Chapter 2

107 8 0
                                    

⚜️Ultimate Crush⚜️

Mellea's POV

Pinatapos lang namin ang sweet dance saka nagyaya na akong umuwi kay Sebry. Sakto din na masyado ng gabi para sa mga kagaya namin. Tsaka ayaw din naman namin na maabutan kami ng sobrang gabi sa daan.

Hindi na din naman siguro tinanggap ni Prince 'yong dare kaya aalis na lang kami.


Mukhang kami ang magbabayad ng dare na 'yon.

Sayang 'yong pera namin wala man lang kami napala.



"Tara na Seb." pag-aaya ko sa kanya. Agad naman syang tumayo at inayos ang sarili.


"Tara na." sabi nya ng matapos na nyang ayusin ang sarili.


Paalis na kami ng makarinig ako ng isang familiar na boses, pinabilis ng boses na ito ang tibok ng puso ko. Napahawak naman ako ng mahigpit sa braso ni Sebry. Pakiramdam ko mawawalan ako ng balanse sa katawan. Nangangatog ang mga tuhod ko na hindi ko maikilos.



"Sandali lang!" sigaw nya habang papalapit sa aming dalawa.



Kilala ko ang boses na 'yon. Kompirmado! Sya nga 'yon!


Boses ni Prince.



Tumingin naman si Seb sa likuran namin kung saan nanggaling ang boses na narinig namin.


"Oh my gollywow bes!" bulong nya.


Napanganga si Seb sa nakita nya. Halos pumalakpak na sya sa sobrang saya samantalang ako dito, takot na tumingin sa likod.



"Bes si Prince mo?" mahinang saad nya.

Ngubit, hindi pa rin ako kumikibo kaya pwersahan na nya akong iniharap kay Prince. Nasa harap na pala namin sya.




"Hi Prince!" bati ni seb sa kanya.



"Hi din. Sino sa inyo si Mellea?" diretsong tanong ni Prince sa aming dalawa habang pinapabalik-balik ang tingin sa amin.



Napakagwapo talaga ng lalaking 'to. Ang bango pa.


Gusto kung magnakaw ng yakap sa kanya ay hindi isang halik na lang kaya sa pisngi haha.



"Sya! Sya!" Tinuro ako ni Seb at tinulak kay Prince dahilan para mas mapalapit ako sa kanya.

Napanganga na lang dahil sa ginawa nya. Tama ba na ibuking nya ako. Nakakainis talaga 'tong kaibigan ko.



Sus ginoo ang bango nya?


Kahit matangkad sya sa akin siguro kaya ko namang abutin ang mga labi nya kahit isang smack lang.



"Ikaw si Mellea?" Nakatitig sya sa mga mata ko nang tanungin nya ako.



"Ah O-oo." nauutal kong sagot sa kanya.



"Salamat sa gift mo sa akin ah maganda sya bagay sa akin. Sige tara picture na tayo." Ngumiti sya  sa akin.

Totoo ba 'to?

Nakipag-shake hands sya sa akin at mas lumapit pa para makapag-papicture na kami.


Paglapat pa lang ng mga braso namin, nanginig na ang katawan ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil may kung ano sa loob ko na bigla na lang dumaloy sa dibdib ko.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon