Chapter 8

54 4 0
                                    

⚜️Let's have a date⚜️

Mellea's POV

Natapos na kami kumain at naglibot-libot muna sa palibot ng campus. Magkasama kami ni Prince ngayon dahil may pupuntahan daw si Sebry.




Binibilisan ko ang paglakad ko para hindi ako masundan ni Prince pero mabilis talaga sya kaya tumakbo na ako nung akala kung hindi na nya ako nasundan. Naglakad na lang ako pero nagulat na lang ako nang bigla na s'yang nasa harapan ko.




"Saan ka pupunta?" Inilapit nya 'yong mukha nya pero inilayo ko ito.




"Ahm paano ka napunta dyan! Eh nasa likod lang kita kanina tsaka paano mo ko naabutan eh tumakbo kaya ako...nakita pa nga kita na sobrang layo mo."





"Alam mo kahit tumakbo ka pa, maaabutan at maaabutan kita at kahit magtago ka pa, mahahanap at mahahanap kita kaya wag ka ng mag-tangkang lumayo dahil makikita at makikita kita."




Napanganga na ako sa mga sinabi nya. May powers ba sya at alam nya kung saan ako pupunta? Napaatras na lang ako dahil hindi pa rin nya inaalis yong mukha nya sa harapan ko.



Tinulak ko naman sya palayo sa akin. "Ewan ko sayo. Pasok na nga tayo." sabi ko sabay talikod sa kanya. Hindi naman ako nakalayo dahil bigla n'yang hinila 'yong kamay ko.




"Wag na muna tayo pumasok. " nakangiting pag-aaya nya sa akin habang hawak pa rin nya ang kamay ko.  Kaya tinanggal ko 'yon baka kasi isipin ng mga estudyante na may relasyon kami ng baliw na 'to.





Tinaasan ko lang sya ng kilay. "Saan naman tayo pupunta kung hindi tayo papasok?" tanong ko.




"Ehm. Let's have a date. " sabi nya sabay kindat nya sa akin.





Ano daw date?




Tama ba ang narinig ko? Date?





"So tara na?" Hindi na ako naka-sagot pa dahil bigla na nya akong hinila at naglakad na kami palayo.




"Prince!" sambit ko na lang sa paghila nya sa akin.


Wala na akong nagawa pa kundi ang mapa-hila sa kanya. Gusto ko rin naman ang nangyayari sa akin ngayon. Para akong naglalakad sa alapaap habang tinitignan ko ang kamay kong hawak nya. Hindi lang ako makapaniwala na hawak-kamay kaming naglalakad ng crush ko.



Buong buhay ko sa panaginip ko lang naranasan ang ganitong pakiramdam. Yong ganitong saya. Kumakabog ang dibdib ko na para mga kabayong nagkakarera sa bilis.





Humanap kami ng daanan palabas ng campus at sakto naman na may sirang bakod sa likod kaya doon kami dumaan. Hindi ko man alam kung saan kami pupunta. Handa naman akong sumama sa kanya. Alam ko naman na hindi nya ako dadalhin sa kapahamakan.






May tiwala ako sa kanya. Hindi naman sya masamang tao. Matagal ko na 'yong napatunayan sa sarili ko. Talagang may pagka-playboy lang talaga sya.





Inalok nya sa akin 'yong balikat nya para magsilbing patungan ko nang sa ganun ay maabot ko 'yong bakod. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at pumatong na sa kamay nya at sa balikat nya. Naabot ko naman 'yong bakod at naakyat ako.





Unang beses kong ginawa 'to sa buong buhay ko at sa buhay kolehiyo ko pa talaga naisip na subukan 'to, kung saan malapit na akong gumraduate. Tapos ito ako, nagka-cutting class at over the bakod para lang makasama si Prince.




Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon