Seulgi
Agad naman kaming pumunta ni Namjoon sa clinic. Iniwan na namin si Somi sa field dahil kailangan na daw niyang umuwi.
"Good afternoon po. Saan po yung patient na nainjured?" Bati ko sa nurse pagkarating namin sa school clinic.
"Pangalawang curtain Ms. Kang." Nakangiting sagot naman sa'kin ng nurse. Kilala na rin niya ako, dahil na rin siguro sa madalas akong napapadaan dito tuwing may estudyanteng nangangailangan ng first aid tuwing may emergency.
"Thank you."
Nang makarating kami sa itinuro ng nurse, nakita ko naman si Jungkook na nilalagyan nila ng ice pack sa binti.
"Jungkook! Anong nangyari sa'yo?" Umupo ako sa gilid ng kamang hinihigaan niya at nagpresentang ako na ang maglalagay ng cold compress sa binti niya.
"Seulgi noona, nabagsak ako habang tumatakbo kanina sa field. Mali yung pagkabagsak ko." Sagot niya sa'kin. Nakikita kong sobrang nasasaktan siya pero iniinda niya lang yung sakit. "Anong sabi ng doctor?" Nag-aalala din ako para sa kanya. Hindi lang dahil sa nalalapit na event, dahil na rin sa kaibigan ko siya.
"Parating pa lang siya noona." Nag-chuckle naman si Namjoon na nakatayo sa tabi ko. "Ikaw naman kasi Kookie, bakit hindi ka nag-ingat?" Pinitik niya si Jungkook sa ilong pero mahina lang. Puno ng pag-alala yung boses niya dahil katulad ko, kaibigan niya rin si Jungkook.
"Namjoon hyung naman e." Umirap pa siya kay Namjoon. Kaya naman napangiti na lang ako sa kakulitan nila.
"O siya, magpahinga ka na lang muna dito ah. Tawagan mo ako pag may kailangan ka." Sabi ko sa kanya. Nakita ko namang napangiti siya pero may bakas ng pagkahiya. "Salamat noona. Pero okay na ako dito. Nandyan naman yung nurse. Umuwi ka na dahil pagabi na rin."
Ginulo ko yung buhok niya. Parang kapatid ko na rin 'to e.
Paalis pa lang kami ni Namjoon nang dumating na yung school doctor kaya nagstay na lang muna kami para makibalita.
Pagkatapos ng ilang minuto ng pagtingin niya sa injured leg ni Jungkook, humarap siya sa amin ni Namjoon.
"Okay, so here are my diagnosis." Huminto muna siya saglit at tumingin sa papel na hawak niya. "Jungkook has plantaris strain. Ang plantaris ay yung manipis na muscle natin na nagsisimula sa femur hanggang sa foot heel. Luckily, hindi nadamage ang ACL or anterior cruciate ligament niya, which is the good news. Makakarecover siya ng mas mabilis compared sa ibang patients with similar case. Ngayon, kailangan lang siyang ilipat sa hospital for more medical exams including x-ray and
magnetic resonance imaging scan para masiguradong walang bones and other muscles na nadamage." Napatango na lang ako habang nakikinig sa sinasabi ng doctor. Mukha namang hindi masyadong malala ang condition ni Jungkook. "Any questions?""Doc, ilang days po ang itatagal ng recovery?" Tanong ko naman sa kanya.
Napahinga muna ng malalim ang doctor bago sagutin ang tanong ko. "I know he's an athlete. Well, the recovery depends on the improvement of the patient. The swelling may be gone after three weeks." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Siguro naman makakahabol pa sa event si Jungkook. "But I can't risk the chances na kailanganin niya ng surgery kung mamadaliin natin ang pagrecover niya. So I'm suggesting a complete bed rest for six to eight weeks."
SIX TO EIGHT WEEKS?!
"Doc, isang buwan na lang bago ang laban namin. Hindi pwedeng hindi ako makatakbo." Sabi naman ni Jungkook. Nakita ko yung kondisyon ng binti niya. Unti-unti nang lumalabas ang mga pasa at nadadagdagan din ang pamamaga. Iniwas ko ang tingin ko dahil nasasaktan ako para sa kanya.
"Jungkook. No, hindi ka magpaparticipate sa event." Ako na ang sumagot. Nabigla naman si Jungkook dahil sa biglaang pagdedesisyon ko. "Noona--" pinutol ko na ang sasabihin niya dahil alam kong hindi naman siya papayag. "Hindi. The decision is final." Naawa ako sa itsura niya. Alam kong ilang taon na siyang nag-uuwi ng gold medal sa school namin pero hindi ko pwedeng isantabi yung kalagayan niya ngayon.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Jungkook, okay lang kahit wala tayong gold medal sa track-and-field. Okay lang kahit ma-disqualify tayo kesa naman mas lumala pa yang sitwasyon mo." Naramdaman ko namang niyakap niya ako pabalik.
"Pero noona--" pinutol ko ulit ang sasabihin niya. Alam kong hindi siya magpapatalo. "Shh. Basta magpagaling ka. Next year, mananalo na tayo ng gold medal dahil magaling na ang star player namin." Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko. Ang cute cute talaga ng ilong nito-- este ng batang 'to.
"You may go now students. Darating na mamaya ang medical team ko, kami na ang bahala kay Jungkook." Kumaway na ako kay Jungkook at nagpaalam na rin kami sa doctor.
Nang makalabas kami sa school clinic, tsaka ko namalayang pagabi na pala. Tsaka ko lang din napansin na kanina pa tahimik 'tong kasama ko.
"Namjoon."
Lumingon naman siya sa direksyon ko. "Hmm?"
"Ang tahimik mo naman." Napatawa naman siya dahil sa sinabi ko. "Wala naman akong dapat sabihin Ms. Pres kaya tumatahimik na lang ako." This time, ako naman ang napatawa sa kanya.
"Sabi ko sa'yo Seulgi na lang e. Ang kulit mo talaga 'no?"
"Nakakalimutan ko e." Nagkamot pa siya ng batok niya.
Lumabas naman yung dimples niya dahil sa pagngiti niya."Paano na?" Tanong niya bigla sa'kin. "Ang alin?" Sabay kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa labas ng school.
"Yung event, kung wala si Kookie." Napaisip naman ako dahil sa biglaang pagtatanong niya. Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Ilang taon na rin kasing siya ang pambato namin sa track-and-field.
"Hindi ko rin alam, Namjoon."
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Siguro nag-iisip rin siya ng posibleng solusyon.
Ilang minuto ang lumipas at nakarating na kami sa harap ng subdivision namin. Nag-volunteer pa nga siyang ihatid na ako hanggang sa bahay pero tumanggi na ako.
"Ingat ka, Namjoon." Kumaway ako sa kanya habang naglalakad siya paalis.
Papasok na sana ako sa subdivision namin pero tinawag ako ni Namjoon. "Seulgi! Teka!"
Tumakbo siya palapit sa'kin. "Para kang baliw Namjoon. Kanina magkalapit lang tayo, hindi mo pa sinabi." Napakamot siya sa batok niya.
"Si Jimin." Anong meron kay Jimin? "Si Jimin na lang muna magsubstitute kay Jungkook sa intramurals."
"Ano?!"
Bakit si Jimin pa?
To be continued..
-•-
Sassy_mee
BINABASA MO ANG
Falling for the Park Siblings
Hayran KurguLove isn't really complicated, people are. Falling for the Park Siblings Sassy_mee ©All Rights Reserved