Seulgi
Buong gabi akong hirap makatulog dahil sa sinabi ni Namjoon kahapon.
"Sige na Seulgi. Alam kong malaki din ang potential ni Jimin manalo kung maaga siyang makakapagsimula ng training. Malaki ang chance na manalo pa tayo."
Bakit ba naman kasi, sa dami ng estudyante sa Springfield, si Jimin pa? Hays.
Bumangon na ako at naghanda na para pumasok sa school. Kailangan kong kausapin si Irene unnie. Siya na lang ang ipapakausap ko kay Jimin.
~•~
"Irene unnie! Teka lang." Ang bilis naman niya maglakad.
"Oh Seul, bakit?" Hinawakan ko ang dalawang kamay niya habang nakatingin sa kanya ng seryoso. "Unnie~! May papalit na kay Jungkook ngayong taon." Nakita ko naman ang gulat na ekspresyon niya.
"Huh? Sino?"
"Si Park Jimin." Tumaas naman ang kilay niya sa sinabi ko. "Hmm. Good 'yan. Oh, pano. Una na ako ah?"
"Unnie! Saglit lang." Lumakad ako ng mabilis para maabutan ko siya. "Si Park Jimin muna ang papalit kay Jungkook. Oo na Seul, gets ko na. Good news nga 'yan."
Napahinga ako ng malalim. "Unnie, hindi pa good news dahil hindi niya pa alam."
"Oh, 'di sabihin mo na. Ano ka ba naman Seul? Go na." Napahampas na lang ako sa noo ko dahil sa frustration. Bakit ba hindi ma-gets ni Irene unnie ang gusto kong sabihin?
"Unnie, 'yun na nga e. Uhm, ano kasi. Busy ako, kaya pwede bang ikaw na lang ang kumausap sa kanya?" Nag-puppy eyes pa ako sa kanya. Sana effective.
Napatawa naman siya. "Sige, ita-try ko mamaya. Pero alam mo namang iwas sa mga schoolmate nating babae 'yun e."
Iwas? E kulang na lang, i-glue niya ang sarili niya sa'kin kahapon lang.
"Ay basta unnie. Text mo na lang ako ah, balitaan mo ako." Tumango naman siya at ngumiti. "Oo na." Kumaway pa siya bago tuluyang umalis.
"Seulgi?" Lumingon ako sa likuran ko at nakita kong nakangiti sa'kin si Taehyung. Sa pagkakaalala ko, bestfriend siya ni Jungkook.
"Oh Taehyung?" Ngumiti ulit siya sa'kin pero mas weird 'tong ngiti niya ngayon. "Kim Taehyung, hindi Oh Taehyung." Hindi lang pala siya weird, pilosopo din siya.
"Kim Taehyung, bakit?" Ngumiti ulit siya na akala mo ay model ng colgate dahil kitang-kita ang mga ngipin niya.
"V."
Puno naman ng pagtataka ang mukha ko. "V?" Pag-uulit ko pa sa sinabi niya. Tumango naman siya. "V na lang itawag mo sa'kin." Sagot niya sabay pakita na naman ng kanyang colgate smile. Seriously, 'di ba nangangalay ang panga niya kakangiti?
"Okay, V. Alam mo nawi-weirduhan na talaga ako sa'yo." Nakita ko naman ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya, bigla siyang naging seryoso.
Tiningnan niya ako sa mata. Napalunok naman ako dahil sa biglaang pagbabago niya. Ang cute na V kanina, napalitan ng Taehyung na hot?
Nasampal ko naman ang sarili ko sa isip ko. Ano bang iniisip mo Kang Seulgi? Umayos ka nga.
"Hindi na ba ako weirdo ngayon, Seulgi?" Tanong niya sa'kin at biglang dinilaan pa ang labi niya.
Holy guacamole! Sineseduce ba ako ng batang 'to?! Hindi pwede! Seulgi, SC president ka. Wag kang magpapadala sa tukso.
Bago pa man mapuno ng kahalayan ang paligid--- este kamunduhan ni Taehyung, tumingkayad na ako para
BINABASA MO ANG
Falling for the Park Siblings
Fiksi PenggemarLove isn't really complicated, people are. Falling for the Park Siblings Sassy_mee ©All Rights Reserved