Kabataan

39 0 0
                                    

Ito na naman tayo,magpapatahi na naman nang gown para umabay kay Krystal,nakakapagod na.Isang kabinet na kaya ang pang abay niya.Ang mamahal pa.Bakit ba kasi nauso pa ang mga ganitong bagay,puwede namang mahdiwang na lang at kumain.

Hi Nicolle.Bati sa kanya ni Cris nang makita siya nito sa may sukatan ng damit. Si Cris na isa sa mga tropa niya.Ito at buntis na naman.Maid of honor ka na naman.dugtong nito sa bati sa kanya.

Oo nga at ikaw buntis ka na naman.tugon nito kay Cris.

Ano ka ba,sayang ang ganda kung hindi natin paparamihin ang lahi.Kaya ikaw mag asawa kana kaya.Dami nanliligaw sayo sinasayang mo ang blessing,sige ka magtampo sayo ang kapalaran at umayaw sayo mga lalaki.sabay tawa nito.

Hindi siya nakakatuwa.sabay ismid dito.Pano naman niya sasagutin ang mga lalaking nanliligaw sa kanya.Ni isa wala man lang matino.Iniisip pa lang niya na maging boyfriend ang isa sa mga ito alam na niya mamumulubi siya.Ramdam niya sa sarili niya na magiging taga LIBRE. Lang siya ng mga ito.Halos walang matinong trabaho lahat.

Ewan ba naman niya.Maganda naman ang posisyon niya sa company.Associate siya sa isang real estate,pero bakit walang nagkakagusto sa kanya ni isa mga sa engineer.

Sabi naman nila maganda siya.Pero alam naman niya na maganda talaga siya.Hawig nga niya si Alexandra De Rosi.At alam din niya sa sarili niya na hindi masama ugali niya.

May pagkasuplada nga lang siya"kibit balikat nitong naisip"pero kahit na,kung gusto ako gagawa ng paraan iyon para magsabi sakin.

Ate ikot ka po,kukunin ko ang size nang balakang mo.putol nang matanda sa kanyang pag iisip.

Hoi Cris,hindi ba pupunta dito ang bride.sabay tapik dito habang naniningin ito ng brochures.

Baka hindi na,sagot nito na tuloy pa din ang patingin sa brochures.kagagaling lang nila dito kahapon.

Kaya pala.sagot niya dito.Tiyahin kasi ni Cria ang maggagawa nang gown nila.Kaya binigyan nalang sila nang date ni Krystal kung kailan pupunta dito para magpasukat.At chaka suki na siya sa boutique na iyon,kaya kahit hndi siya sumabay sa karamihan kilalang kilala na siya.

San tayo after nito.tanong ulit niya kay Cris.

Ako?sabay tingin sa kanya.Uwi na ako girl.Masama ang pakiramdam ko.

Edie!sabay upo sa tabi ni cris.Ako na naman mag isa ang gagala.Nasan ba si Roselle,bakit hndi nagpunta dito.Alam naman niya na ngayon ako magpapasukat.

Busy iyon.Alam mo naman na isang taon pa lang ang anak noon.

Sabagay.kibit balikat niya sagot

Kung hindi abay sa kasal ninang ang role niya sa mundong ibabaw.

Pano.sabay linis nito ng mga magazines na tinitingnan nito.Tapos kana magpasukat.Una na ako.sabay lapit sa kanya para magbeso-beso.

Sige.Uwi na lang ako.aniya,sabay sunod na din sa paglabas nito.

Bye.Ingat pag uwi.

Nilakad na lang niya ang pag-uwi,halos sampung minuto lang naman at nasa bahay na siya.Nang papasok na siya sa gate nila.Napansin niya ang kanilang kapitbahay na ang iingay.Pinuntahan niya ito.

Isang matandang babae lang kasi ang nakatira dito.Lahat ng kamag anak nito nasa ibang bansa.At take note.Apo nang matandang ito ang kauna unahang lalaki na naligaw sa kanya.

Hi Nicolle.bati sa kanya ni Andrew pag labas niya ng gate nila.Tapat lang sila nang bahay kaya kitang kita siya nito pagnalabas siya.Nakaupo ito sa may teris nila habang hawak ang guitara.

WANTED BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon