AN:( ANG STORY NA ITO AY LIKHA LAMANG NG AKING IMAHINASYON, HOPEYOU ENJOY GUYS SHORT :) )
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ako si Alyssa Valdez isang AB PSYCHOLOGY sa Ateneo De Manila University, atleta din ako sa ateneo mag aapat na taon ko ng pinag sasabay ang pagiging studyante at atleta, at masaya naman ako doon. Hindi madali ang pagiging isang student athlete may maintaining grade na kailangan maintain talaga. Bilang captain ng aking team kailangan ko talagang maging isang mabuting halimbawa sa kanilang lahat at syempre sa lahat ng aspeto.
1st love ko talaga ang volleyball, since elementary pa lang ay nag lalaro na ako nito, nung una ko siyang sinubukan hindi talaga ako marunong maski mag serve nga ng bola ay wala talagang potensyal, siguro ang nag tulak lang talaga sa akin na mag aral at mahalin ang volleyball ay walang iba kundi ang mga taong nakikita kong magaling mag laro, naiinggit ako sa paraan at mga kakayahan nila at doon talaga lumabas yung gigil na mag push pa akong matuto at mag aral kung paano nga ba laruin ang isang volleyball. At dahil sa tiyaga na ginawa ko natuto talaga akong maglaro, at bonus ko namang matuturing na may magandang height na ipunagkaloob sa akin si God.
Sa paglalaro ko ng volleyball madami akong nakilala at naging kaibigan, ang popularity na natatamo ko ngayon ay hindi ko itinuturing na isang kasikatan, dahil kung hindi naman dahil sa kanila wala din ako dito at higit sa lahat baka kung wala sila, wala din ang popularity ng volleyball ngayon. Fans talaga ang nagdala ng lahat, dahil sa dumadaming bilang ng mga taong nagmamahal ng volleyballmas dumadami din ang ibat ibang paliga para sa amin patunay lang na unti unti ng sumisikat ang volleyball. . . .....
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
(rak :)