Just You 14

63 1 0
                                    

~Continuation:

Agad siyang tumayo dahil nga sa pag-kakatulak ko sa kanya.

Ang pwesto ba namin? Ako naka-paharap sa kanya habang siya naman naka-tukod sa likod ng inuupuan ko, dahilan para mabilis ko lang siyang ma-itulak.

Pero hindi naman kalakasan ang tulak ko sa kanya ano?, ang laki-laki ng katawan niya kasi. Matutulak ko ba siya ng basta-basta? Haaaayy.

Noong nakatayo na siya ng maayos mula sa pag-kakatulak kong iyon sa kanya ay agad naman siyang lumingon sa akin. Nakakunot ang mga noo niya sa direksyon ko.

"Huh. Ang lakas rin ng loob mo huh? Eh sa nawala ko nga yung ballpen ko! Kaya nga nanghihiram ako diba Miss?!" Sigaw niya pa sa akin.

Ang mga kaklase ko naman, ito, bulungan na naman ng bulungan parang mga bubuyog. Hmmmp! Nakakainis, bubuyugin ko mga nguso nila eh ano?! T__T

At alam niyo ba na, ngayong year lang ako na-ireport sa office?! At hindi pa rin alam nina Mami at Papi iyon, pati na rin si Miles! Naguiguilty ako tuloy sa ginawa kong iyon! Arrgh!!!

Hanggang ngayon naka-paharap pa rin ako sa pa-cool na lalaking ito. Nakapa-facepalm lang naman ako sa kanya at inayos ko muna ang pag-upo ko saka ulit sumagot sa kanya.

"Hindi ko na problema kung nawala mo yung ballpen mo! Lumayas ka na nga dito! Panggulo ka lang naman! Sa iba ka na lang manghiram, dahil wala akong panahon para mag-pahiram ng mga gamit ko SA.IYO! Alis!" Natataeng sabi ko sabay nginitian ko siya ng fake at umirap pamula sa kanya sabay humarap na ako sa blackboard at kinopya na yung mga lectures na gagawin namin.

Wala naman rin akong interes dun. Masasayang lang ang oras ko doon sa lalaking 'yon.

Pero, habang kumokopya ako. Dinaldal naman ako nitong katabi kong si Mariel.

"Ano bang nangyayari na sa iyo Daisy? Ang sungit sungit!" Naiiritang sabi sa akin ni Mariel.

Sa sinabi niya sa akin, ay napataas na lamang ang isang kilay ko. At saka nag-salita.

"Wala na akong paki-alam." Sagot ko ng pataray na taas-baba ang kilay. Pag-kasabi ko noon ay nag-sulat na kaagad ulit ako ng mga lectures namin.

***

DRAKE'S POV:

"Class, since Thursday ngayon at wala pa ang mga advisers niyo," sabi sa amin ni Teacher Gomez, isa sa mga teacher ng mga 2nd years. "Lecture muna ang ipapagawa ko sa inyo, nag-iwan naman ang mga advisers niyo ng lectures at lessons niyo eh." Nag-tataka rin ako kung bakit wala ngayon yung mga third year advisers. -.- "So here's the papers. Where's the secretary?"

"May I borrow a ballpen?" Dagdag pa ni Teacher.

Nung pag-katayong-pagka-tayo palang ng secretary namin, ay kinuha ko na yung notebook ko at saka, Huh? Wait? Nasaan yung ballpen ko? Iisa-isa na nga lang yun? Mawawala pa? Amputcha, mamatay na kumuha ng ballpen ko!

"Okay class, since may lecture na kayo. Pupunta lang ako sa next class ko huh? Be quiet!" Sabi pa sa amin ni Teacher sabay alis niya na sa room namin.

"Yung ballpen ko?!" Inis na sabi ko sa sarili ko habang hinahanap ang nawawalang ballpen ko. "Ano ba yan! Pati pa ba ballpen ko eh mawawala?! Ka-isa-isa ko na nga lang yung ballpen na yun eh!" Sabi ko pa sa isip ko.

Nag-susulat na ang secretary namin at hanggang ngayon wala pa rin akong magagamit na ballpen.

Lumingon-lingon muna ako saglit.

At dahil na rin nga sa matalinaw ako,

Pag-kalingon na pag-kalingon ko palang ay nakita ko na si Ms. Hot-tempered na ang daming reserved na ballpen sa bag niya. Sa may bandang likod niya kasi ako nakapwesto doon sa may second row. Kaya naman kitang-kita ko ito kahit na nasa harap ko siya, may mga pagitan kasi ang mga seats namin dito.

Just YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon