Prologue

151 3 0
                                    

"Ayoko na." mahinang sabi niya

"A-anong ayaw mo na?"

"Ititigil ko na ang panliligaw ko sayo. Ayoko na."

"A-ano?" gulat na tanong ko "P-pero b-bakit?"

Napahawak siya sa batok niya "Ano kase.... nahihirapan nako, sorry ah? narealized ko, hindi pa pala ako ready na pumasok uli sa isang relasyon. Pero pwede pa naman tayong maging friends diba?" nakangiting sabi niya

Gusto ko siyang sampalin. Inis na inis ako sakanya! pero ano magagawa ko!? wala!

Bakit ngayon pa kung kailan balak ko na siyang sagutin!?

***

"Babae!" tumatakbong tawag sakin ng kaibigan kong si Clarisse habang kahawak kamay ang boyfriend nyang si John. Psh! walang forever -____-

"Problema mo?"

"Alam mo ba si Jeric!?"

Nagpintig ang tenga ko nang marinig ko ang pangalan ng lalaking yon "O anong meron sakanya?" pinilit kong hindi ipahalata na interesado ako sa ikukwento niya.

"Punyeta yang ex manliligaw mo! may pasabi sabi pang hindi pa handa magkaroon ng girlfriend e nakita namin sya kanina may kasamang babae! tatagain ko na sana sya kung hindi lang ako napigilan netong si Hubby." sabi niya at sinamaan ng tingin ang boyfriend nya

Si Jeric may gf? e parang last week nya lang sinabi sakin na ayaw na nya, tas may bago na agad siya!?

"Baka naman kapatid nya o pinsan?"

"Gaga hinde!" sabi niya at ipanakita sakin ang fb account ni Jeric "Ayan o! may gf na siya! ito rin yung babaeng nakita naming kasama niya kanina!" nangigigil na sabi niya

Tila naman ako sinaksak ng katotohanan sa nakita ko. May gf na siya!? Putangna!?

"Sinasabi ko na nga ba e Pafall yang gagong yan!" galit na sabi ni Clarisse

"Hindi kana kase natuto tsk!" gatong pa ni John

"Nabiktima ka na naman ng Pafall! hindi ka kase nakikinig sakin e!"

"Hays." umiiling na sabi ni John

Nung oras na yun para gusto ko nalang kaiinin ako ng lupa! jusko!!!

Bat palagi nalang ganito!?

Biktima nang taong Pa-fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon