Lue's Pov:"Iho, pabili ako ng dalawang banana cue"
"Opo.."
Agad ko nang ikinuha ng dalawang banana cue si lola Isay......
Suki ko na siya dito sa pagbebenta ko ng banana cue.
"Ito na po lola Isay"
Iniabot ko sa kanya ang dalawang banana cue na nakalagay sa supot.
"Salamat Lue....oh eto ang bayad ko keep the change na rin."
Nakangiting wika nito sabay abot ng Bente pesos.
"Naku!! Salamat po!"
Pasasalamat ko dito.
Matapos kong mabentahan si Lola Isay ay nagsimula na akong maglako sa iba pang bahay.
Kailangan ko makabenta ng marami para may maipangbili ako ng mga sahog ko sa pagluto ng banana cue at ng makakain na rin para sa loob ng isang araw.
Mahirap lang ang buhay ko kaya kailangan kong magpursige sa pagbebenta ng banana cue. Ito lang naman kasi ang trabaho na maaari kong gawin. Tsaka sumaside line din naman ako ng iba pang trabaho. Hindi kasi ako nakapagtapos ng college dahil mahal ang tuition. Pero swerte ko na rin dahil nakapagtapos ako ng highschool. Hindi naman sa nagyayabang pero matalino talaga akong tao. Pwede nga akong maka kuha ng scholarship sa mga prestihiyosong mga paaralan, kaso mas pinili ko munang magtrabaho para makaipon na rin. Kahit naman scholar ako eh may mga bagay pa rin na dapat ako ang gumastos. Tsaka bata pa naman ako noh! 19 palang ako.
"Haisst!!!"
Wika ko habang nag-iinat. Sa wakas naubos na din ang benta ko.
Kung sineswerte ka nga naman! Ahahaha.....
Ay!! Hindi papala ako nakakapagpakilala.
Ako si Lue Sanvedra, oh diba ang ganda ng pangalan ko! Pangmayaman ahaha.....
Isang simpleng mamamayan sa bansang Pilipinas.
Mag-isa na lang ako sa buhay........matagal nang namatay si papa, samantalang si mama.....ayun wala akong balita. 10 palang ako noong iniwan niya kami ni papa. Solong anak lang rin ako kaya wala talaga akong maaasahan sa buhay kundi ang sarili ko, buti na nga lang nandito ang kaibigan kong si Caloy.
Maaasahan din naman yun kahit papaano ahahaha.
At dahil ubos na nga ang paninda ko. Nag decide na akong umuwi.
Sinimulan ko nang bagtasin ang daan pauwi sa maliit kong bahay.
"Ooy!! Lue!!"
Rinig kong sigaw ng isang tinig.
Agad ko namang tiningnan kung sino ito. At nang makilala ko kung sino yun ay napangiti ako.
"Oy Caloy!"
Bati ko rito. Nginitian rin niya ako.
"May natira pa ba?"
Tanong niya sakin sabay hablot ng dala kong basket na pinaglalagyan ng mga binebenta kong banana cue.
"Ahaha naubos na Caloy! Nahuli ka nanaman kasi eh."
Sabi ko rito....
Napasimangot tuloy ito, samantalang ako eh pinagtawanan na lamang siya.
Adik sa banana cue yang loko eh.
"Pauwi ka na ba?"
Tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Crazy Adventure of Lue
FantasiHindi talaga ako magaling sa description..... So basahin niyo na lang ahehehe