Nanlalamig na ata siya.

98 5 0
                                    

"Ba't ba hinde niya sinasagot?" Ibinaba ko na yung phone ko sa mesa at kinain yung parfait na inorder ko. Naging tambayan ko na tong Sweets-din-pag-may-time eh. XD isasama ko dito si Den minsan. Ay speaking of him!




Wednesday na, 8 na ng gabi at hinde ko malaman kung nasan ang leon. Nagpunta ako kanina sa school(kahit wala akong pasok) para sunduin siya pagtapos sa practice pero sabi ni Aqi, umalis daw agad si Den pagkatapos na pagkatapos ng practice. Pinuntahan ko siya sa unit niya pero sarado naman tapos patay mga ilaw. San nagsuot ang leon na yun? -_________________-




"Grabe, antumal pag gantong gabi na." Umupo siya sa harapan ko. "Suki ka na namin ah? Ba't ba hinde mo kasama si Den pag nagpupunta ka dito? San ba nagsususuot ang lalaking yun?"




"Ewan ko ba. Nanlalamig na ata siya sa'kin kaya iniiwasan na ko." Biro ko.




"ANO!? Imposible naman ata mangyare yun! Gago ba siya!?" Natawa ako sa kanya.




"Makapagreact ka naman akala mo hinde ka nanlamig sa'kin non." Napaiwas siya ng tingin. "Biro lang yun. Hinde ko alam kung nasan siya ngayon, magkasama lang kami kahapon eh." Nagdate lang nga kami kahapon eh. Pero ba't naisip ko yung birong nanlalamig na sa'kin si Den? Hinde kaya nagiging paranoid na girlfriend na ko!? O.O




Napatayo ako. "Oh, uuwe ka na? Hinde mo pa naubos tong parfait mo oh."




"Maglalakad-lakad lang ako. Baka sakaling makita ko si Den. Ba-bye!" At kumaripas na ko palabas.




Kawalaan mo ka Den? {Kawalaan mo ka = Nasan ka na}



**




Alas dyis na ng gabi at nagpapaikot-ikot na ko dito sa mainroad. Asan na ba ang leon na yun? Hinde ko pa din macontact. San ba siya nagsusuot? Damn. I give up, pagod at antok na ko. Uuwe na lang nga ako.




Kinabukasan..




"Hinde mo ba ko kakausapin ha? Nasan ka kagabi? Ba't hinde kita matawagan? Anong ginagawa mo kagabi!?" Itinunghay niya ang ulo niya mula sa pagkakaubob at tumingin sa'kin.

TLTL Book 2: She Tamed the LionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon