papaalala n'ya saakin.

"Oo. 'Di ko nakakalimutan iyon."

"Wiw. Umagang umaga sungit na sungit ka riyan? Ampangit naman yata ng panaginip mo?"

"Tinatanong paba 'yan? E halos araw araw namang pangit ang tulog ko. Hays!

"Tara na nga!", at nag punta na nga kami sa dapat na pupuntahan.

----------
up next: chapter 3

Friends not ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon